Author's Note
At dahil ang tagal nyong mag comment, vote at like.. Ipopost ko na ang chapter one.. excited ehh..
Hope you love my story.. first time ko mag post sa OL, hahaha.. pero malawak ang imagination ko mga kabayan!! hahayy!!..
Anyways.. Highways.. sorry sa wrong spelling at grammars, grade one lang sorry naman!! (JOKE)
dedicated to kay MsgreenRoseGirl dahil excited din sya sa chapter one.. hahaha peace yow
(^____^)V..
don't forget ung 5 VOTES, 5 COMMENTS, 5 FOLLOW ha!!! For chapter two.. wala nang Author's note sa baba.. tinatamad ako..HAHAHAHA.. CHAROT!!
Eto na POOOO!!!!
********************************
Chapter One
Nagising ako ng biglang tumunog ang alarm clock sa tabi ko.. 5 na pala.. kailangan ko ng bumangon at baka matodas nanaman ako kay Alpha Ramon.
Dali dali akong naglinis ng katawan at nagbihis. Mahirap na at baka magulpi nanaman ako ng Alpha.
Ako nga pala si Erika, 17 na ako sa susunod na linggo. Dito ako naninilbihan sa Blood Crest Pack.. Matagal ng patay ang mga magulang ko, iyon ung araw na sinugod ang pack na ito ng damakmak na mga rogues..
Mayabang kasi si Alpha Ramon, lahat kinkalaban nya.. kaya ayon, nabwisit ata sa kanya at sinugod tuloy kami..
Isa nga pala akong runt, binubully ako ng halos lahat ng members nitong pack.. di na rin ako pinag aral ni Alpha kasi sayang daw sa oras. Maliit lang ang wolf ko, si Alys, kulay puti ang balahibo ko at may pagkapula ang mga mata, pero pag anyong tao ako, mukha syang brown sa malayo pero pula pa din sya..
Ginagawa nila akong PUNCHING BAG kapag nababagot sila, o kaya naman ay bad trip, o kaya kapag nagkakasiyahan sila.
Si Alpha Ramon ay matalik na kaibigan ng aking papa, ewan kokung bakit biglang sumama ang ugali nan, simula ng mamatay sila papa..
Hindi ko pa din nakikita ang MATE ko.. wala naman dito sa pack, at hindi din ako pwedeng umalis ng pack house dahil once na umapak ako sa labas, gulpi agad ang abot ko sa makakakita sa akin.. Yun ata ang utos sa kanila ni Alpha Ramon..
Isang nakakabining sigaw ang bumalik sa katinuan ko..
"EEERRRRRRIIIKKKKKKAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!" Si Alpha Ramon, Siguradong gising na ang lahat ng tao na makakarinig sa sigaw nyang iyan..
Dali dali akong tumakbo palabas at bumaba ng hagdan.. Pagkapasok na pagkapasok ko sa kusina ay isang nakakabinging malakas na sampal ang inabot ko na naging dahian ng pagkakahiga ko sa sahig...
"Hindi Ba't sinabi ko sa'yo na bago ako magising ay handa na ang almusal ko!!!! Asan na!!!" Sigaw nya sa akin habang sinisipa ako sa sikmura..
"G-g-gagawin na p-p-po" sagot ko sa kanya..
"Bilisan mo bago kita mapatay!" tumakbo agad ako sa kusina at sinimulan ang pagluluto.. Pagkatapos ay inihain ko ito agad sa kanyang harapan..
"Umalis ka na sa harapan ko at nakakawalang gana yang pagmumukha mo!" sigaw nya sa akin.. Lumabas ako ng kusina upang simulan ang paglilinis sa buong bahay..
Habang nagpupunas ako ng mga picture frame ay aksidenteng nakabangga ako sa aking likuran.. Paglingon ko ay si Ruki.. Ngumisi sya at bigla akong sinapak sa mukha.. napatumba ako at dahan dahang tumayo...
"Sasusunod mag iingat ka ha! Baka di lang yan ang abutin mo sa akin!!" Sigaw nya at sabay alis.. Si Ruki ay isa sa mga namamantala ng kahinaan ko.. Mahilig siyang manakit at kasabwat nya din si Vanessa, ang Mate nya... and speaking of the DEVIL..
"Hoy! hampas lupa!, Ayusin mo yung kwarto namin ni Ruki, Wag kang magnanakaw ha!" sabay tulak sa akin dahilan upang mabasag ang frame sa likuran ko..
*CRASSSHH*
"Anong nangyayari dito!!" sabay pasok ni Alpha Ramon at tingin sa akin ng masama..
"S-si Mam V-vanessa po kasi-.." di ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang umiyak si Vanessa.
"Si-sinubukan po nya akong hampasin ng frame sa ulo, nasalag ko lang po kaya nabitawan nya ung frame" sumbong nya..
*PAK* isang sampal ang inabot ko kay Alpha, naluluha akong tumingin sa kanya..
"Wala kang karapatan sa PAMAMAHAY KO!!" Sigaw nya sabay suntok sa tagiliran ko..
Sunod namang sumipa sa akin si Ruki habang namimilipit pa ako sa sakit ng suntok na natamo.... Pagkatapos aysinabunutan ako ni Vanessa at tinadyakan..
"Hoy, tama na yan Ramon!!" kilala ko ang boses na iyon.. si Alpha Roman, Kapatid ni Alpha Ramon..
"Linisin mo yang kalat" yun lang at sabay sabay silang umalis sa harapan ko. Tinignan ko si Alpha Roman na nakatingin din sa akin at mahahalata mo ang bakas ng awa sa kanyang mga mata..
Tumayo ako at tumakbo sa labas...
Hindi ko na naisipan pang bawal akong lumabas.. pagkaapak na pagkaapak ko sa damuhan ay biglang gumanda ang akong pakiramdam..
ang kaninang lungkot, sakit at galit na nararamdaman ko ay biglang nawala ng makita ako kung asan ako ngayon..
isang PARAISO!!...
Naggagandahang mga bulaklak,nagtataasan mga puno at mga halaman ang aking nakikita.. Pati na din ang malinaw na tubig ng ilog.. pinagmasdan ko ito at tinikman..
hindi ko ito nakikita mula sa ATTIC kung saan ang aking kwarto.. napakaganda ng lugar, sariwa ang hangin at napakapayapa ng paligid..
kahit sandali ay naramdaman ko ang maging malaya.. Sumaya ang aking kalooban sa aking nakikita..
'Subukan nating tumakbo, damhin natin ang sariwang hangin' sabi ni Alys, my wolf..
Nag shift ako at dali daling tumakbo sa kawalan.. Walang Alpha Ramon, Ruki at Vanessa na gugulpi sa akin.. Ramdam na ramdam ko sa aking balahibo ang lamig ng simoy ng hangin..
dinig na dinig ko din ang huni ng mga ibon at agos ng tubig sa ilog...
takbo lang ako ng takbo.. nang mapagod ako ay uminom ako sa ilog at nag lakad na lamang...
Mag-isa akong nag lalakad sa gubat na ito. tahimik ang buong lugar at mapayapa...
nagulat ako ng may biglang humarang sa harapan ko na tatlong malalaking lobo.. kulay itim ang isa at brown naman ang dalawa sa gilid nya.. umatras ako para sana balaking tumakbo..
dinaganan ako ng itim na lobo at sinakmal ang kanan kong braso..
'AAAAHHHHHH' sigaw ko sa sobrang sakit..
'A RUNT...HAHHAHAHA' he growled..
nagtawanan din ang dalawa... sinubukan kong lumaban pero lalong humigpit ang mga ngipin nya...
'LEAVE HER ALONE!!!' sigaw ni Alpha Roman.. at hinabol ang mga rogue..
Nagsialisan ang tatlong lobo at lumapit sa akin si Alpha Ramon..
'At dahil hindi ka SUMUNOD sa BILIN KO!!!!"
'For now on, YOU ARE NOT ALLOWED TO ENTER THIS PACK!!! LEAVE RUNT!! AND ONCE YOU SHOW YOUR FACE IN OUR TERRITORY......... YOU'RE DEAD!!!!'
Sigaw nya, at dahil sa sobrang takot dahil handa nang sumugod sa akin sila Ruki at Vanessa at pati ang iba pang mga wolf ng Blood Crest Pack ay nakatingin sa akin na para bang isa ako sa mga rogue na kailangang patayin,.. Tumakbo ako ng sobrang bilis.....
Nakarinig ako nga malakas na ungol ng isang lobo.. Si Alpha Ramon... na pinapahiwatig sa lahat na iyon ang kanyang teritoryo.. at sa lahat ng bumabalak na pumasok dito ay mamamatay....... At ito din ang nagpapahiwatig na tinangal nya na ako sa kanyang Pack...
For now on I'm a.....
Rogue...
A Runt Rogue....
BINABASA MO ANG
Book 1: The Runt Mate of an Alpha (Completed)
WerewolfMag-isa akong nag lalakad sa gubat na malapit sa pack namin. tahimik ang buong lugar at mapayapa... nagulat ako ng may biglang humarang sa harapan ko na tatlong malalaking lobo.. kulay itim ang isa at brown naman ang dalawa sa gilid nya.. umatras ak...