Chapter 12

809 21 41
                                    

Premiere Night

"Mine!" Wika ni Jaycha sabay talon upang mai-spike ang volleyball papunta sa court ng kalaban.

Matagumpay iyong nasalo ni Bubbles, ang setter ng St. Paul University women's volleyball team. Na anticipate ko kung saan lalapag ang bola at mabilis na dumapa upang mapigilan ito sa paglapag sa court.

"Good." Ani Marelle at mula sa aking likuran ay mabilis na tumalon upang mai-spike muli papunta sa kalaban.

I let out a deep sigh, akala ko'y mabibitin kami roon. Ngayon ang finals ng intercollegiate volleyball summer competition at kami ng St. Paul University ang magkalaban para sa championship. At hindi iyon madali, the girls were taller than us, lahat sila'y short hair at halatang mga batak sa training.

My heart was pumping so hard, sa sobrang dikit ng laban ay umabot kami sa set 5 sa score na 14-14. As the team captain, kinakabahan ako, aside from the trophy, at school budget worth ten thousand ay may matatanggap pang twenty thousand ang team na mananalo.

"Ace, on your right!" Sigaw ni Jaycha. Natauhan ako ng marinig ko ang pagsigaw niya, but it's too late, I moved my body as fast as I can, subalit the ball moved downwards faster than I did.

Pumito ang referee at itinaas ang flag sa kabilang court na nangangahulugang score nila iyon. The crowd went wild, palibhasa'y sa gym ng St. Paul University ginanap ang laro. Mabilis na nagtime out ang mga players ng kabila kaya kami'y patakbo na pumunta sa bench kung nasaan ang ibang members ng team at si Coach Zulueta.

"Sorry girls. Nawala ako." I apologized.

"Don't worry Ace, two points pa. Kaya natin 'to." Jonaben cheered. Ang mga kasama ko'y ngumiti lang din, at pinapakalma ako.

"Let's not just create another mistake team. Dalawang puntos nalang, 'wag kayong kabahan. Magagaling kayo at may tiwala ako sa inyo. Okay?" Ani Coach Zulueta.

"Yes Coach!!" Sabay sabay naming sigaw. Kahit papaano'y na inspired ako subalit hindi ko mawari kung bakit parang pakiramdam ko'y may kulang.

"Concentrate, MVP." A familiar angelic voice echoed from my back. Panandalian akong na estatwa sa gulat, I never thought na kakausapin niya ako ulit.

Napalunok ako bago siya harapin, I could hear the screams of my teammates.

Once again, I saw his angelic face. Nakangiti lang siya, hindi man iyon kasing ganda ng ngiti niya sa akin noon, ang mahalaga'y ngumiti siya. Para bang nabunotan ako ng tinik sa aking dibdib.

"Thank you, Zack." I smiled widely. Gusto ko pa sana siyang kausapin subalit pumito na ang referee mutya na kailangan na naming bumalik sa court.

Nakangiti na akong pumanhik sa court kasabay ng aking mga ka teammates.

"Ayan na guys, inspired na ang team captain natin." Sabi ni Ysabelle na pilyang nakangiti. I just simply smiled and shrugged my shoulders.

Eksaktong nakapwesto na ako ng may isang malakas na sigaw ang umagaw sa atensyon ng lahat.

"Go sweetheart!!" Together with the crowd, I searched for the owner of the voice. Para bang bibitayin ako sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko habang hinahanap ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon. The moment I spotted him was like I have finally found the meaning of my existence.

Nakangiti siya habang may hawak na cartolina na may nakasulat na 'Go Sweetheart!', kahit nakasuot siya ng black Rayban, black face mask, black bonnet, at sweatshirt and pants ay kilala ko siya.

Hindi ko napigilan ang mapangiti, nahihiya ako dahil halos sa kanya napunta ang atensyon ng lahat.

"Omy! Who's that guy? He seems to be so gwapo! And who is he cheering?" I could hear one student on my left, murmuring.

His Ex and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon