Hey, I Love You!
Sixth Chapter**Alain**
"Good morning class, I will be your new Psychology professor. Mr. Jimenez will undergo a surgery kaya ako yung ipinalit ng management. Yung iba sa inyo kilala na ako, I am the registered Psychologist and also the guidance councilor of this school. My name's Loi Buenaventura." sa pagkakaalam ko, siya yung tita ni Diether.
"Before we start, since hindi ko pa kayo kilala.." Hayyyy siguradong introduce yourself na naman yan. Lagi nalang.
"..kindly submit 1/4 sheet of paper with your names indicated, plus, your favorite song. Pick the song that describes you the best" too boring. Pero dahil prof siya, sunod kami.
"Si Diether nasaan?" biglang tanong ni Edrien.
"Ayun" nasa bandang harap siya, katabi si Arielle. For sure, galit pa rin yon. Hindi naman niya ako masisisi. Ang totoo nga niyan 'medyo' nakaramdam ako ng guilt sa pinagsasabi ko sa kanya kahapon.
"So for your first activity, ipe-pair ko kayo, based on the paper you have submitted."
"So let's start. One Call Away, and your partner is I'll Be There. Maupo kayo sa tabi ng isa't isa." then sumunod yung mga classmates namin. Ano ba kaseng pakulo to?
"Chasing Pavements, and Chasing Cars."
"Diana and Cecilia"
"Beauty and a Beat and Beauty and the Beast"
"You and I and Love Story"
"Tala and Tala" ayos nagkamukha pa sila
"Payphone and Call Me Maybe"
"What Makes You Beautiful and Story of My Life""I'm Yours and Never Enough" tumayo si Edrien at yung isa naming classmate. Haha anong pinili niya don?
"Run Away Baby and Break Free" tumayo si Diether at yung foreigner naming classmate. Handsome? Lakas!
Halos natawag na lahat, pero ako hindi pa. May galit yata 'tong prof nato sa akin.
"You Are The Reason.." Natawag na din sa wakas. "And your partner, Strong." sino yung s-- si Arielle? Nagkatinginan kami pero agad siyang nagbawi ng tingin.
Marami-rami pa siyang ipinaliwanag bago niya sinimulan ang dapat simulan. Nabanggit rin niyang ito na ang magiging permanent seats namin sa subject niya. Hayyyys
"So for your first activity, magshe-share kayo sa isa't isa ng tatlong bagay tungkol sa inyo na sa tingin niyo ay hindi pa alam ng kapair niyo. I'll give you ten minutes, then ise-share nyo yan sa harap." gaya ng sinabi niya ganun na nga ang ginawa namin, sila lang pala. Walang gustong magsalita. Walang gustong mauna. Ni hindi nga niya ako tinitingnan eh. Choosy pa siya! Hindi naman iyon kawalan sa akin, sa kanya oo. Bahala siya.
"May problema ba, Mr. Austria? Mr. Aquino? Bakit hindi pa kayo nagsisimula?" napansin siguro na kami nalang yung walang ginagawa. Napunta tuloy ang atensyon ng lahat sa amin.
"Wala po." sabay naming sabi. Pansin kong nakatingin sa amin si Diether at nagmouth siya ng 'okay ka lang' kay Arielle. Tumango naman bilang sagot.
"Tapos ka na bang makipag-usap sa boyfriend mo?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko siya boyfriend." walang gana niyang sagot. Mapagtripan nga.
BINABASA MO ANG
Hey, I Love You!
Fiksi PenggemarHey, I Love You! is under revision. Please bear with the characters' names being changed and some parts of the story's revised. PS. I've only revised the first few chaps of the story. Naaalala mo ba kung paano tayo unang nagkakilala? Sa school yon...