Drunk thoughts

43.2K 1.3K 57
                                    

Chapter 15:

Celestine's POV:

Nakangiting nag inat siya.

Ang ganda ng gising niya, paano ba hindi gaganda ang gising niya kung ang laman ng panaginip niya ay si Castor?

Nung isang araw pa siya ganito actually, oo inaamin na niya, gusto niya si Castor, hindi lang crush actually, attracted siya dito, at wala siyang pakialam kung bakla man ito, ang tanging gusto lang niya makita ito araw araw,simula kasi nung ipinagtanggol siya nito sa sarili niyang ama ay hindi niya maiwasang hindi humanga dito.

Kung paano ito umaktong parang isang Knight.

Baduy mo, Celestine. Humagikgik siya.

Tumayo na siya sa mula sa kama niya, nagulat siya ng makita niyang nakalilis ng konti pababa ang pajamas niya.

Ganoon ba siya kalikot matulog? Ang alam niya tulog mantika lang siya.

Nang napatingin siya sa bakanteng bahagi ng kama niya, napansin niyang parang medyo gusot iyon?

Nagkibit balikat siya.

Baka naman sa sobrang kilig niya sa panaginip niya naging malikot na siya.

Nang tingnan niya ang wall clock niya ay nakita niyang alas nuwebe na nang umaga? Ha?

Anong nangyayari? Usually kasi early riser siya.

Baka sobrang pagod na din kaya late na siya nagigising.

Mabilis siyang naligo, napansin din niya sa leeg na parang namumula ang balat niya doon, bumuntong hininga siya, lumabas ng kwarto niya, agad niyang nakita si Castor na nakaupo sa dinig table, biglang bumilis ang tibok ng puso niya, napalunok siya, ang gwapo talaga nito lalo na sa umaga.

Napansin niyang parang maganda din ang gising nito at ngumiti ito sa kanya?

Sheeeett.

Lalong naging gwapo ito sa paningin niya, his eyes went chinky dahil ngumiti ito ay nabanat ang labi nito revealing how red it is...at ang kintab, mukha itong hinog na mansanas sa paningin niya.

Pwede kayang kagatin?

Ilang na kaya ang naging boyfriend nito?

Sa naisip niya ay parang nasira ang araw niya..

Napasimangot siya.

"Good morning, Celestine" sabi nito hindi niya tuloy maiwasan na hindi ito hiwalayan ng tingin.

"You know, it's not polite to stare" sabi nito.

"Bakit? Masama ba?" Kunwari ay galit na sabi niya para pagtakpan ang hiyang nararamdaman.

"Saan pala tayo pupunta ngayon?" Tanong nito.

"S-sa birthday"

"What birthday?"

"Sa birthday ni Mang Andoy, nagluto kasi sila eh, inimbitahan nila ako, so since wala pang masyadong ginagawa, let's unwi-"

"So you mean to say we have to relax?"

"O-oo"

"I thought we both agreed na dapat ang pagbawi ng farm-"

"Hep! Minsan lang naman eh, saka kailangan ding hindi lahat work, minsan may play, masama din kung subsob sa trabaho"

Narinig niya ang buntong hininga nito.

Kaya siya nauutal kanina eh, kasi alam niyang maiinis ito eh.

Beautifully Damaged: Castor (Narcissistic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon