Chapter 6-WORRIED TO YOU

379 15 1
                                    

Claire's POV

Pumasok ako ng maaga ngayon.Pagkapasok ko sa room,wala pa si Terrence.

Umupo na lang ako at hinintay si Princess.

"BES!!!!"sigaw ni Princess.Andito na pala sya.

"Oh ano yun?bakit ka sumisigaw?"ang aga aga sumisigaw eh.

"Nabalitaan mo ba?"ang alin kaya?

"Alin?"

"May away dito kagabi,yung grupo ni Terrence pati yung kaaway nya"si Terrence?grupo nya?

"Anong pangalan ng grupo ni Terrence?"nacurious tuloy ako.

"Ah redflame oo tama redflame tapos yung kaaway nila vicelords ang pangalan"mukhang pang-gangster ngayung pangalan.

"Eh asan si Terrence?"tanong ko.

"Di papasok kasi syempre galing sa away"sabi ni Cess.Paano tong assignment nya?

"Ah Bes alam mo ba kung saan bahay nya?"

"Bakit?"

"Ibibigay ko lang tong notebook nya mamaya"

"Ah oo alam ko"stalker ata to ni Terrence eh.

------------

Terrence POV

"Aray!ano ba!"sigaw ko sa katulong namin.

"Sorry po sir"sabi nya.

"Aish!lumayas ka na nga dito!go back to work!"sigaw ko.Dali dali naman syang lumabas ng kwarto ko.

Teka yung notebook ko nga pala nasa babaeng yun.Aish!ang stupid ko bakit di ko tinanong pangalan nya.

*tok*tok*

Ang kulit naman ni Yaya.

Binuksan ko yung pinto.

"ANO BA SABI KO---"

Anong ginagawa nya dito?

"Ah ibibigay ko lang tong notebook mo"

----------

Claire's POV

"Oh eto bes yung bahay nila oh"sabi ni Cess nang makarating kami sa bahay nila Terrence.

"Sige salamat,hintayin mo ko dyan ah"sabi ko.

Ang laki ng bahay nila.

Pumasok ako at pinagbuksan ako ng katulong ata nila.

"Ah sino po sila?"tanong nung katulong.

"Ah ako po si Claire,classmate po ni Terrence,amm andyan po ba sya?"tanong ko.

"Ah opo andun po sya sa kwarto nya"sabi nung katulong.

Tumango nalang ako at pumunta sa kwarto nya.Urgh!di ko nga pala alam kung saan yung kwarto nya.

Umakyat ako at nilibot ko ang paningin ko at nahagip ng mata ko ang isang pintuan na may nakalagay na……

Terrence Room

I think eto na yung kwarto nya.Kumatok ako at bumukas naman pero letse sinigawan ako.

"ANO BA SABI KO--"nagulat sya nung makita nya ako.

"Ah ibibigay ko lang tong notebook mo"sabi ko.

"Tss"

Napansin kong may pasa sa gilid ng labi nya.

"Ano yan?"

"Ang alin?"tss ang sunget neto eh.

"Yung pasa sa gilid ng labi mo?"sabi ko at hinawakan ko yung labi nya pero tinapik nya yung kamay ko.

"Wala toh kaya pwede ba umalis ka na"sigaw nya.

Aish!fine aalis nalang ako.Ako na nga tong nag aalala tapos sya pa yung galit.Ang galing!!!

Im Inlove with the GangsterWhere stories live. Discover now