Hey, I Love You
Third Chapter**Arielle**
"Kuya umuwi na tayo. Sige naaa" kahapon pa ako kinukulit ng kapatid ko na umuwi. Four days na siyang nasa hospital at ako naman, 3 days nang hindi pumapasok sa school.
"Hindi pa pwede. Di'ba sabi ni Doc kailangan mo pa magpagaling?" pinipilit niya ako na umuwi na kami. Papaano pa ako papayag na umuwi siya agad? Pinapangunahan ako ng takot. Takot na maulit na naman yung nangyari nung lunes.
Nasa coffeeshop ako nun at nagtatrabaho. Tinawag ako ng katrabaho ko, kanina pa daw nagriring yung cellphone ko. Tinawagan ako ng kapitbahay namin at nalaman kong inatake na naman si Adrian. Madali kong kinuha ang mga gamit ko at nagpaalam sa boss namin, pero inihatid pa niya ako.
"Ayoko na kasi dito Kuya. Nakakatakot yung nurse na chumecheck sakin." natawa nalang ako sa rason ng kapatid ko.
"Wag kang makulit. Hindi pwede."
"Pero Kuya, kung magtatagal ako dito, lalaki bayarin mo sa hospital. May pambayad ka?" napaisip ako bigla. Tama naman siya. Grabe mang-realtalk itong kapatid ko.
Well may naitabi naman akong pera. Yung pambayad namin sa renta ng bahay, tsaka yung pambayad ko sa kalahati ng tuition ko. Remember na half-scholar ako? Medyo kukulangin pa na pambayad sa hospital pero konti nalang naman yung kulang. Bahala na.
"Hmmm.. Meron naman?" unsure kong sagot. Napatawa nalang yung kapatid ko.
"Hay nako Kuya. Tara na kasi. "
"Hindi pwede."
"Nung Saturday pala Kuya pumunta sa atin yung matabang babaeng mangkukulam, hinahanap ka." tinutukoy niya yung may-ari ng inuupahan naming bahay. Three months na aming hindi nagkakabayad. Well, nakatabi naman yung pera, hindi ko lang binabayad. Incase na kailanganin ko. Gaya ngayon.
"Kakausapin ko nalang siya. Ang importante, magpagaling ka." pinilit ko pang ngumiti sa harap niya sa kabila ng mga problema na ibinabato sa amin ng tadhana. Basta magkasama kami, kakayanin namin ang lahat.
*This is a shout out to my ex
Heard he's inlove with some other chick*Biglang nagring yung cellphone ko. 0936*******. Hindi nakaregister sa phone ko, Hala? Sino naman kaya to? Pero di ko pa feel sagutin kaya sinabayan ko nalang muna yung ringtone ko. Ganda kasi we.
"... Yeah yeah, that hurt me, I'll admit . . . Forget that boy, I'm over it. . . I hope she's getting better sex. . Hope she a- - -"
"Sasagutin mo ba yan o kakanta ka nalang? Kuya ampanget ng boses mo!" ang lakas talaga mang badtrip nitong bata nato. Kung hindi lang siya bata, baka binugbog ko na to.
"Eto na nga oh? Sasagutin na. Shatap ka muna dyan." kakaloka naman kasi tong tumatawag na to.
"Hello?"
"Hello? Is this Arielle?" parang pamilyar yung boses.
"Ako nga. Sino ba to?"
"Awts. Ako to, si Diether mo to. Nakalimutan mo na ako agad? Kakatampo ka po." siya lang pala. Pero anong sinabi niya? Diether ko daw siya? Ewe!
"Bakit ka ba tumawag? Gabi na po kaya."
"Namimiss na kase kita, baby ko." What the? Anong baby? Napansin kong nagulat si Adrian sa narinig niya. Naka-loudspeaker kase.
"Alam mo, DIETHER, kung wala ka namang sasabihing maganda, ibaba ko na to." medyo diniinan ko yung pagkakasabi ng pangalan niya para isipin niyang galit ako, kahit medyo nakakakilig. Medyo lang.
BINABASA MO ANG
Hey, I Love You!
FanfictionHey, I Love You! is under revision. Please bear with the characters' names being changed and some parts of the story's revised. PS. I've only revised the first few chaps of the story. Naaalala mo ba kung paano tayo unang nagkakilala? Sa school yon...