Chapter 3

1K 26 17
                                    

Warmth

Warning: Matured Contents

"Ace on your left!" sigaw ni Ysabelle, my teammate. Mabilis ko namang inihakbang ang kanang paa ko at pumuesto upang makatalon ng mataas.

I took a deep breath bago tumalon at ini-spike ang bola. Natamaan ko iyon at sa sobrang lakas niyon ay napaiwas ang nakabantay sa aking pag tira dahilan para mabigo silang masalo iyon.

"Yes!! We did it!!" sigaw nila Ysabelle, Charisse, Marelle, Jaycha at Jonaben. They are my team mates in Volleyball. Maliban sa pagiging scholar ay nag-apply din ako bilang isang varsity sa volleyball, taray ng lola no? Ganyan talaga, mag-isa lang ako eh, kailangang kumayod ng severe! Three years ago ng pumanaw ang aking butihing ama at ina dahil sa isang aksidente habang nagdedeliver sila ng mga paninda namin sa probinsya, I have an older brother, he's Jamarcus Joery Kim, at the age of 23, my brother already attained multiple international awards. He was awarded as the youngest chef in Asia, nakilala siya dahil sa galing niya sa pagluto nang magtrabaho siya sa isang kilalang hotel sa Singapore. Kuya Jam was on his highest peek of career ng maaksidente siya sa Singapore at ma coma. Naiwan kami ni Kuya sa aming tiyahin, siya rin ang nag aalaga kay Kuya sa hospital kung saan siya naka confine for almost 7 months now, subalit nagkaroon naman ng sakit ang anak ni Tiya Naty dahilan para lumuwas siya ng Batangas nakaraang buwan. Ngayon, ako na lang nag aalaga kay Kuya, kapag may pasok ako ang private nurse nag aalaga sa kanya.

"Ang galing galing mo talaga Ace! MVP ang datingan ng lola mo! Thank you for making us win this game!" mahigpit akong niyakap ni Charisse, tumatalon talon pa ito na wari mo'y nanalo siya sa lotto.

"Hoy Cha! Wag ka ngang OA! Friendly game lang naman 'to makareact te ha!" Saway ni Marelle. Nagtawanan naman kaming lahat.

"Yes I know. It's just that, doon kasi nag aaral ang pinalit sakin ng ex ko sa Xavier University, ayoko dun! Kainis mga babae dun eh, mas mataas pa ang false eyes kesa sa mga grades nila! Asar!!" Galit na galit ito. Kamakailan lang kasi ay nalaman niyang may iba yung boyfriend niyang si Jethro.

Natawa lang kami ulit sa reaksyon niya. Charisse is the tallest in our team, pero siya rin ang pinakabata sa amin mag isip at kumilos.

"Girls, nandito na ang boyfriend ng ating MVP! Ang haba talaga ng hair ng lola niyo! Sarap itali sa Acacia!" Wika ni Jonaben. Sabay sabay naming nilingon ang lalaki mula sa pintuan ng gym.

"Hi girls!" Bati nito sabay pakawala sa nakamamatay niyang ngiti. The typical killer smile of our school most excellent Taekwando player. Natawa na lang ako sabay kuha sa aking towel na nakapatong sa bag ko.

Ipupunas ko na sana ang towel ng may biglang humablot nito sa akin.

"Hoy ano ba -"

"Pagod na pagod naman ang MVP girl ko." He said, half smiling and half smirking. Bago niya pinunas sa akin ang towel.

"Aahhh! Hoy Astried Cielo Emily! Ano ba ang Shampoo mo? Ilang beses ka bang mag shampoo? Baka may tips ka para sa amin?" Tukso pa ni Marelle.

"Hindi raw siya nagshashampoo girl, katas lang daw ng niyog gamit ng lola niyo!" Jonaben added.

"Hindi na niya kailangan ng shampoo girls, she already have me dahil sa amoy pawis niyang buhok."

"Ano? Ah ganun pala ah! 'Wag ka lang talagang manghingi sa akin ng favor Zack Rhyan! Mapapatay talaga kita." Siniko ko siya at hinablot ang towel.

"Uy Ace, joke lang 'yun. Amoy mamahaling shampoo ka talaga! Uy, sorry na." Nakalabing sabi ni Zack, nagpapacute.

Inirapan ko lang siya saka isinuklit ang bag sa aking kanang balikat upang makapag shower na bago pumunta sa La Gracia, ang coffee shop kung saan ako nagpapart time, pag aari iyon ng pamilya ni Zack.

His Ex and LiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon