Heart to Heart

45.5K 1.2K 7
                                    

Chapter 31:

Celestine's POV:

Napakurap siya sa sinabi ni Castor sa kanya, ano daw?

Magpapakasal na sila? Kailan siya pumayag?

At higit sa lahat, kailan siya nito tinanong?

Ang bilis ng nangyayari? Diba nung isang araw, sinabi nitong fiancée siya nito? Ngayon naman ikakasal na sila? At ngayong araw daw ha.

"C-castor teka-"

"Do you want me to accompany you to the bathroom? I swear maliligo ka lang" sabi nito ng tuloy tuloy.

"S-sandali lang-"

"Or do you want to eat first? Sasabihin ko Kay manang na damihan ng konti since andami nating rounds , ang ingay kaya natin kagabi, I'm sure they heard us" nakangiting sabi nito na ikinainit ng pisngi niya, naalala niya kasi kung gaano sila kaingay kagabi.

Pero sandali lang.

"C-castor may sasabihin ako-"

"Let's go at-"

"Castor pwede bang manahimik ka muna? Kanina mo pa ako mapipigilan sa sasabihin ko eh!"

Natahimik naman ito.

"Okay what is it?" Sabi nito at tinitigan siya,parang aliw na aliw ito sa ginawa niyang pagpuputol sa sasabihin nito.

"Bakit tayo m-magpapakasal?" Hindi niya napigilang mautal.

"Why? It's because I like you so much and you're the only one whom I wanted to be with" diretsong sabi nito.

Maganda ang sinabi nito pero...

Umiling siya.

"Castor, hindi iyon basehan, I mean kung gusto mo lang ako, dapat may mas malalim pang dahilan.." Tumigil siya sandali at tinitigan ito ng diretso sa mata.

Kailangan na niyang magtanong, dahil kasal na ang involved dito.

Kailangan niyang tatagan ang loob niya para matanong na niya ito ng nasa loob nito.

At kung ano talaga siya sa buhay nito.

"..Castor? M-mahal no ba ako?" Buong tapang niyang tanong.

"Yes" sabi nito ng mabilis na ikinamulagat niya.

Ang bilis naman nitong sumagot?

Lumakas ang tibok ng puso niya.

Totoo kaya?

Pero habang nakatingin siya sa mga mata nitong green ay nababasa niya ang sinsiredad doon.

Napalunok siya.

"M-mahal mo ako? P-paano?" Napapalunok na sabi niya.

Nagulat siya ng bigla nitong kinuha ang kamay niya at hinalikan nito ang likod ng palad niya.

"Celestine, I know na alam mong may sakit ako, that I wasn't  able, no- I can't fall in love with someone else other than myself"...

.."but I didn't warned myself on falling in love with you the first time that I saw you, I didn't understand why,..why that I find someone else so gorgeous..that I find you really attractive na akala ko, ang sarili ko lang ang attractive, but then I realized... I wanted to know you, I wanted to be with you, you cured me.."

"I love you so much, Celestine" sabi nito at diretso itong nakatingin sa mga mata niya.

Nagulat siya ng bigla nitong hinawakan ang pisngi niya, hindi niya namalayang nabasa na pala ng luha ang mga pisngi niya, kung gayon..totoo nga.

Beautifully Damaged: Castor (Narcissistic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon