Chapter 8

4.3K 149 5
                                    

**Edrien**

Wala kaming pasok ngayon at nagkataong wala ring pasok sila KC at Bernard. Napagkasunduan naming lima, este apat, na doon nalang tumambay sa coffee shop ni KC. Pinilit lang namin yung isa.

Gaya ng dati, kanya-kanya ng dala ng sasakyan. Pero sa sitwasyon ko, madalas na kasabay o nakasakay ako sa kotse ni Alain. Ayaw daw niya mag-isa sa loob ng sasakyan. Wala daw siyang makausap at nababato siya sa loob. Kahit naman may kasabay siya hindi rin naman niya kinakausap.

Halos hindi pa kami nakalalayo sa bahay nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mabuti nalang talaga at walang pasok.

"Dumadami na yung nagwowork dito ah? Tsaka pabata sila ng pabata." sinang-ayunan ni Diether yung sinabi ko.

"Oo nga eh. Halos mga kaedad lang natin. Daming chixx pare." sinasabi ko na nga ba hahaha

"Good morning mga Sir." parang kinikilig na sabi ni Ate. Nginitian siya ni Diether at yun, muntik na siyang himatayin.

"Nandyan na ba si KC? Mga kaibigan niya kami."

"Ah opo. Nasa office po siya."

"Ah sige pupuntahan nalang namin." busy siguro. "Kayong dalawa, oorder ba kayo?"

"Hot chocolate sa akin tsaka mga apat na croissant." timawa talaga tong si Diether.

"Sa akin latte tsaka blueberry cheese cake." masarap kasi yung mga cheese cake nila. Credits sa baker nila.

"Yung sayo?" nakatingin lang kase si Alain sa mga deserts.

"White espresso and two slices of triple chocolate cake. Pa-follow up nalang." seryoso niyang sabi.

"Ah o-okay po." Hahaha! Parang natakot si Ate kay Alain. Iniwanan nalang namin siyang ganun.

"Grabe ka pare. Tinakot mo si Ate kanina hahaha" tawang-tawa si Diether. May kasama pang paghampas.

"Bakit? I didn't even do something that'll scare her. Kelan pa naging nakakatakot ang kagwapuhan?" patawa niyang sabi. Si Alain? Nagpapatawa? Bago to ah?

"Wag mo nga ako ine-English dyan. Di porket kalahating Briton ka maggagaganyan ka. Wag ganun pare." loko-loko talaga si Diether.

"Minsan na nga lang ako magstraight English. Tsaka wala sa ganun yun pare. Kung gusto mo mag-English ka din haha" kalmadong Alain? tsaka tumatawa? What's happening haha

Hindi na kami kumatok at dere-deretso na pumasok sa office ni pareng KC.

"Kala ko di na kayo pupunta. Musta mga pre?"

"Ulul! Parang hindi tayo nagkita-kita sa bahay kanina ah?" biro ni Alain na naging dahilan para mapatingin sa amin si KC. Mukhang nagets din niya.

"Muntik na nga di sumama yan eh. Pachixx pa kanina. Gusto pinipilit hahaha" Sabat ni Diether. Naupo kami sa sofa.

"Gago!" sagot ni Alain na tinawanan lang ni Diether.

"Basta ako di ako magtatagal dito. Nagsimula na yung training namin para sa Collegiate League. Mahirap nang magisa ni Coach." sabi ko. Malaking pasanin para sa team namin, lalo na sa akin, dahil ako ang team captain ng basketball team.

"Wag niyo masyado galingan, lalo ka na. Baka matalo niyo na naman kami pag nagkaroon ng Intramurals this year." tinalo kasi namin yung section nila KC last year kaya nalaglag sila at di nakapasok sa finals haha.

Hey, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon