Avoidance

41.3K 1.2K 13
                                    

Chapter 17:

Celestine's POV:

Ang alam niya konti lang ang nainom niyang alak at hindi pa naman siya nabibingi diba?

So tama ba siya ng naririnig?

Or bunga lang ng imagination niya iyon?

"Castor?" Niyuyugyog niya ang balikat nito para magising ito at gusto niyang i-confirm dito kung tama ba siya ng narinig.

Ang narinig niya kasi...

...Celestine, I want you.

Pakiramdam niya may nagtatakbuhang daga sa dibdib niya sa narinig...or nagkamali ng dinig.

Bakit siya sasabihan ng I want you nito?

May gusto ito sa kanya?

Hindi eh.

Bakla siya. Sabi ng isip niya.

Umantak ang dibdib niya.

I want you kasi want nitong mabawi na ang pera nito?

Nababaliw na yata siya sa pag iisip.

"Celestine" paungol na sabi nito sa pangalan niya, bahagya itong nagmulat ng mata at ngumiti ito saka siya lalong hinapit papalapit, nagkakahingahan na sila, amoy na amoy niya ang mabangong hininga nito.

Hahalikan siya nito? Bakit? Dahil pagtiyatiyagaan siya nito? Itinulak niya ito pero hindi man lang ito natinag.

Sa halip ay ginamit nito ang likod ng palad nito at hinaplos ang pisngi niya.

"Do you even realized how gorgeous you look?".... He said on a slurred yet so sexy voice, lalong tumahip ang tibok ng puso niya.

.." That the first time I saw you, I consider you as the most beautiful woman I ever saw"...

"C-castor lasing ka lang, h-hindi mo alam ang sinasabi mo" sabi niya habang pigil ang galaw dahil nagtatama na ang ilong nila, ganoon kalapit ang mukha nila sa isa't isa

"..I even stole a key" sabi nito saka ito tumawa, at tapos ay idinampi nito ang labi sa pisngi niya, hindi iyon simpleng paghalik, parang sinasamyo nito ang balat niya.

Naguguluhan siya sa mga nagaganap.

"...this skin.., you just don't know how these eyes haunts me but then making my sleep peaceful at night.." Patuloy nito.

Malakas na malakas naman ang tibok ng puso niya anong nangyayari? Bakit ang bilis ng tibok ng puso niya, bakit kinikilig na siya ng todo at gusto gusto niya ang lahat na sinasabi nito?

Dumadagundong na nang husto ang dibdib niya, ramdam niya ang tibok niyon, sigurado siya..na naririnig iyon ngayon ni Castor.

"I want you"

Daig pa niya ang nasabugan ng bomba.

Gusto siya nito? Parang gusto niyang nagdiwang at magtatalon ng husto dahil gusto siya nito kahit gusto nito ay lalaki-

Natigilan siya.

Gusto nito ang babae? Maniniwala ba siya? Eh may boyfriend ito? At paano kung nakabawi na siya sa farm? Iiwan siya nito? At babalik ito sa boyfriend niya?

Paano siya?

Anong sasabihin ng tao? Siya? Naiinlove sa bakla at baka may posibilidad na ipalit siya nito sa lalaki?

Teka? Naiinlove? Siya?

"Hindi pwede" sabi niya saka ubod ng lakas niya itong itinulak at dahil medyo inaantok na ito ay lumuwag ang hawak nito sa kanya dahilan para makawala siya at mabilis na bumangon saka nagtatakbong bumalik sa kwarto niya.

Beautifully Damaged: Castor (Narcissistic) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon