His story

40.2K 1.1K 8
                                    

Chapter 27:

Celestine's POV:

Nakangiting naglagay siya ng pabango sa likod ng tenga at tinignan ang sarili sa salamin, nag scrub siya at nagbabad ng medyo matagal sa bathtub, pupunta siya sa kwarto ni Castor.

Namimiss na niya kasi ito.

Napangiti siya sa mga araw na panay nakaw na mainit at mariing halik ang binibigay nito, ayaw niya kasing may iba makaalam na may relasyon sila ni Castor.

Natigilan siya.

Relasyon?

Tumango siya, kahit naman wala lang malinaw n label sa kanilang dalawa ni Castor at sinasabi lang nitong fiancée siya nito pero hindi pa iyon opisyal.

Wala pa naman kasi silang pormal na usapan nito kung totoong mag fiancée na sila, naudlot kasi iyon ng biglang dumating ang mama niya.

Speaking of mama niya, aalis na daw ito bukas.. kaya masosolo na niya si Castor.

Napahagikgik siya, feeling niya ang landi na niya.

Gising pa kaya si Castor?

Nang tinignan niya ang oras ay alas nuwebe pa lang kaya sigurado siyang gising pa ito.

Paano niya nalaman? Kapag tinitignan niya kasi ang pintuan nito sa gabi ay nakikita niyang bukas pa ang ilaw nito hanggang sa alas dyes yata.

Mabilis na naglagay siya ng pabango sa may tenga at marahan niyang binuksan ang pinto, tinignan niya ang paligid, alam niyang alas otso pasado ay tulog na ang mga kasambahay niya or tutok sa panonood ng TV.

Kaya naman alam niyang hindi siya agad mahuhuli.

Napahagikgik siya.

Grabe ang landi na niya.

Hindi naman siya dating ganito noon, nung hindi pa niya nakikilala si Castor, bigla niyang naalala ang kaibigan niyang si Aya, noong una niyang nakilala si Castor ay binubwisit nito ang kaibigan niya sa motel na pag aari nin Aya, tinawag pa niyang unggoy dati si Castor, ngayon patay na patay na siya dito.

Hindi mo talaga alam ang mga susunod na mangyayari sa buhay mo, dati naiinis ka lang sa isang tao, the next mahal mo na pala.

She tiptoed and went outside her room, luminga siya sa paligid, wala nang tao, akmang kakatok siya ng makarinig ng tila nagtatalong boses.

Sino ang kasama ni Castor?

Idinikit niya ang tenga sa pinto, pero wala siyang masyadong marinig.

Natigilan siya.

Kailangan ba niyang makinig sa usapan ng iba? Pero sino ang hindi maku-curious kung ang lalaking mahal mo ay parang may kausap na babae sa kwarto nito?

Nagdesisyon na siya, pakikinggan niya ang pag uusap.

Marahan niyang binuksan ang pinto, iyong konti lang ang awang, tapos ay sumilip siya.

Muntik na niyang naitulak ang pinto dahil nagulat siya nang makita niya ang mama niyang nakatayo sa harap ni Castor.

Naktayo ang mama niya sa harap ni Castor...nang nakahubad!

Anong ginagawa ng mama niya?

Nakatalikod sa kanya si Castor, kaya hindi niya nakikita ang ekspresyon nito.

Anonkaya ang naiisip ni Castor habang hubad ang mama niya? Sumulak ang galit niya sa dibdib sa ginagawa ng mama niya.

Kita niya kung paanong inilapit ng mama niya ang katawan at sinubukan nitong halikan si Castor.

Beautifully Damaged: Castor (Narcissistic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon