Chapter 7

901 20 54
                                    

Stars

I slowly opened my eyes. Dahil sa sobrang pag-iyak ko kagabi'y ramdam ko na ang pamumugto ng aking mga mata.

"Good morning beautiful!" Halos mapatayo ako mula sa pagkakahiga ng makita kung sino ang nakangiti at nakaupo sa gilid ng kama ko.

"Algo?" I asked, shocked.

"No other than." He said smirking, hindi ko alam kung matutuwa ba akong gumising ako isang umaga na kasing gwapo niya ang sasalubong sa akin o mabubwiset ako dahil hindi ko alam kung paano siya nakapasok sa apartment ko.

"Is she awake, babe?" The soft and lovely voice of Jhodie echoed in the place. Why are they here?

"Yes babe. Gising na siya."

"Good morning, Ace! Sorry ha kung pumasok kami without your permission, kanina pa kasi kami sa labas at itong si Algo, gustong-gusto pumasok dito sa apartment mo." Jhodie said apologetically. She's wearing a white crop top and denim short shorts, umaga pa lang feeling ko nakakita na ako ng anghel.

Shucks!! Bigla kong naalala na bagong gising ako, walang ayos at mugto ang mata! Kahiya naman sa perfect na magjowa na 'to!! Bigla akong nagpanic pero pinigilan ako ni Algo.

"You don't have to worry about how you look Astrid, your bare face is beauty itself." Nakangiti niyang sabi. Napatingin lang ako sa kanilang dalawa, both of them were smiling, okay. Wala rin namang magbabago kung maghihilamos ako.

"Paano kayo nakapasok? Ni lock ko yung pinto kagabi."

"I used my charm. Muntik na nga ibigay ng land lady mo ang buong apartment mo sakin eh, e susi lang naman hiningi ko." Algo laughed. Pati rin si Jhodie ay natawa.

Grabe, pwede na palang mag-apply sa budol budol gang 'tong si Algo, his handsome face and alluring appeal could hypnotized anyone.

"And the real reason why we want to see you badly is because it's our fourth anniversary tomorrow and we want to spend it in El Nido. And we both want you to go with us. You're Zack's bestfriend and bestfriend ka na rin namin." Jhodie smiled.

Na touched ako sa sinabi niya. Hindi man kami ganoon ka tagal na magkakilala pero cino-consider nila akong tunay na kaibigan, they are more than just perfect faces.

"Espesyal ka sa dalawa naming kaibigan, kaya pati samin, espesyal ka." Algo added. He stood up at lumapit kay Jhodie at inakbayan ito. Algo is very tall, and Jhodie is petite, bagay sila. Short girl and tall guy, tila ba saktong-sakto sa mga braso ni Algo ang katawan ni Jhodie, perfectly binded.

"Thank you. Masyado naman akong nattouch ah! Pero, weekend kasi ngayon, gusto ko sanang bantayan at alagaan ang Kuya ko sa hospital." I wanted to go with them badly, ayoko namang tanggihan sila pero tuwing weekends lang kasi ako nakakalagi sa hospital para alagaan si Kuya Jam ng matagal.

"Don't worry Ace, sinabi na samin yan ni Zack and he hired two private nurses to assess your brother. We will be back here in Manila by Monday morning."

"Wow. Prepared kayo ha? Talaga? Salamat!" I stood up and made a group hug with them. Sila na ang favorite couple ko ever, sana sa kanila may forever!

"Of course. So, everything is settled, let's go?" Algo said.

"Wait! Algo naman, wala pa akong naayos na damit at tingnan mo nga itsura ko! Nakapajama pa ako. Excited ka naman eh!"

"Oh girl, we bought you clothes and swimwear already! Sa airport ka na rin magpalit, the boys were waiting for us there!" Natatawang sabi ni Jhodie. Clothes? Grabe naman 'tong mga 'to, daig pa girls and boys scouts sa pagiging ready. Severe!

His Ex and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon