Chapter 11

756 18 48
                                    

Whole day

IBINAGSAK ko ang aking sarili sa kama ko ng makarating ako sa apartment pasado alas singko ng hapon. Dahil sa malakas na bugso ng ulan ay ipinahatid pa rin ako ni Zack dito kahit na anong sabi ko na kaya ko magcommute mag-isa. Hindi niya na ako kinausap matapos ng pag-amin ko sa terrace, pero ipinahatid niya pa rin ako sa driver nila. I felt touched, kahit na ako itong nakasakit ay ako pa rin ang inaalala niya.

Matamlay kong tiningnan ang aking cellphone at nagpaalam kay Maam Gemmavelle, na adviser ko sa internship, na hindi ako makakapasok. Dahil na rin siguro sa walang humpay na pag-iyak, ay tuluyan ng sumama ang pakiramdam ko. I am emotionally and physically tired. After I sent the message I suddenly fell asleep.

TATLONG sunod-sunod na pagkatok ang naging mutya ng aking pagmulat. I woke up with the exact position I was before I sleep, ganoon ba talaga ako kapagod?

With just one eye opened, I managed to look at my mini-Spongebob alarm clock na nakapatong sa gilid ng aking kama.

"4:40?" I mouthed. Madaling araw na pala. Nagulat ako pero mas ikinagulat ko ang sunod-sunod ulit na pagkatok.

Sino yun? Madaling araw pa lang pero may kumakatok na? Wala naman akong utang sa mga Bombay ah? Nakapag advance naman ako ng upa sa apartment pero bakit may kumakatok ng ganito ka aga?

I lazily stood up. Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa sala upang buksan ang pinto. Bago tuluyang buksan ay humugot muna ako ng hininga. Hindi ko alam kung sino ang nasa likod ng pintuang ito.

"Good morning!" A smile as bright as sunshine surprised me. Lubos kong ikinagulat na siya pala ang kumakatok. It's Cain.

"Bakit ka nandito ng ganito ka aga?" Kunot noong tanong ko.

"I'm worried about you. I told you last day, na magkikita tayo, I texted you several times last night pero wala akong natanggap na reply. I even called you, pero nung tumawag ako ng pang limang beses ay out of reach ka na. Okay ka lang? Are you sick or what?" Cain placed his hand on my forehead.

"Nakatulog lang ako kagabi sa sobrang pagod. Baka nalowbat na rin ang cellphone ko. Sorry kung pinag alala kita." I smiled.

"Tsk. Hindi mo man lang ba ako papapasukin? I came here all the way from my movie's taping. Wala pa akong tulog pero okay lang basta makita kita." He smirked.

"Ano? Bakit? Dapat dumiretso ka nalang muna sa inyo at nagpahinga. Nangangayayat ka na nga oh. I'm okay. Dapat hinintay mo nalang ako magtext." I'm very worried. Totoo kasing medyo pumayat siya. Pero hindi naman nabawasan ang pagiging gwapo niya.

"It's normal. Kapag may project talaga at sunod-sunod ang taping ay pumapayat ang mga artista. But I can work out again, if you miss my perfect body sweetheart." He grinned. Tila ba ini inis na naman ako.

"I know. Pero alagaan mo pa rin ang sarili mo. Umuwi ka na muna at matulog."

"Bakit? Hindi ba ko pwedeng matulog dito?"

I was shocked. Nilibot niya ng tingin ang apartment at tuluyan ng pumasok. Hindi ko na siya napigilan. Baka nga sobrang pagod niya na, pero dahil sa hindi ko pagreply sa mga text niya ay nagpunta pa siya dito. I felt guilty. Lalo na ng marinig ko na sobrang lakas pa rin ng bugso ng ulan sa labas.

"Alam mo ba kung anong weather forecast ngayon?" He asked as he sat down on the small black sofa I have here in my apartment.

Napaisip ako.

"Uhmm. Hindi eh. Hindi na kasi ako nakapanood ng balita dahil sa sobrang busy ko netong mga nakaraang araw. Bakit? May bagyo ba? Or dala ng habagat?" I asked back. Isinara ko na rin ang pintuan dahil umaanggi na ang ulan galing sa labas.

His Ex and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon