Klein's POV
"Bakit ka namumula Klein? Hihihi. Ang kyot mo! Kagigil!" sinabi sa akin ni Ara at pinagkukurot ang pisngi ko.
Spell AWKWARD.
Hindi ko alam ang gagawin ko masyadong epic ang ginawa niya. Ganitoba talaga to pag nireregla? Magiging isip bata? mas okay na sa akin yung susungitan niya ako maghapon.
Tinukso ako ng mga kaklase namin nung kiniss ako ni Ara sa pisngi kanina. At hanggang ngayon may hangover pa ako dun. Nilapitan ako kanina nung mayor namin at sinabi niya sa akin na ganun daw talaga siya pagdinadalaw. Kaya yung mga teachers pag nainform sila na meron siya. hahabaan na lang daw nila yung pasensya nila. Minsan daw kasi humihiga siya flooring tapos pinagtitripan niyayung mga lalaki, niyayakap daw niya lahat ng lalaking classmate namin. Hinahatid daw nila pagmeron dahil nga isip bata daw siya.
Sinu-sino na kaya yung mga nahalikan niya sa lips?
Tangina naman Klein! Kung ano ano iniisip mo! Magtino ka!
"Uy Pare! Mag-ingat ka kay Ara, nagiging monster yan pag di mo pinagbigyan." Napatingin ako sa kanya at nagtatakang tinignan siya.
Sinabi sa akin ni Mayor na isip bata siya tapos ngayon monster naman? Ano ba talaga. Diba pag isip bata ka hindi ka maiinis kaso magiging brat ka nga lang.
"Bakit I meanPaano mo nasabi?"
Hinila niya ang upuan sa harap ko at tinawag yung isa naming classmate. Ang pagkakaalam ko si Lucas ang pangalan niya.
"Makinig ka lang tol." Sabi sa akin ni Angelo at tumango ako bilang sagot.
Umupo sa harapan ko si Lucas, tumabi siya kay Angelo.
"Nagkaklase nun si Ma'am Andromeda tapos lumipat siya ng upuan. Pumunta siya sa likod tapos nilabas niya yung phone niya. Ayaw na ayaw ni Ma'am Andromeda yung umuupo ka sa likod kaya sinabihan ni Ma'am Andromeda na ilista siya Not in proper sit at using of phone during class."
Yun lang? Saan ang naging monster dun? Ginagago lang ata ako neto eh!
"Saan ang nagiging monster dun? Kinewento mo lang naman yung kalokohanna ginawa niya."
Tinawanan lang ako ng mga gago, eh kung sapakin ko sila.
"Tol, Uso maghintay ha? Sinabi niya lang yung naging dahilan ng pagtatransform niya into monster." sabi sa akin ni Lucas.
Bat ba ang sungit ng mga to sa akin. Buti pa si Gelo. Chill lang sa akin.
"Nung uwian na, hindi siya pinayagang umuwi dahil nga sa nalista siya. Maglilinis siya nang room mag-isa dahil siya lang naman yung nalista"
Pahirap naman to ng mga babae. Yung mga rules nila pahirap. Kaya nga may ginagawa na group cleaners para sila ang maglinis.
"tapos?"
Masyado silang pathrill eh.
"Nung sinabi maglilinis siya. Tumanggi siya. Sabi niya uuwi na daw siya, hindi pumayag si mayor at sinabi niya na kahit vice mayor ka hindi pwede. May dalawang lalaking nagbabantay sa kanya. Iniabot sa kanya yung walis tambo kaso ayun nagwala. Pinigilan ng mga boys kaso. Nasuntok sa mukha yung dalawa. Si mayor naman tinawanan lang yung dalawa."
Bayolenteng tao pala siya. Psh. Di yan tatalab sa akin. Kahit na tawagin niya tatay niya. lol
"Ang sabi nung dalawang butlog na yun. Masakit daw. Pumasok nga sila nun na may tig isang black eye. Hindi na nila nireport si Ara. Sorry nga ng sorry nung sinabi sa kanya."
Ang gulo niya magkwento.
"Sinabi sa kanya?" tanong ko sa kanila dahil sa totoo lang kanina pa ako nalilito.
![](https://img.wattpad.com/cover/110291633-288-k587792.jpg)
BINABASA MO ANG
Unexpected Love from a Badboy
Novela JuvenilMinsan ko nang hinangad na maging masaya sa buhay at pinaramdam naman sa akin ng mga nagpalaki sa akin. Kahit na lumaki ako sa bahay ampunan. Naramadaman ko ang pagmamahal nila sa akin. Nang naghigh school na ako. Umalis na ako sa Bahay ampunan at...