Chapter 9

19 2 0
                                    

Dismissal na namin kaso bawal pa ako umuwi dahil sa cleaners kami. Nagpaalam ako sa leader namin na pupunta ako sa library para isauli yung libro. Nung sinabi ko yan, hindi pa siya naniwala agad kasi naman ugali kong tumakas pagcleaners kami. Pero ngayon wala akong balak dahil gusto kong tumakas kay Klein. 

Dalawang linggo na ang nakalipas, ang daming nangyari sa dalawang linggo na yan. Vinandelize lang naman nila yung locker ko, minsan nga binabato nila ako ng itlog sabay tapon sa akin ng Harina. Bakit kaya di na lang nila ako ilagay sa baking pan at lagyan ng gatas para naman makagawa sila ng tinapay.

Sa dalawang linggo na yan, nagawa ko silang tiisin, lalo na ang fan girls kuno ni Klein. Masyado siya paepal lalo na at nagpalipat siya nang room. Yung mga piapautos niya sa akin. Muntanga lang siya. Buti nga at tong classroom namin ang walang fangirls ni Klein. Siguro pagmeron marami ng pranks ang nangyari sa akin.

Simula nung nahuli siya ni Miss Andromeda, di niya na inulit pa yung kagaguhan niya. Eh malamang, tong class na to ay puro strict teachers unlike sa ibang class na puro bata at bago ang mga teachers na magawa nilang mauto. Well except sa akin dahil friends kami ni Miss Andromeda kaya nagagawa kong magbiro.

"Ara, dahil ngayon ka lang hindi tumakas. Ikaw na ang maglalast round sa pagwawalis okay?" sabi ng leader namin at tumango.

Umalis na silang lahat at ginawa ko na ang pinapautos sa akin ng leader ko. Sa araw lag na ito ang napakatiwasay at tahimik.

Nagsimula na akong magwalis para makauwi agad ako at makapag ayos dahil gig namin ngayon. Same shift pa rin ako pero this day solo ko lang daw ngayon sabi ni Manager dahil pumunta lang naman si James sa abroad para magbakasyon daw. Aba ewan ko jan sa James niyo masyadong magulo ang buhay.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na. syempre dahil ako ang last ilalock ko ang classroom namin. Lahat kami ay may susi ng classroom kaso yung akin, binalik ko na since lagi naman akong late.

Sa dalawang linggo na nakalipas maraming nabago. tulad ng buhay ko ngayon. Masyadong magulo na. Two months na nga lang natitira sa akin dito sa school, masisira pa.

Sa araw na ito, wala masyadong nangyari na kakaiba sa akin. Naipasa ko naman ang lahat ng requirements kaya okay na okay na ako. siguro yung mga projects na ipapagawa na lang ulit ng mga teachers.

Yung mga classmate ko medyo mas naging protective sila sa akin dahil sa fangirls ni Klein. At mas naging wild ang mga fangirls niya sa akin nung inaannounce niya na nililigawan niya ako. Evil plan niya yun.

Iniwasan rin ako ni Tanya dahil sa gulo na dinulot sa akin ni Klein pero syempre di okay yun sa akin. Bespren niya ako tapos nang dahil sa gulo iiwasan na niya. Naiintindihan ko naman siya pero geez! 


'Oh my gosh! Kawawa naman siya pag nakita nanaman siya ng mga brats'

'Buti nga yan sa kanya ng matauhan. landi landi eh'


Naglakad na lang ako ng mabilis para makaiwas sa gulo. kala ko pa naman okay na. Since nag aaral ako sa prestigious school. Patago nila ako binubully. 

Pinupunta nila ako sa old building at konting tao lang ang pumupunta dun. Tapos ilalive video ka nila sa isang secret page na mga estudyante lang ang nakakaalam. At ako ang buena mano sa secret page na yun.

"Kuya Guard, nakita mo po ba si Tanya?"

"Hindi Ineng. Pero nung bago uwian. Nakita ko na kasama niya yung mga magaganda na babae"

Huh? Sino naman yung mga kasama niya? Sabi niya sa akin kanina na hihintayin niya ako sa tapat ng gate para sabay kami makauwi.

"Ganun po ba kuya guard. Uwi na po ako. Salamat"

Unexpected Love from a BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon