Aolina's POV
Nagising ako sa tunog ng bell, di ko namalayan na nakatulog pala ako sa klase.
"Hoy ikaw, Aolina! Tama na yang kakapuyat mo wala ka namang jowa!" Bungad ni Azily sakin nung inangat ko yung tingin ko sa kaniya.
Sinamaan ko yung tingin ko sa kaniya dahil inaantok pa ako. Naasar na nga ako dahil sa bell, inaasar pa ako.
"Oh ano? Titignan mo lang ba ako ng masama? Hindi ka pa ba uuwi?" Dagdag niya.
Padabog kong kinuha ang bag ko at lumabas sa silid. Di ko na siya hinintay at nilingon dahil naaasar pa rin ako sa kaniya.
Kinuha ko yung skate board ko sa locker, binitbit ko lang muna yun habang naglalakad patungo sa gate kasi alam kong siksikan na naman 'to.
Habang nakikipagsiksikan ako palabas sa gate may kung sinong kumalabit sakin. Nilingon ko iyon ng may masamang tingin at nakita ko nga yung lalaking nakangisi sakin pero di ko na lang pinansin dahil gustong gusto ko ng ipagpatuloy yung tulog ko.
Ilang minuto ng pagsiksikan bago ako nakalabas saka nag-skate pauwi. Malapit-lapit lang yung subdivision namin sa school pero, tinatamad pa rin akong maglakad.
Habang nags-skate ako sa loob ng subdivision nakita ko na naman yung lalaking nakangisi sakin kanina.
'kaya siguro ngumisi yun, kasi magkapit bahay lang kami.' sabi ko sa isip ko.
Nginitian ko na ang din at mas lalong nakangisi siya.
Pagkadating ko sa pinto ng bahay, kinuha ko agad yung susi ng bahay sa bulsa ng palda ko at binuksan ang pinto. Inilagay ko yung skate board ko malapit sa may lalagyan ng payong at hinubad yung sapatos ko saka dumiretso sa kusina. Tinignan ko yung ref kung ano yung pwede kong lulutuin para sa panghapunan ko mamaya.
Kumuha ako ng longganisa, mushroom, cheddar at mozzarella cheese, at tomato sauce. Kumuha na rin ako ng flour, egg at baking soda para sa dough. Trip kong magpizza eh.
Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ng palda ko at ipinuwesto kung saan kitang kita ako at yung counter. Sinuot ko muna yung apron para di marumihan ang maputi kong uniform.
Sinet ko yung timer para magsimula ng maglive.
In 3...
2...
1...
"Hello guys! Tonight we are, I mean, I am going to make a pizza! Yey!" Hype na hype kong sabi sabay pumalakpak. Nakita kong may ng comment pero di ko makita, nilapitan ko iyon at ipinatong na lang malapit sa counter para mas makita ko kung anong sinasabi nila.
"Anong klaseng pizza?" sabi ni Levant Koch na isa sa nagcomment.
YOU ARE READING
What if may boyfriend ako?
Genç KurguAko? Magkaka-boyfriend? Lol, sagabal lang yan. Pero... Paano kaya kung magka-boyfriend ako? Ano kaya yung feeling? Ano kaya yung magiging boyfriend ko? Ano kaya yung magiging estorya namin? Dami kong tanong. Love Always, Aolani