Chapter 9

796 13 39
                                    

Tagahanga

"Breakfast is ready."

I automatically walked two steps away from Cain. Buti nalang at hindi na kami magkayakap ng dumating si Zack.

Nilingon ko si Zack. Behind him are two resort staff, one male and the other is female, both are in the age of mid 30s.

Ang lalaki ang may hawak ng tray na may nakalagay na glass of orange juice, rice, and sunny side up. Mayroon ring bacon, ham at pancakes.

The girl is simply holding the pitcher of juice.

"Thank you, Zack. Nag abala ka pa."

Naglakad na ako papaakyat mula sa pool.

Dahil nga gutom na rin ako ay mabilis akong kumain ng mailapag na ni Kuya ang tray sa glass table sa gilid ng pool. Mabilis kong nginuya ang pancakes at naubos ko ito sa loob ng halos isang minuto lamang.

Natigil ako sa pagnguya ng maramdaman ko ang mga titig ni Zack sa akin.

He stared at me, smiling.

"Bakit?"

"Chicks ka na sana eh. Kaso daig mo pa construction worker kung kumain."

I could hear his amused laughter.

"Eh nagugutom na 'ko eh. Gusto mo bang sabayan akong kumain?" I asked before I took a sip of the juice.

Sumilay ang masayang ngiti kay Zack at para bang bata itong lumapit sa akin. He sat down on the chair in front of me and open his mouth na tila batang nagpapasubo ng pagkain kapag recess.

"Feed me."

Awtomatiko akong napalingon sa aking kanan kung saan may pool.

I was shocked seeing how instense Cain's gaze is.

Napalunok ako sa kaba. Hindi ko gustong saktan siya, Zack and me are best friends, sana huwag siyang mag isip ng mali.

"Ace?"

Bumalik ang tingin ko kay Zack. Saka ko na alala na nagpapasubo pala siya kaya nilagyan ko ang kutsara ko ng kanin at bacon at isinubo iyon sa kanya.

Naiilang akong ngumiti habang pinapanood siyang ngumuya.

"Sana lagi kitang kasamang kumain. Nakakagana kapag kaharap kita Ace."

I gave Zack a half smile.

Isang malakas na pagdabog ang umagaw sa aming atensyon. It was Cain. Parang batang nagdabog ito papaakyat sa pool at mabilis na naglakad para lisanin ang lugar.

I felt guilty. May mali ba akong ginawa?

Matapos kumain ng agahan ay nagswimming pa kami ni Zack sa pool. Iyong magbabarkada na naroon ay nakisali na rin sa amin at nagyaya pang maglaro ng patagalan sa ilalim ng tubig.

I enjoyed it. Matapos ang ilang oras na pagbabad sa tubig ay umahon na kami ni Zack at nagtungo sa kanya kanyang kwarto upang makapagbihis para makapag lunch na rin sa kabilang isla.

After magshower ay pinatuyo ko ang aking mahaba at straight na buhok gamit ang blower.

I changed into a red off shoulder crop top and denim short shorts. Hanggang ngayon ay naninibago ako sa mga suot ko subalit wala naman akong magawa dahil ito lamang ang available. Mamahalin ang mga 'to kaya wala akong karapatan para magreklamo.

Nang makapagpalit na ay naisipan kong magselfie at matapos ang ilang shots ay nakuntento ako at isinend iyon kay Cain through multimedia text.

Sa picture ay nakangiti ako at nakapeace sign. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon sinend pero sana mapangiti ko siya dahil alam kong bad mood siya kanina.

His Ex and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon