Hey, I Love You!
First Chapter (Part 1)**Arielle**
"Ang laki pala talaga ng Halo University."
Kasalukuyan akong nakatayo sa tapat ng malaking silver gate ng school kung saan ako nagtransfer. May ilang minuto ko na rin itong tinititigan mula dito sa labas at manghang-mangha pa din ako. Kung ganito na ito kaganda sa labas, paano pa kaya sa loob?
*Peeeeeeeeeeeepppppppp!*
Napatakip nalang ako sa tenga dahil halos mabingi ako sa lakas ng pagkakabusina sa akin. What the f? Anong karapatan niya, kung sino man siya, na businahan ako? Palibhasa nakakotse kaya matapang.
"Hoy! Sino ka sa tingin mo para businahan ako? Ano? Dahil nakakotse ka gumaganyan ka? Bumaba ka dyan!"
matapang kong sabi habang kinakatok-katok yung bintana. Akala niya matatakot ako sa kanya, kung sino man siya. Bakit ba kasi tinted yung salamin?Dahil first day of school, marami-rami na ring estudyante, siyempre, agaw eksena ang ginagawa ko. Well, I don't care. Mas nilakasan ko pa nga yung pagkatok ko sa bintana.
"Lumabas ka dyan kung ayaw mong basagin ko to! Labas!" at mabuti naman, bumukas na yung pinto ng kotse. Masakit na din kase yung kamay ko.
"Ikaw! Anong karapatan mo na businahan a-a-ko? Si-si---" hindi ko na natapos yung sasabihin ko dahil sa isang gwapong nilalang na lumabas sa sasakyan.
"Hey! Ano bang problema mo? Haharang-harang ka na nga dyan sa gate, babasagin mo pa yung salamin ng kotse ko!" para siyang tigreng galit with matching kunot ng noo. Pero wow lang huh? At siya pa talaga yung galit?
"Ikaw pa talaga may ganang magalit? Eh ikaw nga 'tong makabusina, kala mong hindi ako mabibingi sa lakas. Feeling prinsipe ka masyado dito porque nakakotse ka!" gwapo sana, masama pala ugali.
"At ikaw naman? Ang kapal mong magbunganga! Ikaw tong nakaharang dyan, para kang tanga!" What the f? Ako? Mukhang tanga? Eh g*go pala 'to e.
"Parang tanga? Ikaw naman mayabang tsaka feeling prinsipe! Mukha ka namang palaka!"
"Sinong tinawag mong mayabang? Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo. Hindi mo ba ako kilala?" pananakot niya sa akin. Talagang pananakot yung ginawa niya kase, talagang natakot ako. Lumapit pa kase siya sa akin. Malapit na malapit. Tapos tiningnan niya ako ng masama. Hanggang tenga niya lang pala ako. Nakakaloka. Ang gwapo niya talaga.
"W-wala akong pakialam kung sino ka! Kala mo natatakot ako sayo?" tapang-tapangan kong sabi.
Lalo namang tumalim yung titig niya at mas lumapit pa sakin. Geeezzz, anong gagawin niya?
"Alain! Tama na yan! Late na tayo!" at bumaba rin mula sa kotse nung mayabang nato. . . . ang isa ring gwapong nilalang. Lumapit siya sakin, este kay yabang at medyo inilayo sa akin. Gaya ng sinabi ko, gwapo si kuyang lumabas sa kotse. Mas matangkad lang si yabang sa kanya.
"Pagpasensyahan niyo na po itong kaibigan ko na to. Pinaglihi lang talaga siya sa sama ng loob." nakangiti siyang sabi, na mas lalo pang nagpaangat ng kagwapuhan niya. Inakay niya papasok sa kotse si. . . Alain? Yun yung narinig kong sabi ni cute guy kanina eh.
"Hindi pa ako tapos sayo." pagbabanta niya. Kala naman niya natatakot ako? Well, sa gwapo niyang yan, kahit sinong takutin niya hindi matatakot. Baka nga kiligin pa eh.
Nginitian ko pa siya ng nakakaasar, at ang mayabang nayun, naasar nga. Hahaha! One point for me! Pero bago pa man din sila pumasok sa gate, binusinahan na naman niya ako, this time paulit-ulit at muntik pa akong sagasaan. Hayup talaga.
BINABASA MO ANG
Hey, I Love You!
FanfictionHey, I Love You! is under revision. Please bear with the characters' names being changed and some parts of the story's revised. PS. I've only revised the first few chaps of the story. Naaalala mo ba kung paano tayo unang nagkakilala? Sa school yon...