Property

46.1K 1.5K 59
                                    


Chapter 9:

Celestine's POV:

Kahit hindi siya masyadong nakatulog ay maaga siyang nagising, wala pang alas sais ay nakaligo na siya at naghanda para pumunta sa manukan nila para magdeliver ng order ng isang restaurant.

Paglabas niya ng kwarto ng napansin niya ang kwarto kung nasaan si Castor, ang lalaking este may pusong babaeng hindi nagpatulog sa kanya.

Dahil sa sinabi nito kagabi hindi niya alam pero naguguluhan siya.

Tigil tigilan mo 'yan, Celestine.

Gising na kaya ito? Hindi niya nasabi kagbi na dapat maaga sila para sa delivery ng mga manok.

Pero kung tulog pa ito, okay lang baka kasi hindi ito nakatulog dahil sa new environment.

Nagkibit balikat na siya at bumaba para magkape, since mga dalawang oras lang naman iyong byahe, saka na siya kakain ng breakfast .

"O? Andrew? Nasaan si Mang Andoy?" Tanong niya, si Andrew ay isa sa mga kababata niya at ito din ang kung minsan ay sumasama sa kanya sa mga delivery at kung ano ano pang gawain.

"Tulog pa si Tatay eh, alam mo na..inom" ngumiti ito at napailing siya.

"Ako na lang muna ang sasama sa'yo since wala naman akong gagawin" sabi nito.

"Alam mo? Bilib din naman ako sa'yo at talagang sinasamahan mo ako sa magdeliver kahit na may project ka pang tinatapos" engineer ito sa isang firm sa maynila.

At kahit na medyo nakaka angat na ito ay hindi nito pinapabayaan ang pamilya nito, si Mang Andoy lang talaga ang mapilit na magtrabaho pa rin sa kanila dahil sabi nito ay malaki daw ang utang na loob ng pamilya nito sa pamilya nila.

Matagal na niyang makilala ang pamilya ni Andrew, kaya naman lagi silang naglalaro dati, ang alam niya ay mas maganda sa kanya si Andrew ng apat na taon, gwapo at pilipinong pilipino ang itsura nito at alam niyang maraming babae sa lugar nila ang nagpaparamdam dito.

"Balita ko may nakabili na sa farm?" Biglang tanong nito.

"Ah oo, nakatira nga sa amin eh" kwento niya.

"Lalaki ba?" Tanong nito at natawa siya, ever since ay lagi itong nakagwardiya sa kanya para hindi daw siya lapitan ng mga manloloko.

"Oo at lalaki din ang hanap" natawa siya ng malakas pero iba ang nararamdaman niya.

Sayang kasi.

"Ah, minsan dalaw nga ako sa inyo" tumango siya, matagal na din itong hindi bumibisita sa kanila.

Matapos ang delivery ay nagtaka siya kung bakit hindi pa ito umuuwi.

"Di'ba nga dadalaw ako"

Nakamata siya.

"Ngayon ba iyon? Sabi mo sa minsan pa?" Takang tanong niya.

"Tapos na iyong kanina eh, eh eto na iyong minsan" sabi nito natawa siya.

"Oo na, nakainom ka ba ng gamot mo?" Biro niya.

"Oo naman 'Les, ang aga nga eh" ito lang ang tumatawag sa kanya ng 'Les' , umiling siya habang naglalakad papasok sa bahay nila.

Nagkukuwentuhan silang nang makarating sila sa loob ay nakita niyang nakaupo si Castor sa mesa, halatang kakagising nito, lumakas ang tibok ng puso niya ng makitang ang gwapo talaga nito kahit kagigising at gulo gulo pa ang buhok nito.

Kahit kakagising nito ay ang fresh ng itsura nito..at ang medyo inaantok nitong mga mata ay ang gwapo..

Teka? Siya lang ba or parang tumalim ang mata nito?

Suplada pala siya sa umaga.

Hindi kaya ito nakatulog kagabi kaya ang suplado nito?

Napansin niyang tumagos ang tingin nito sa kanya, at sinundan niya ang tingin nito, nakita niyang tinitignan nito si Andrew.

Type niya?

Naiikot niya ang mata at tinignan ito, magkasalubong ang kilay nito.

"Who are you and why are you inside my property?" Biglang sabi ni Castor, nanlaki ang mata niya.

Ang taklesa naman nito?

Kumunot naman ang noo ni Andrew ng binalikan niya ito ng tingin.

" 'Les? Mukhang hindi ako welcome dito?" Tanong ni Andrew sa kanya.

Naiilang na tinignan niya si Andrew saka niya inirapan si Castor.

Ano bang problema nito?

"Ano kasi , Andrew si ano pala-

" Si ano? I'm not just ano or anything, I'm Castor and I owned this place now"

Napangiwi siya.

"S-sorry" natataranta siya kasi naman parang may tensyon na ewan.

"A-andrew, pasensya ka na ha..." sabi niya sabay lapit ng bulong dito.

.."may mens" bulong niya na ikinangiti nito saka nito pinindot ang ilong niya gay ng ginagawa nito dati.

"Sige na 'Les, sa minsan na lang ulit" paalam nito, humihingi naman ng dispensa ang tingin na binalik niya dito, ngumiti ito bilang tugon.

"Thank you ulit kanina" sabi niya saka niya ito nginitian, kumaway siya dito.

"Wala na, umalis na" narinig niyang sabi ni Castor na madilim na madilim ang mukha ng tinignan niya ito.

Sinimangutan niya ito at saka niya tinignan ng masama.

Ano bang problema nito?

"Manang? Pakidalhan naman ako ng almusal sa kwarto, nawalan na kasi ako ng gan-"

"SIT DOWN!"

Napakurap siya at nagulat dahil sa tumaas ng malalim na tono ng boses nito.

Naniningkit ang matang tinignan niya ito.

"Ano bang problema mo! Kanina ka pa ah! Ang bastos mo kay Andrew!" Sita niya dito, tinignan naman siya nito ng masama.

"I will do what I want because I own this place!" Ganting sabi nito at hindi nawawala ang diin at inis sa mukha nito.

Hindi niya pa ring napigilan na hindi magwapuhan sa unggoy na 'to kasi lalo itong naging hot dahil sa pagiging suplado ng ekspresyon nito.

Lihim niyang kinurot ang sarili.

"Lugar lang ang pag aari mo!" Sigaw niya.

"YOU'RE WRONG!" Sigaw din nito, nagpulasan naman ang mga kasambahay niya na nasa dining area.

Maging siya ay nagulat at bahagyang nakaramdam ng takot dahil sa mataginting na boses nito.

Lihim siyang napalunok.

"H-huwag ka ngang sumigaw!"

"WHEN I BOUGHT THIS PLACE IT MEANS I AM THE OWNER OF ALL OF YOU PEOPLE!"

Nagpanting naman ang tenga niya sa narinig.

"SIRAULO KA BA!" Sigaw din niya.

"Yes! I am crazy!"

Naumid naman siya.

Hala?

"Walang nag mamay ari sa amin" sabi niya dito.

"Oh really?"

"Y-yes" nauutal siya bigla ang dilim kasi lalo ng mukha nito.

"Well surprise! Ako ang may ari ng lugar na 'to!" Sigaw nito at sabay bagsak ng kamay nito at tumayo ito mula sa dining table.

Akmang sasagot siya ng bigla ulit itong nagsalita.

"AND YOU!" turo nito sa kanya.

"A-ako?"

"YOU ARE MY PROPERTY! YOU ARE MINE!"

--

(A:N)

Grabehan ang away XD

Beautifully Damaged: Castor (Narcissistic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon