Chapter 6

1K 23 24
                                    

Confession

"Okey, last two shots. 1, 2, 3."

I smiled as Jason Walsh clicked the shutter. Thanks to the wind, my hair naturally danced, hindi ko na kailangan mahirapan sa pag pose.

"Put your arms here." Nawala sa camera ang aking paningin at napako iyon sa maiitim at nangungusap niyang mga mata.

Cain lifted my left hand and placed it on his bare shoulder, and my right hand on his bare chest. Tila napaso ako ng hawakan ko ang parteng iyon ng katawan niya. He's topless, tanging ang Mexican Creamy pants nalang niya ang nagsisilbing tabing sa kanyang katawan.

"Look at the camera, Astrid."

Kung hindi pa siya nagsalita ay baka tuluyan na akong naging bato. Bakit may pahawak si Mayor?

"Nice one. Okey, for the last shot. 1,2,3"

Sabay ng pangatlong numero ang paghatak sa akin ni Cain. Naging dahilan iyon upang tuluyan akong mapayakap sa kanya. I could feel his bare chest against mine, sa pagkakahatak niya'y napahawak ako sa dibdib niya. He held my waist for support, pero kulang iyon sa kaba, at panginginig na nararamdaman ko dahil ganito kami kalapit sa isa't-isa.

"Aw, both of you are so cute." Kinikilig na sabi pa ni Jhodie. I smiled awkwardly.

Natapos ang shoot at doon na ako nakahinga ng maluwag, I didn't really expect that I could pull this one. Thanks to all the people around me today.

"Grabe, hindi ko alam na magiging model ako Cain!! Sa itsura kong 'to? Hindi nga ako nagseselfie eh kasi nayayamot lang ako sa mukha ko pero, gosh. Miracles do happen talaga!" Halos maihi ako sa kilig habang tinutupi ang mga damit na ginamit ni Cain kanina sa shoot. Tapos na akong magpalit sa kabilang tent kaya nandito na ako ngayon.

"Pero nahihiya ako, baka pag may nakakita sa akin sa magazine na mga estudyante sa school e bash ako. Like diba, pag artista o sikat ganun? Nagkakabashers? Halaa, sana naman wag, gusto ko lang naman ay mamuhay ng simple at mapayapa dito sa Perlas ng Silanganan!" Natatawa ko pang sabi habang nakataas ang kamay sa ere na wari'y si Andress Bonifacio na may hawak na bolo.

Nahinto ako sa pagtutupi ng maramdaman ang pananahimik ng kumag na kasama ko. Hinarap ko siya, nakaupo kasi siya sa rattan na upuan sa likuran ko.

"Ay, tulog si mayor?!" Nangingiti ko siyang nilapitan. He's wearing his white T shirt ngayon, buti naman at nahihirapan na akong controllin ang laway ko sa pa top less gaming niya.

"Thank you for assisting me earlier." Mahinang bulong ko sa tapat ng mukha niya mismo. Yumuko ako upang magpantay ang mga mukha namin. This is my second time to be this close to him. He's still my favorite sculpture to look at. Ang matangos niyang ilong, mahahaba at nakabowed na pilik-mata, at pinkish na labi'y mistulang nakikita mo lamang sa mga goddess at gods sa greek mythology.

"Are you Apollo's son? O kay Athena? O baka pinsan mo si Zeus? Sobrang perfect mo po!" I don't know why I'm saying this, nakakadala, at nakakabaliw talaga ang kagwapohan niya.

"Are you trying to seduce me, Astrid?"

I choked. Halos ramdam ko ang pag-urong ng aking lakas ng unti-unting iminulat ni Cain ang kanyang mga mata.

His perfectly defined dimples were shown as he smiled. Magkahalong amusement at antok ang pinapakita ng mga mata niya making me swallowed twice because he was surely looked so hot and handsome with that expression. Nanatili lamang akong nakayuko at nakatingin sa kanya nang unti-unti niyang ibinaba ang tingin niya mula sa aking mga mata pababa sa aking labi.

"It's been awhile since the last time I kissed someone. And I think your lips are somehow worthy."

Nagmistulang tunog ng tambol ang pintig ng aking puso. Hindi magkamayaw ang malakas nitong tunog, nakakabingi, nakakapanghina. Ano ba ang pinagsasabi ng lalaking ito?

His Ex and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon