Chapter 5

4.6K 158 9
                                    

Hey, I Love You!
Fifth Chapter

**Arielle**

Maaga na naman kami nadismiss ngayong araw. Nagkayayaan sila Kia na magmall. Hindi sana ako sasama dahil walang kasama si Adrian sa bahay, plus wala sa budget ko ang mga biglaang galaan na ganyan, alam yon ni Kia at Armilin. Sandali lang naman daw kami at wag daw akong mag-alala dahil sagot naman nila yung gala. Siguro, ibibilin ko nalang si Adrian kay Ivan, yung kaibigan ko na kapitbahay namin na nangungupahan din.

Nalaman ko yung dahilan kung bakit nagtratrabaho si Kia at Armilin sa Café Principe, yung coffee shop kung saan din ako nagtatrabaho. Si Armilin, kaya lang nagwo-work work work para samahan si Kia. And ang reason naman ni Kia sa pagtatrabaho is dahil may binabantayan daw siya na ayaw naman niyang sabihin kung sino. Mga baliw ata. Gets niyo na? Haha.

"Guys CR lang ako." paalam ni Elton. Nasa kalagitnaan kami ng pagwawaldas ng pera, ayy sila lang pala haha.

"Sama ko." medyo nawiwiwi na din si akooo. Kanina pa kasi kami naglilibot.

Maraming tao sa men's restroom. Hindi naman ako yung tipo na sa urinal nagwiwiwi, like hello? Ako? Sa urinal? I'm sure ganun din si Elterrn. Sa cubicle ako nagbawas haha

Nagdesisyon akong hintayin si Elterrn sa labas, hindi pa tapos si Elterrnn eh ang dami-daming tao sa loob.

Naglalakad-lakad ako nang may mabangga ako, or should I say may nakabangga sa akin na babae. May kasama siyang guy at base sa pagkakapulupot ni Ate kay Kuya, mukhang magjowa sila.

"Pasensya na po." paghingi ko ng tawad kahit alam kong siya naman talaga ang may kasalanan. And in fairness, ang ganda niya at ang pogi ni Kuya.

"Next time, tumingin ka sa dinadaanan mo." tinaasan niya ako ng kilay. Aba't malandi.

"Babe tara na nga." At tuluyan na nga silang nawala, kasabay ng pagdating ni Elteerrn. Kinuwento ko sa kanya yung nangyari, nagjoke pa nga siya na hanapin daw namin yung babae at sugurin.

Gaya ng inaasahan, namili sila ng kung ano ano. Halos nalibot din namin yung buong mall. Puro damit, stuff toys at pagkain yung pinamili nila. Nagulat pa nga ako na pati ako meron haha. Pero pinakagusto ko yung bigay ni Kia na black T-shirt na may print na 'I love you'.

Gabi na ng makauwi kami, ako lang pala haha. Tulog na yung kapatid ko nang makarating ako. Naligo lang ako sandali at nahiga na sa tabi niya. Mabilis akong nakatulog dahil sa pagod.



**Diether**

"Miss, bibilin ko to." nasa mall kaming tatlo ni Edrien at Alain, nagpasama lang akong mamili, ako kasi namimili ng stocks sa ref, tapos si KC nagluluto, siya lang kasi marunong sa aming lima. Tsaka sinabay ko na ring mamili ng mga damit, trip ko lang haha.

"Ibili ko na din kaya sila?" tanong ko sa sarili ko. Nasa CR kasi si Alain at Edrien, hindi pa bumabalik. Yaan mo na nga.

Mahilig si Edrien sa mga damit na kulay pula, yun kasi napapansin ko sa bahay. So hakot ako ng mga kulay pula. Si Alain naman, mga kulay black na damit. May napansin akong black na T-shirt na may print na 'I love you too.' Teka parang pang couple to ah?

"Miss, pang couple ba to?" tanong ko sa saleslady.

"Yes, Sir. Actually, kanina po may babaeng bumili nung isang ka-pair niyan. Binayaran nga din po yan pero ang sabi, yung isa lang kukunin. Bakit Sir? Gusto niyo po ba nyan? May stock po kami nung ka-couple niyan." May mas maganda akong naisip.

"Ah hindi na Miss. Ito nalang din kukunin ko. I think nakatadhanang mangyari to para sa kaibigan ko." evil smile.

"Ah okay po. Iyon lang po ba lahat?"
Tumango ako at umalis na siya. Kasabay ng pagdating ng dalawa.

Hey, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon