---
Makulimlim na umaga. Feeling ko magkakasakit ako ng bongga, sobrang hilong-hilo ako kanina paggising ko. Tapos ambigat ng katawan ko parang di ko mabuhat. Pero keri lang.Kahahatid ko lang kay Adrian sa school niya at papunta ako ngayon sa coffeeshop, wala naman kaming pasok ngayon kaya magwo-work-work-work-work-work-work ako. Mabuti nga at bigla kaming nawalan ng sokpa today kundi ngangabels akong papasok sa school. Nganga as in nganga talaga. Halos naubos na yung mga naisantabi kong pera, buti nga may gamot pa si Adrian kase kung saka-sakali, wala akong pambili. Dumagdag pa yung rent namin sa bahay. Baka sa pagbalik ni Aling Bebang, sa kangkungan na kami pulutin ng kapatid ko.
Napatigil ako sa pag-iisip nang may bumusina sa likod ko.
*peeeeep peeeeep*
Napailing pa ako ng bahagya. Naalala ko bigla na sa ganito kami nagkakilala ni Alain a.k.a. Kumag na halimaw. Hala? Erase, erase! Hindi ko dapat iniisip yung kumag na yun.
Medyo na shock pa ako ng kaunti, at kinilig at the same time, nang makita ko kung sino yun. Si Bernard with his lakas makagwapong motor.
"Sakay na." sabi niya sabay smile. Namula ako ng bongga shettt.
"San ka nga pala papunta? Tsaka bakit naglalakad ka?" follow up niya. Concern po siya sakin
"Ah hehe sa coffee shop" syempre pabebe ang lola niyo.
"Sakto dun din ako papunta. Sakay na. Wag ka na mahiya. Tsaka parang uulan na oh?" at dahil pinipilit niya ako (charot!) umangkas na ako. At akalain mo biglang bumuhos ang malakas na ulan. So nababasa na kami.
"Inabutan na tayo haha. Okay lang ba na mabasa ka?" tingnan niyo po. Concern talaga siya sakin hihihi
"Hahaha okay lang. Basa na nga tayo oh? Sa locker room nalang ako magpapalit."
"Okay tara na." bigla niyang pinaharurot yung motor niya. So ang ending? Napakapit ako sa kanya ng bongga! And Oh My Fairy God Mother! Pandesal ba tong nahahawakan ko? Isa. . Dalawa. . Tatlo. . Apat. . Lima. . Anim! Anim na pandesallllllllll!
"Hoy ano yang ginagawa mo hahaha. Tsaka bakit ang init mo? Okay ka lang ba?" napabitaw ako agad. Shet nakakahiya.
"Hehe pasensya na. Nakakatuwa kasi, may abs hihihi. Don't worry, okay lang ako." sabi ko kahit medyo kumikirot ang ulo ko. Spell malandi? Haha
"Hahaha ngayon ka lang ba nakahawak niyan?" nagulat ako nang bigla niyang binilisan ang takbo so napahawak na naman ako sa kanya, sa balikat na this time. Nakakahiya shet.
"Hoy ano ba bagalan mo lang! Ang bilis bilis natin tapos umuulan pa! Baka maaksidente tayo!"
"Haha sorry na"
Kung ano anong walang kwentang mga bagay ang pinag-usapan namin hanggang sa makarating kami sa coffee shop. Puro kami asaran, tawanan at harutan. Jusko, kahinaan ko po yung ganito. Gabayan niyo po ako. Marupok ako. Marupok na marupok.
"Salamat pala sa paghatid. Una na ako sa loob, baka pagalitan ako ni Sir Christian."
"Hintayin mo na ako. Akong bahala sa mokong nayun pag pinagalitan ka." Enebe hihihi. Eyew pe neye ekeng deretsehen ne geste leng neye eke mekesebey.
Sa backdoor kami dumaan. Basa kaya kami. Baka mapagalitan pa kami pag nagkataon.
"So paano? Kita na lang tayo mamaya?" nakasmile na naman niyang sabi. Syempre kinilig ang lola niyo!
"Hehe sige" at umakyat na siya sa office si Sir Christian, nasa second floor yun, habang ako deretso sa locker room. Nagdadalawang-isip pa nga ako kung magshoshower ako o hindi kasi kanina pa ako nahihilo at mainit pakiramdam ko, pero nagshower pa din ako.
"Arielle pakidala naman ang mga to sa office ni Sir, kararating lang nung mga kaibigan niya na ampopogi! Sayang yung isa, gwapo sana kaso parang ang sama ng ugali." Kinikilig na sabi ni Cynthia, bago lang siya dito. Teka, wala sila Kia at Armilin?
"Alam mo Cynthia, may kilala din akong ganyan. Nung una kong nakita, gwapong-gwapo ako sa kanya. Pero masama pala yung ugali. Ayun turn off agad ako." kilala niyo naman kung sino yung tinutukoy ko.
"Hayysss. Sayang nga eh. Gwapo pa naman, yung mga kasama niya gwapo din pero mababait naman." pagsang-ayon ni Cynthia.
"Hahaha. In fairness naman sa mga sinasabi mong kaibigan ni Sir, mga gwapo. Ilan ba sila sa taas?" si Bernard lang kasi kilala ko at nameet ko na.
"Apat na gwapo ang bisita si Sir. Apat bes! Apat!" unli teh? Hahaha
"Sige. Dalhin mo na yung sa dalawa. Susunod ako." sinadya kong kuhanin yung isang cappuccino, orange juice na walang yelo pero malamig, at isang slice ng dark chocolate cake. Alam ko kasi na kay Fafa Bernard yon hihi. Ang hindi ko lang alam ay kung kaynino yung white espresso at isang slice ng triple chocolate cake.
Nag-ayos muna ako. Nandun kaya si Fafa Bernard no! Tsaka nandun din yung mga kaibigan nila na sure na ampopogi din. I need to be prepared, kailangan maganda ako pag humarap sa kanila.
"Arielle dalhin mo na yan sa taas. Paganda ka pa eh. Beastmode na yung isa. Kakaloka." nakabalik na pala ang bruha. Don't worry bes, paaamuhin ko yung lalaking sinasabi mo hihihi. Medyo nanginginig yung kamay ko at nakakaramdam na rin ako ng pagbigat ng katawan ko. Siomai mukhang magkakasakit pa yata ako.
Kumatok muna ako ng tatlong beses bago pumasok.
"Sir eto na po yung - - " sila? Anong ginagawa nila dito?
"Arielle.." magkakasabay na sabi ng tatlo, si Sir Christian, si Diether, at si Edrien. Yung kumag, nakabusangot na naman. Siguro siya yung tinutukoy ni Cynthia na masama yung ugali. Well, totoo naman yun. Pero wait, nasaan si?
"Woooooh! Anlamegggg!" napatingin ako dun sa lumabas sa CR dito sa office ni Sir at. . HOMAYGULAY! Isa. . Dalawa. . Tatlo. . Apat. . Lima. . Anim! ANIM NA PANDESALLLL! Iyon ba yung hinahawakan ko kanina?
Nanlambot ako bigla nang bigla siyang tumingin sa akin sabay ngiti. Napatingin din yung apat.
"Hi Arielle, nagkita na naman tayo." Nag smile siya at lumapit sa akin. Kinuha niya yung inorder niya. "Yun! Sarap naman! Salamat."
"Magkakakilala kayo?" tanong sa amin ni Sir Christian.
"Oo/Hindi" magkasabay na sabi namin ni Edrien at Diether, syempre kokontra si kumag.
Nakaupo sila sa sofa. From left to right: si Diether at Edrien sa may mahabang sofa, si kumag sa gitna, sa may pang-isahan, at si Sir Christian at Bernard, na nakatopless pa din, dun sa isa pabg mahabang sofa na katapat nung kayla Edrien.
Si Kumag at si Sir Christian nalang yung walang kinakain so isa sa kanila ang nagmamay-ari nito. Pero dun ko ibinaba sa tapat ni Sir Christian.
"Sir yung inorder niyo po."
"Salamat. Pero hindi ako ang umorder niyan." So ibig sabihin. . .
"Ah hehe. Pasensya na po." nakakahiya shet.
"Oh ayan. Sayo pala yan sayang hindi ko nalagyan ng lason."
"Hindi ba dapat Sir ang itawag mo sa akin? Matalik na kaibigan ako ng may-ari ng coffee shop nato, actually kaming lima, mga co-owners kami dito. Dapat Sir ang tawag mo sa amin, sa akin." pang-aasar ng Kumag. Grrrrrr! Kung wala lang si Sir Christian dito, Sinabunutan ko na to. Panira ng araw.
"Hanggang dito ba naman pinapairal mo yung kagaspangan ng ugali mo?" si Bernard! Ipagtanggol mo ko! Inaaway niya ako huhuhu.
"Ang mabuti pang gawin mo kaysa sumabat ka dyan, magsuot ka ng pang-itaas. Tingnan mo oh? Naglalaway na yung isa dyan." pinasasakit niya ang ulo ko. Literally.
"Pasensya na po SIR, kung sa tingin niyo pinagnanasahan ko yung kaibigan mo. Pasensya na po kung ang tingin niyo sa akin, pokpok, malandi, makati, hayok sa lalaki. Pasensya na." Pinilit kong huwag umiyak kahit gustong gusto ko. Hayyss. Iiyak na naman ba ako ng dahil sa kanya? Dumagdag pa yung sakit ng ulo ko. Tang-ina.
"Pasensya na po Sir Christian. Balik na po ako sa baba." Hindi ko na siya hinintay na sumagot at lumabas na ako ng office.
BINABASA MO ANG
Hey, I Love You!
FanfictionHey, I Love You! is under revision. Please bear with the characters' names being changed and some parts of the story's revised. PS. I've only revised the first few chaps of the story. Naaalala mo ba kung paano tayo unang nagkakilala? Sa school yon...