Shock

52.2K 1.5K 55
                                    


Chapter 6:

Celestine's POV:

Pakiramdam niya nanlaki ang ulo niya sa narinig.

Teka, sandali, baka naman nagkamali lang siya?

"Excuse me?" Ulit niya.

Tumaas ang kilay nito.

"I said I'm going to live here" ulit nga nito.

"At bakit?"

"At talagang tinanong mo 'yan?"

Naumid siya.

Nabigla kasi siya, ang bilis ng mga nangyayari, tapos ang antipatikong baklang ito pa ang bumili ng farm.

"My lawyer will be the one who will give you the legal documents, so since I'm still here, and I'm interested to y-this place, I'm going to live here-"

"Hep! Sandali lang, at kailan mo balak tumira dito?" Tanong niya hindi niya kung bakit gusto nito ang farm, at gusto nitong tumira dito eh batay sa itsura nito, hindi ito mukhang sanay sa buhay probinsya.

Tinitigan siya nito sa paraang matagal..at nakakailang.

"I want to spend the night here tonight,..but okay, I will be living here starting tomorrow" sabi nito na parang bumibilis lang ng candy.

"T-teka? Bakit ang bilis naman yata? Hindi ba pwedeng sa next week na lang?" Ang bilis talaga ng nangyayari.

Nabibilisan or naiilang?

Hindi niya pinansin ang sinabi ng isang parte niya, oo na, naiilang siya, minsan lang umuwi ang mga magulang niya kahit naman malaki ang bahay ay hindi niya alam kung saan tumitira ang mga ito.

In short, laging siya ang nasa bahay na 'to, ang mga kasambahay nila ang may sariling quarters na medyo nasa likod ng bahay nila.

Kaya kapag tumira ito dito, ibig sabihin, silang dalawa lang..

Hoy! Magtigil ka! May matris din 'yan!

Napasimangot siya.

"Why? Is there any boyfriend I could offended around?" Tanong nito, imagination ba niya or parang medyo galit ang boses nito?

"Bakit aagawin mo?" Masungit niyang sabi, Ewan niya pero bakit parang hindi niya matanggap na bading ito?

Diyos ko, inday, ang gwapo kasi naman talaga nito, lalong dumagdag sa pagiging gwapo nito ang nakasimangot nitong ekspresyon.

"What?" Tanong nito.

Denial pa 'tong isang 'to.

"Sabi ko, kung may boyfriend ako, aagawin mo?"

"Excuse me?" Nanlalaki ang mata nito.

"Denial ka pa! Eh nakita kitang nakikipaghalikan sa lalaki sa resort!"

Easy ka lang Celestine, tumatawa ang presyon mo.

Nang tingnan niya ito ay nakita niyang gulat na gulat ang itsura nito na parang hindi niya inaasahan na alam na alam niya ang pagkatao nito.

Tumikhim ito.

"Look, what you saw earlier is nothing okay? He's just-"

"Hep! Ayokong marinig na ka fubu mo 'yun! Kung titira ka dito, siguraduhin mong huwag kang magdadala ng Papa mo dito!" Naiinis siya sa mga sinasabi niya.

"What the heck are you saying? Fubu? What?" Salubong na salubong ang itsura nito at mukhang inis na inis na ito ng sobra.

"Hoy! Kunwari ka pang bakla ka, kung lalaki ka hindi kita patitirahin dito! Aminin mo na kasing bakla ka!" Hindi na niya alam kung bakit galit siya.

Beautifully Damaged: Castor (Narcissistic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon