"Hoy Ara, yung pinapagawa ko sayong assignment nagawa mo ba? Taena naman kasi, di konaman ipapagawa sayo kung naintindihan ko." Yan na naman si Klein. Ang daldal simula nung hindi siya nagparamadama sa akin nung isang araw.
May pinakain ata sa kanya ni Scarlet o kaya naman ay may iniisip na namang kalokohan. Di ko siya pinansin at nagpatuloy sa pag-aanalyze sa problem na binigay sa aminng teacher namin sa science.
Kahapon bago kami umuwi binigay niya sa akin yung notes niya at alam ko na ang ibig sabihin nun. Kahapon nag-quiz kami at himala naperfect ng katabi ko. dahil nagpalit na ng seating arrangement.At sa sobrang malas ko, siya ang nasa tabi ko.
"Uy Ara, pansinin mo naman ako oh. pag sa ibang lalaki ngumingiti ka pa. selos ako"
"Ano bang kailangan mo Klein!?" bweset sinisirananaman niya araw ko. magbabangayan na naman ata kami tapos maililista ako kaya maiiwan ako sa room para maglinis tapos pagkatapos maglinis ng classroom namin sa bahay naman niya ang lilinisan ko.
"Yung ano yung notebook ko" Sabay kamot niya sa batok niya.
Pwede naman niyang diretsahin ha? May pasikot sikot pa siyang nalalaman.
Kinuha ko sa bag ko ang notebook niya na may batman na design at binato sa pagmumukha niya. Nagbasa na ulit ng problems.
Simula nung sinabi niya sa buong campus na nililigawan niya ako kinamumuhian ko na siya. Dahil sa kanya nasira ang friendship namin ni Tanya. Iwill never ever forgive him. Masyado siyang pabibo eh. Dahil lang sa nabunggo ko siya eto na agad ang kapalit?
"Mainit ata ulo mo Vice Mayor" si mayor lang pala.
"Hindi kaninna pero ngayon oo. At sana mamaya hindi na. ayokong masira ang buong araw ko."
"Cheer up baby! Cheer up Baby!"
MakaTwice siya? Ka lalaking tao eh!
"KPOP lover ka?" Nagtataka talaga ako eh. lalaking lalaki o tapos kpop lover siya.
Yung mga kpop lover kasi its either babae siya or bakla pero to? damn. daebak baby.
"Oo. SHH ka lang ha?"
Tumango na langg ako kasi mukhang nahihiya pang napaamin ko siya. Well, Nakakaloka lang talaga. Gash.
"Pagsa ibang lalaki tuwang tuwa pero pag ako bwisit na bwisit"
Tumingin ako sa katabi ko. may sinabi siya na hindi ko naintindihan eh.
"May sinassabi ka?" Tuminin siya sa akin at tinuro ang sarili. Tumango ako.
"Ah wala. Nga pala punta ka sa bahay mamaya para may kasama akong magprepare sa surprise ko sa ate ko." Tumango na lang ako.
Dahil sa totoo lang kaya ako nagpaexchange ng shift sa restodahil sa deal namin ni Klein. Marami na siya binago sa buhay ko. hay.
-----
"Uy Ara ready na ba ang lahat? Okay na ba yang cake? Yung mga boys natawagan mo na ba sila? On the way na ba sila? Ay oo nga pala yung bouquet nasa kwarto ko pa. Wait lang"
"Hoy Kumalma ka nga pwede? Yung bouquet nasa sala na. binaba mo kanina. Yung cake okay na rin at ready na ang lahat except ikaw. Bakit ka ba natataranta ha? Si ate mo lang naman."
Muntanga ang loko. Ang alam ko kasi, icecelebrateang birthday ng ate niya at ang 4th anniversary nila ng boyfriend niya. Eh tong si Klein, Kasabwat pala sa surprise including me. Kaya absent ako gayon sa gig namin na ang akala nila ay nagrereview ako.
So, Ang alam lang ni Ate Klara ay sabay sabay silang pupunta sa venue kuno ng birthday celeb niya. Ang hindi niya alam sa bahay mismo ni Klein. Ang pagkakaalam ko mga relatives lang nila at konting friends lang ni Ate Klara ang pupunta.
BINABASA MO ANG
Unexpected Love from a Badboy
Teen FictionMinsan ko nang hinangad na maging masaya sa buhay at pinaramdam naman sa akin ng mga nagpalaki sa akin. Kahit na lumaki ako sa bahay ampunan. Naramadaman ko ang pagmamahal nila sa akin. Nang naghigh school na ako. Umalis na ako sa Bahay ampunan at...