Chapter 2

1.4K 28 18
                                    

Bullet

"Our Father who art in heaven .." halos mamaos ako sa paulit-ulit kong pagsigaw ng dasal dahil feeling ko ay didiretso na kami sa huling hantungan namin dahil sa bilis ng pagpapatakbo ni Cain Dame ng kotse. Grabe, daig pa niya jetplane sa bilis.

Nahinto lamang ako sa pagdasal ng huminto ang sasakyan at kamuntikan pa akong masubsob sa harapan dahil sa bilis ng pag preno niya. This is really great, really!

"What's wrong with you?" singhal ko sa kanya habang sapo ko ang dibdib at hingal na hingal pa. Pero imbes na makakuha ng sagot ay nagpatuloy lamang ito sa pag tanggal ng seatbelt niya at umaktong lalabas na ng kotse.

"Hoy Mr. Cain Dame Park! Kinakausap kita. Alam mo bang pwede kitang makasuhan ng kidnapping? This is against the law!"

Hindi porket napakagwapo niya at sikat siyang artista'y basta basta nalang siyang manghahatak ng mabait na babaeng kagaya ko.

Natigilan siya at diretso akong tinitigan sa mata. Lahat ng pagsigaw at tapang ko yata ay biglang nawala, bigla akong nanghina, hindi ko kayang mataim ang mga nakakalunod niyang titig.

He leaned closer to me, making his fresh toothpaste-smell breath suffocate me.

"Bababa ka or bubuhatin kita?" wika niya sa gamit ang mahina at lalaking lalaking boses niya.

Napalunok ako, parang biglang may bumulong sa akin na piliin ang pangalawa sa choices niya pero I remembered that I was raised to be conservative. Hindi naman ako ka agad agad nagpapabuhat sa mga gwapo 'no!

"Bababa na." I uttered. Saka nagtanggal ng seatbelt, wala naman akong choice.

Algorithm, ito ang nakasulat sa malaking building na bumulaga sa akin ng makalabas ako sa sports car ni Cain. The signage was designed with neon lights, unang tingin pa lang dito ay alam mo nang isa itong bar. Meron pang dalawang malalaking bouncer na nakabantay sa pintuan.

Magtatanong pa sana ako kung ano ang gagawin namin dito pero nakita ko na si Cain na pumapanhik ng mabilis papunta sa loob. Wow, siya nagdala sa akin dito pero di man lang ako hinintay, ang galing!

Patakbo akong pumasok sa loob, I've never been into bars before, kaya nang tuluyan akong makapasok ay agad akong namangha sa lugar.

The loud and hype music covers the wide area. It has a minimalistic design, from the big chandeliers on the ceiling hanggang sa sahig. The place is monochromic, lahat dito ay black and white. Mas marami ring crystal na muebles na makikita.

The whole crowd is busy partying. May mangilan ngilan akong nakikitang naglalaro ng beerpong, I know that game, madalas rin namin iyong laruin kapag may outing ang batch namin. May tatlong lalaking hindi magkamayaw sa pagplay ng tugtog, marahil sila ang DJ sa bar na ito. Most of the people were dancing, sa postura at mukha ng mga ito'y hindi maitatangging mga anak mayaman sila. I can tell na magkaka edad lamang kami, or maybe they're one or two years older than me.

Bigla akong na conscious sa suot ko, I'm wearing a simple three-fourth white shirt na may mukha ni Joker, iyong villain sa Batman, and denim jeans. Very very conservative, Astrid.

"Hey."

Nahinto lamang ang mga mata ko sa pagmamasid sa kamangha manghang lugar ng marinig ko ang tawag sakin ng bulto ng lalaki sa harapan ko.

"Hey ka rin! Uy, uulitin ko Mr. Park, hindi mo ako dapat dinadala sa kung saan. Ni hindi ko alam kung nasa Manila pa ba ako or nasa Batanes na sa bilis mong magpatakbo kanina!" I am almost yelling, masyadong malakas ang music para magkarinigan kami ng gwapong mokong na 'to.

"Well, obviously, nasa Manila ka pa rin. Nasa Makati specifically. Kaya halika na."

Aalma pa sana ako nang bigla na naman niya akong hinila. Bakit ba ang hilig manghila ng lalaking 'to? Snatcher ng kamay eh.

His Ex and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon