Owner

48.9K 1.4K 49
                                    

Chapter 7:

Celestine's POV:

"Manang dito niyo po ilagay 'yun" turo niya sa kasambahay na naglilinis ng guest room kung saan ito ang magiging kwarto ni Castor.

Naks, first name basis na?

Alangan namang tawagin niya ito sa apelyido pa rin nito? Ano na nga ulit ang apelyido nito?

Castor Karlsen.

Ano kayang lahi nito? Ang ganda kasi ng mga mata niya eh...

Green..

Sayang nga lang..green din kasi ang dugo nito.

Napahagikgik siya.

"Si ma'am mukhang masaya" tudyo sa kanya ng isang kasambahay.

"Si ser pogi po ba ang matutulog dito?" Tanong ng isa.

"Paano niyo nalaman?" Nanlalaki ang matang tanong niya sa mga ito.

"Eh ma'am, ang ingay niyo po kasing mag usap nung isang araw eh" natatawang sabi ng isa.

"Mga tsismosa" sabi niya habang natatawa.

Ang ingay ba nila? Bahagya siyang namula.

"Uyy nagba blush si ma'am!"

"Heh! Magsitigil nga kayo, bakla iyon!"

Tumahimik ang buong paligid.

"Hindi siya mukhang bakla hija" sabi ng nakakatandang kasambahay niya.

Ngumiti siya at umiling.

"Bakla siya manang"

"Hindi kasi iyon ang nakita ko sa mata niya habang tinitignan ka niya kahapon sa kusina"

Naguguluhan siyang tumingin dito.

"Sinabi niya po iyon" giit niya.

Napapailing na lang ito.

Ipinagwalang bahala na din niya, basta ang alam niya, bakla ito.

Nagulat siya ng biglang tumunog ang cellphone niya, nakita niyang ang abogado nila ang tumatawag, agad niya iyong sinagot.

"Hija, nabasa ko na ang mga conditions ng bagong may ari ng farm, ibibigay ko sa'yo ang mga papeles para basahin mo at na contact q na din ang mga taga bangko pati na din ang abogado ni Mr.Karlsen, papunta kami diyan ngayong araw"

"Ah, ganoon po ba? Eh si Mr. Karlsen? Pupunta po ba dito?"

"Ah hindi ko alam hija, bakit may usapan ba kayong magkikita kayo?"

Namula ang pisngi niya, para kasing ang labas ay excited siyang makita ito.

"Wala naman po, baka lang po kasi may mga gusto pa siyang linawin" mahinang sabi niya.

"Ah ganoon ba? Tanungin na lang natin mamaya ang abogado niya kung may ibinilin pa ba siyang iba" sabi ng abogado niya.

"Sige po"

Bumuntong hininga siya.

Bakit parang disappointed siya na wala ito?

Ipinilig niya ang ulo.

Kung ano ano na ang naiisip niya, dapat ang main focus niya ay ang farm..iyon lang at wala ng iba pa.

Mabilis siyang naligo at naghanda para kausapin ang pagpapasa ng legal rights para sa farm.

Dumating na ang mga taga bangko at isang lalaking gwapo at mukhang kagalang galang ang itsura.

"Good afternoon Ms. Royales, I'm Attorney Navarro O'Connell, on behalf of Mr. Karlsen, I'm here to discuss about the farm" sabi nito sa mababang timbre ng boses, gwapo ito, mukha itong Amerikano pero black ang buhok nito.

Beautifully Damaged: Castor (Narcissistic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon