Chapter 4

1K 26 36
                                    

Picturesque

I started dancing when the song Bang Bang Bang by BIGBANG, my most favorite KPOP boy band, played in my Spotify. Kasalukuyan akong nagsha-shower habang nasa safe na lagayan ang aking cellphone. I don't know pero mahilig akong sumayaw sayaw mag-isa. I'm saving my talent for myself.

"Bang! Bang! Bang!" I raised my hands in the air at patuloy ang pagsayaw na animo'y siraulong single since birth na first time mag club. Hays, isang beses pa lang akong nakakapunta sa club pero wala akong ibang ginawa kundi ang panooring mag-emote yung gwapong Cain Dame na 'yun. Next time talaga, sasayaw ako ng severe!

I'm still dancing ng biglang mag-iba ang kanta, napalitan iyon ng ringtone ko. Badtrip, kina-careeer ko ang pagsayaw eh tapos may tatawag.

Pinatay ko ang shower at ipinahid ang aking mga kamay sa tuwalyang nakasabit sa pintuan, I grabbed for my phone.

"Hell-"

"Ace, where are you now?" his voice, even he is evidently worried, still seems to be a voice from an angel. Siya ang isa sa mga nilalang na boses pa lang, gwapo na.

"Nasa puso mo." I chuckled teasingly. Ngunit kumunot ang noo ko ng makalipas ang ilang segundong tahimik lang ang kabilang linya. Ano nangyari don?

"Hoy Zack? Andyan ka pa ba? Hoy?"

I heard him cleared his throat bago magsalita.

"Ah, yeah. Paano mo nalaman na nandito ka sa puso ko?"

Nahinto ako sa paghinga ng sinabi niya 'yun. Hindi ko mawari kung nagbibiro ba siya o ano, ang tono ng boses niya ay parang sinasabing seryosong seryoso siya, but knowing Zack, prank niya lang 'to. I laughed awkwardly, ayoko ng pag-usapan 'to.

"Bakit mo ba 'ko hinahanap?" pag-iiba ko sa usapan.

"Ano kasi, si Cain, nagsusuka don sa condo. Two days na siyang walang kain, at ayaw niya pa ring kumilos."

Two days? Today is Sunday, at ang huling punta ko ron ay nung Friday pa, ibig sabihin hindi pa siya kumakain bukod don sa soup na niluto ko? Jusko. Napaka-suicidal. Sayang ang napakagwapong mukha.

"And I'm here at Tagaytay. Nagka problema kasi sa bahay na pinapatayo ko eh. Pero mamaya babalik na akong Manila."

Zack is very responsible to the point na at the age of 20, he has his own resort, his own baseball field, and yung pinatayo niyang dream house daw two years ago. Grabe po si Mayor!

"Can you please check him Ace? Algo's not available, he's throwing a welcome party for his girlfriend."

Wow, sino kaya sa mga babae ni Algo ang girlfriend niya tonight? 

I sighed. Wala naman akong choice. 

"Sige. Magbibihis lang ako."

"Thank you Astrid! Mwa! You take care ha? Sorry, I know gabi na pero I really can't afford na hayaan si Dame, he's a brother to me."

"I know. Sige na, mag-ingat ka rin sa byahe. Gabi na, maulan pa naman. "

"Aww, kulang na lang ng i love you, para maging girlfriend ang datingan." A sarcastic laugh escaped from Zack. 

"Tse! Sige na, at baka nagbigti na yung kaibigan mo don."

"I love you Ace."

A sudden electrifying feeling hits me. Hindi ito ang unang beses na gagawin niya ito, pero naaapektuhan pa rin ako, but he's my bestfriend. Siguro nga naman, normal lang 'to? Normal lang naman ang mag-I love you sa kaibigan 'di ba?

"Wushu, may bayad 'to Zack Rhyan."

Tumawa lang kami pareho at nag paalam sa isa't-isa bago binaba ang phone. Mabilis akong nagtapis ng tuwalya at diretso sa closet. I grabbed a panda-designed gray sweat shirt at ang kapares nitong sweat pants. Then diretso suot ng gray din na vans. Hindi obvious na favorite ko yung gray 'no? Hindi talaga.

His Ex and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon