Hey, I Love You!
Fourth Chapter**Edrien**
"HAHAHAHA!" napuno ng halakhak ang LR namin. Sa lakas ba naman ng boses ni Diether. Nalaman kasi naming nakipagbreak na si Bernard sa girlfriend niya. Buti naman! Hahaha!
"Kaya nga nag-uwi ako ng cake." natatawa ring sabi ni KC.
"This calls for a celebratioooooon! HAHAHA! Bibili ako ng makakain" nagtatakbo palabas si Diether bitbit yung susi ng kotse niya. 9 pm na. San bibili yun?
"Magpapalit lang ako ng pambahay." nagtatakbo si KC paakyat sa kwarto niya. Halos kakarating lang kasi nila.
"Magpapalit din ako." walang emosyong sabi ni Bernard. Seriously? Dapat nga matuwa pa siya.
"Tatawagin ko si Alain. Sabay na tayo."
"Sige."
"Bakit parang ang lata mo hahaha"
"Wala to. Siguro... nanghihinayang lang ako sa dalawang taon." Parang hindi naman siya nalulungkot sa tono ng pananalita niya. Parang nanghihinayang nga lang talaga siya. Knowing Bernard, maloko yan, pero most of the time seryoso. Hindi ko rin siya masisisi sa nararamdaman niya. Ang alam ko kasi si Christine ang pinakamatagal na naging karelasyon niya.
"Nanghihinayang ka sa dalawang taon? Dalawang taon na puro away at lokohan? C'mon! Cheer up pare!"
Napaisip siya sandali. "HAHAHA! Oo nga noh? Dapat magsaya pa nga ako." anyare?
"Sige pare. Dun na ako sa kwarto ko." parang siyang baliw na sumaya yung mood niya.
Dumeretso na siya sa kwarto niya, habang ako, papunta sa kwarto ni Alain. Magkakahiwalay kasi kami ng kwarto. Pag-akyat mo ng hagdan, sa gawing kanan yung kwarto ni KC, yung kwarto ni Bernard, at yung guest room namin. Sa kaliwang part naman yung kwarto ni Diether, yung kwarto ko, at pinakadulo yung kwarto ni Alain, katabi yung stairs paakyat sa rooftop.
Wala nang katok-katok. Deretso pasok ako sa loob at nakita ko siyang nakahiga sa kama niya at nagcecellphone. Naupo ako sa tabi niya.
"Pwede kang kumatok." sarkastikong sabi niya. Napakamot ako ng ulo. Parang hindi naman siya nasanay na hindi ako palakatok sa pinto hahaha.
"Alam mo ba- - -"
"Break na sila ng girlfriend niya? Tinext ako ni Diether." Deretsahan niyang sabi. Sa tono ng pananalita niya, parang wala siyang pakialam. Sa aming lima kase, si Alain at Bernard yung hindi 'gaanong' magkaclose. Nagpapansinan naman sila pero hindi sila masyadong close gaya nalang namin ni Diether, o kaya si KC at Bernard, or si KC at Diether. Ganun lang talaga siguro. Marami silang hindi napagkakasunduan.
"May ce- - -"
"May celebration kayo mamaya. Hindi ako interisado. May pasok pa bukas. Ayokong matulog ng late." bakit kaya hindi niya muna ako patapusin magsalita? Ganyan talaga yan. Ako nga na bestfriend sanay na eh.
"Ah okay." nilibot ko yung tingin ko sa kwarto. Palagi nalang madilim pag papasok ako dito. Mustulang gabi sa loob. Black kasi yung fav color ng mokong nato.
"Nandun pa pala yun?" napatingin ako sa study table niya. Nandun pa din yung folder na isinauli namin sa kanya. Yung folder na naglalaman ng mga personal infos ni Arielle. Dun ko kase nilagay, at ganun na ganun pa din ang ayos. Hindi nagalaw.
Napatingin siya kung saan ako nakatingin. Pero madali niyang binawi yung tingin niya at nagfocus sa ginagawa niya. 2048? Hahaha
"Kung gusto mo itapon mo na. Hindi ko kailangan yan."
BINABASA MO ANG
Hey, I Love You!
FanficHey, I Love You! is under revision. Please bear with the characters' names being changed and some parts of the story's revised. PS. I've only revised the first few chaps of the story. Naaalala mo ba kung paano tayo unang nagkakilala? Sa school yon...