The Runt Mate of an Alpha: Chapter Six

26.6K 643 18
                                    

Author's Note

Hi good day ladies and gentlemen..

your author is here... so here is chapter six..


let's ROCK!!!!










****************



Chapter Six




Pagkagising ko ay bumaba na ako sa kusina.. Nakasalubong ko pa si Mica sa sala na nagaayos ng mesa.. Marami ding mga alipin na nagaayos ng halaman at bulaklak na magiging design ng paligid..


"Hi Erika.. Buti at nagising ka na.. Halika't tulungan mo kami.. Kanina ka pa hinihintay ni Yuna sa kusina.." sabi nya..

"Ahh sige.. duon din naman ako papunta.. "

Naglakad na ko papunta sa kusina.. Nakita kong kasama ni Yuna si Stef na nagluluto..


" Anung maitutulong ko??" Tanong ko kay Stef nang lumingon sya sa akin..


"Good day too.. You can wash the meat then after that we need you to cook.. Can you cook?" tanong nya..


Tumango naman ako bilang sagot sa tanong nya..

Tumango naman sya at ngumiti... Pinagpatuloy na nya ang ginagawa nya..


Pagkatapos kong hugasan ang mga karne ay tumulong na ako sa pagluluto..

" Sino ba ang mga darating??" Tanong ko habang hinahalo ko ung soup..

"Sa pagkakaalam ko ay ang Venom Pack at ang Raven Pack ang isa sa mga dadalo.. Darating din ang Silver Eyes at Red Crest pack... ang Black Thief Pack ay nasa malayo pa at nanghuhunting at ang Blue Wings ay malelate daw.." Sagot ni Mica na nasalikuran na pala namin..

"Ang talas ng pandinig mo ahh.. narinig mong lahat yan?" Biro ni Yuna..


"Oy maliit nga ako.. Isa sa mga assets ko ang pandinig ko no.. Magiging spy ba ko ng Spyral Pack kung di ako magaling?? Bwahahaha.." sabi ulit ni Mica..



"Oo, sa sobrang galing mo napunta ka dito at naging katulong.." Gatong na sagot ni Yuna sa kanya..


Napabungisngis naman ako sa usapan ng dalawa.. Pagtingin ko ay nakatingin na silang tatlo sa akin..

"Bakit? " tanong ko sa kanila..


"That 's your first laugh since the day you 're here.." Sagot ni Stef na tinanguhan ng dalawa..


Nahihiyang ngumiti ako sa kanila..


"First time ko din kasing may kakwentuhan.."




"Hey, don't  worry, from now on we're  friends.." ngumiti sila sakin na sinuklian ko din ng ngiti..

Pinagpatuloy na namin ang ginagawa namin ng biglang may pumasok na babae..

"Sisilip dito si Mam Maries" kinakabahang sabi nya. Nagsiyuko kaming lahat ng pumasok si Mam Maries sa kusina.



"Dapat bago sumapit ang gabi ay tapos na ang mga yan.. Maliwanag?" mahinahong sabi nya at sumagot kaming lahat ng 'Opo'..


"Yun lang " At lumabas na ulit sya ng kusina.







"Oh.. anu pang tinutunganga nyo jan?! MOVE!!" Sigaw ng matandang babae. Kaya dali dali kaming bumalik sa mga ginagawa namin..



Book 1: The Runt Mate of an Alpha (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon