Nasa harap na ako ng gate namin. Naka ilang buntong hininga na ako.
Ngayon lang ata akong papasok ng walang ngiti sa mukha. Kasalanan to ni Klein Damulag.
"Oh Ara. Bat ka nakasimangot jan? umagang umaga ah."
"Good Morning Kuya Guard. Wala po to Sige po babye!"
Dumiretso na ako sa Locker room para iwan ang mga librong di ko pa magagamit.
Binuksan ko yung locker ko at tumambad sa akin ang sandamakmak na hate letters
'Go to hell'
'Akin lang si Klein'Di sayo lang.
'You're dead girl'
Hay naku.
Ang corny ha. Puro Hate mails nanaman.Lumabas na ako at tumungo sa room. Paano ko kaya lulusatan ang katangahan ko?
"Ara!"
Tinignan ko kung sino ang tumawag sa akin.
"Tanya. Bakit?"
"Wait lang. Napagod ako."
Tinitigan ko lang siya. habang hinahabol niya ang kanyang paghinga.
"Alam mo bang pinag uusapan ka na ng buong campus? Ano naman ginawa mong kalokohan ha!?"
Hm. So, ako ang bida ngayon.
"Bakit naman?"
Naglakad na kaming dalawa since magkalapit lang ang room namin.
"Yung tungkol sa pagkabunggo mo kay Klein."
Wow. Dahil lang dun. Paano na lang pag nalaman nilang assistant niya ako ng two months. Edi sikat na sikat na ako sa bash. ganun?
"Bayaan mo na yun. Bakit ibabash mo din ba ako sa letcheng crush mo?"
Napatigil siya sa paglalakad. Tumigil ako at tinignan siya.
"Bakit parang hindi ka natatakot ha? Hindi ka ba kinakabahan sa maaring gawin ni Scarlet sayo? Bes magtino ka naman please?"
Bat ako matatakot? Tsaka two months lang to. kakayanin ko to. kinaya ko nga yang mahirap na Statistic eh! Strong to.
"Oy. para kang timang jan. Halika na nga. kaya ko to baliw. Tsaka strong to." tinawanan ko lang siya
Naglakad na ulit kami.
"Nga pala, nakaready na yung guest room para sayo."
"Thank you. Sa susunod na linggo ako lilipat ha? nakapagbayad na kasi ako ng rent ng isang linggo."
Tumango lang siya. At pumasok na ako sa room namin.
Maingay sila at nagbabatuhan pa ng papel.
"Uy Ara! Okay ka lang? May ginawa ba sayo yung fangirls ni Klein?" tanong ng Mayor namin.
Nginitian ko siya, silang lahat. Itong room lang ata nami ang walang may gusto kay Klein.
"Bat mo ba siya nabangga?"
"Eh sa nagmamadali ako eh." kamot sa batok.
"Good morning class!"
"Good morning Maam Rhianne!"
Si Maam Rhianne teacher namin yan ng science. Mabait siya kaso napakastrict. talo pa niya si Maam Andromeda.
"Pass your Assignments"
Tahimik kaming lahat except sa Aircon namin. Tawa kayo please.
Nilabas ko ang sketch pad. Nagsimula na akong magsketch ng mukha. mukha ng taong laging nasa panaginip ko
BINABASA MO ANG
Unexpected Love from a Badboy
Fiksi RemajaMinsan ko nang hinangad na maging masaya sa buhay at pinaramdam naman sa akin ng mga nagpalaki sa akin. Kahit na lumaki ako sa bahay ampunan. Naramadaman ko ang pagmamahal nila sa akin. Nang naghigh school na ako. Umalis na ako sa Bahay ampunan at...