Chapter 1

59 11 16
                                    

Malapit na ang finals pero ako di pa ako nakakareview. Paano naman kasi? Sa umaga, may klase ako, sa gabi may trabaho ako. Paano na scholarship ko. Matatanggal yun pag bumaba grades ko. Naman eh!

Kailangan ko pa naman ng pera pambayad ng apartment ko.

"Bespreeeeeeeeeeeeeeen!"

"Ano!?" bulyaw ko sa abno kong kaibigan. Siya nga pala si Tanya Mendoza. Siya lang ang kaibigan ko dito sa school. Siya lang ang may kayang tiisin yung pagtataray ko.

"Bespren chill lang! Oh eto oh! *abot ng pera* Hiramin mo muna. Bayaran mo na lang ako pag may pera kana."

Ang bait talaga niya sa akin kahit na tinatarayan ko siya.

"Bes, sorry ha kung nasigawan kita. alam mo na, namomroblema ako. Naiistressed na rin ako bes. sorry ha *hinila ko siya at binigyan ng yakap* Iloveyou bes"

Yinakap niya ako pabalik.

"Sabi ko naman sayo diba? Kahit na mataray ka, bespren parin kita. Nga pala, ang gusto ni Daddy, tumira ka na sa bahay"

"Ano? Hindi bes. nakakahiya nuh? Ayoko."

"Sabihin mo yan kay Daddy Ara. Hindi ko sinabi yan sa kanya. Siya ang nagsabi. Kung pumayag ka na lang kaya tutal, kapatid namab ang turingan natin eh"

Matagal na nila akong pinipilit na tumira sa kanila. Concern sila sa akin dahil mag isa na lang ako. Wala akong magulang. Hindi ko alam kung bakit, basta ang alam ko lumaki ako sa bahay ampunan.

Inayos ko na ang mga libro kong nagkalat sa mesa. Tinignan ko si Tanya at tumango.

Nakita ko ang saya sa kanyang mata. Yinakap ako at hinalikan sa pisngi.

"Salamat bespren!"

"Mauna na ako ha. baka malate nanaman ako sa klase ni Ma'am Andromeda! Bye!"

Ma'am Andromeda, Filipino Teacher namin na napakasungit at napakastrikto. Malate ka lang ng isang minuto, tatayo ka sa labas ng room niyo. Teacher ko siya ng M T W Th, 1-2 pm. Madalas ako ang tinatawag niyan kasi napaka antukin ko sa klase niya.

Takbo.

Bat ba kasi napakalayo ng room namin. letche naman oh!

Malapit na ako. Sobrang lapit na.

"Yes! Di ako late." hiyaw ko.

"Oo di ka late *napatingin ako sa nagsalita* pero mas nauna ako sayo. Pumunta ka na sa iyong upuan!" sita ni Maam Andromeda sa akin.

Tumawa ang mga kaklase kong abno.

"Ma'am chill lang po kayo. Sige ka yang puso mo mahuhulog, wala pa naman si Sir Carlo para sumalo." biro ko sa aking napakagandang guro.

Dahil sa aking sinabi, humagalpak sa tawa ang mga kaklase ko na pati rin si Maam ay napatawa ko.

"Sige na. tama na yang biruan niyo at magsisimula na tayo sa ating aralin"

Umupo na kami ng maayos at nakinig na. Nasabi ko na ba sa inyo na El Filibusterismo yung aaralin namin ngayon?

Sige. Magdiscuss ka lang aking minamahal na guro ko.

Pasimple kong binuksan ang aking bag at nilabas ang libro ng wattpad, at pasimpleng nagbabasa ng Hell University.

Omaygulay! May bebe Ace Craige! Ako na lang.

"Ara!"

Ano ba yan!? Wait lang Maam  Tapusin ko lang tong chapter na to'

"Ms. Ara Aragon!"

"Po?"

"Anong ginagawa mo? Inaantok ka na naman ba?"

"Ah. Hehehe peace maam!"

"Aba! Namumuro ka na sa akin ah. Dahil jan, may katanungan ako!"

Naku po. Patay. Nakinig naman ako. Kaso kunti lang.

"Paano nasabi na si Crisostomo Ibarra at Simoun ay iisa?"

Hmm. Paano nga ba?

"Maam ganito yun. Diba na sabing namatay si Ibarra? Ngunit nagkamali sila dahil ang namatay ay si Elias. Tinabunan niya si Ibarra ng mga dahon tapos napagkamalan ng mga sundalo si Elias na siya si Ibarra. tapos nasa bundok noon si Basilio para ilibing ang kanyang ina na si Sisa. Nadatnan ni Elias si Basilio at ganun din si Ibarra. Inilibing nila si Elias at nagpakalayo layo si Ibarra at muli siyang nagbalik para maghiganti." Hoo. Ang rami nun. saan ko ba yun nahugot.

"Tama ka. at dahil dyan Class dismiss. wait for your next teacher."

"Paalam Binibining Andromeda!"

Okay. Im so witty!

Unexpected Love from a BadboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon