AN: Hello mga babies! Update na ulit po ako! Bumabawi po ako.
---
Tanya's POVNakarating na ako sa bahay. Nagpark ako sa garage. Napansin kong bukas pa yung ilaw sa kusina.
Sino pa ba ang gising?
Ah, baka si yaya Mining. Madalas kasi hinihintay pa niya akong dumating ng bahay bago siya matulog. Lagi niya nga akong pinapagalitan pag late akong makauwi. As if na makikinig ako sa kanya. She's just my nanny.
Pumasok na ako ng bahay. Nilagay ko sa couch ang bag ko at tumungo sa kusina para uminom ng tubig. Kaso...
"Saan ka ba nanamang nagsuot kang bata ka ha!? Di mo ba alam na kanina ka pa hinihintay ni Ara?"
Tch. Hinihintay pala ako nung higad na yun.
"Manang, alam ni Dad kung bakit ako late. Pwede po ba? Sige na matulog na kayo" inirapan ko na lang si Yaya at kumuha ng tubig at pumunta sa kwarto ko.
She was my best nanny before. Pero ngayon? hindi na. May gusto nga niya si Ara. Hindi ko na lang sana pinunta dito sa bahay yang Arang yan. Masyadong siya inggitera.
"Hay! Another tiring day!" sabi ko at nagsimula ng mag ayos.
*beep*
Sino naman ang magtetext ng ganitong oras? Tch. Di na ba sila makapag antay bukas?
From: Diego
Hi! Goodnight!Damn.
Diego is my suitor since first year ako. Tibay niya no? Pero di ko siya gusto. I love Klein. He's the one. Ilang beses ko na siyang pinagtabuyan pero andyan pa rin siya. Ilang beses na rin akong nagpalit ng sim card pero leche! Lagi niya inaalam kaya pinapabayaan ko na lang.
Gwapo,matalino, varsity player, at hunk si Diego. Maraming naghahabol sa kanya pero ako ang mahal daw niya.
Mabait siya sa akin pero sa iba? He's rude.
Kinuha ko ang laptop ko at inistalk ko ulit ang profile ni Klein my loves sa facebook. Wala siyang bagong post ngayon.
Nagbrowse lang nang nag browse. Pamatay oras at para antukin ako.
*Knock knock*
Umupo ako ng maayos at nilapag ko ang laptop ko.
"Come in"
"Bes, Tapos mo na ba yung assignment mo?" Tanong sa akin ni Ara na ulo lang ang nakapasok.
Tanga ba to.
"Bes, pumasok ka nga. Muntanga ka sa ginagawa mo. Hahahaha" Though tanga talaga siya. tch
"Hmm. Ano tapos na?" tanong niya ulit sa akin
"Wala kaming assignment at project. Yung sayo na lang yung gawin mo." sabi ko sa kanya at ngumiti ng peke.
"Goodnight Tanya. Sweetdreams." Tinanguhan ko siya at sinara niya ang pinto ng kwarto ko
Nightmares to you Ara at sana di kana magising pa.
Nahiga na ako at pumikit.
---
Klein's POVPumasok ako sa bahay ko at naabutan ko si Ate na nanunuod ng spongebob squarepants.
Oh Damn. Don't tell ne pati siya nireregla!? Tae.
"Saan ka galing?" sa tono ni Ate, parang galit siya sa akin tapos nakatingin lang siya sa tv.
*Lunok*
BINABASA MO ANG
Unexpected Love from a Badboy
Teen FictionMinsan ko nang hinangad na maging masaya sa buhay at pinaramdam naman sa akin ng mga nagpalaki sa akin. Kahit na lumaki ako sa bahay ampunan. Naramadaman ko ang pagmamahal nila sa akin. Nang naghigh school na ako. Umalis na ako sa Bahay ampunan at...