Chapter 4-Zero's Fault

3.7K 118 18
                                        

[Calyx POV]

“Kasalanan nyo yan eh.Tignan nyo galit na si Ish satin.Tapos ngayon anong kakainin natin ngayong gabi?"binato ko si Kaizer ng pera.Pagkain lang naman pinoproblema nitong ugok na to.Dami pang sinasabi.

“Bumili ka na lang."nagtatakbo sya palabas.Patay-gutom talaga.

“Anong gagawin natin?"tanong ni Storm.

Kanina pa kami nagbe-brain storm kung paano kami hihingi ng tawad kay Rish.

Kasalanan ni Zero na mukhang yakult to eh.Kung hindi dahil sa walang kwentang utak at plano ni Zero edi sana hindi galit samin si Rish.

“Eh bakit ba tayo ang nag-iisip eh kasalanan naman ni Zero to?Dapat sya ang nabalibag at nasipa sa ano eh.Ng hindi na sya magkaanak.Buti na lang si Calyx ang nasipa.Ligtas ang sperm mo,Zero!Mag thank you ka kaya sa kanya.Makakashoot ka rin!!Mabuhay ang sperm ni Zero.Mabuhay!!"napatingin ako ng masama kay Rex na mukhang nagce-celebrate.

Nilapitan ko sya at sinakal.Nagdilim na ang paningin ko eh.

“Ikaw kaya ang putulan ko ng ano dyan?Tignan lang natin kung makagsalita ka pa ng ganyan.Storm,ang scalpel?"umakto akong parang surgeon at ang nurse ay si Storm.Inabot nya sakin ang gunting na nasa lamesa.Kunwari yung gunting ay scalpel at hahatiin ko sa dalawa yung ano nya na parang hotdog.Bwahahaha!

“Fvck!Let me go!!"pumiglas ng pumiglas si Rex pero mas malakas kami ni Storm kaya natali rin namin sya sa sofa.

“Nurse Storm,hubaran ang pasyente."akmang huhubarin na ni Storm ang shorts ni Rex nang sinipa nya ito sa mukha.

“G*go ka talaga."hinablot ni Storm ang hawak kong gunting at mukhang sya na ang gugunting.

Nang matapos ang harutan nila ay naupo silang dalawa na hingal na hingal.Nagbalyahan ba naman eh.

“Anyway,si Zero ang may kasalanan kaya siya dapat ang sumuyo kay Eris!"

Oo nga no?Kasalanan to ni Zero kaya siya dapat ang mag-sorry kay Rish.

Napatingin lahat kami kay Zero na pinagdidiskitahan ang yakult na nakapatong sa lamesa at nagtinginan kami sa isa't isa.Mukhang iisa lang ang iniisip namin.

“Ano?!"

Hinatak namin si Zero papuntang kwarto ni Rish.Kinuha na rin ni Rex yung duplicate key ng kwarto ni Rish.

Pinasok namin sya at ni-lock mula labas.

Nag-high five kaming magpipinsan.

Sama-sama,tulong-tulong,lahat magagawa.

Hahahahahaha!!

“LINTEK!!CALYX!!REX!!STORM!!BUKSAN NIYO TO!!PAPATAYIN KO KAYO KAPAG NAKALABAS AKO RITO!!!FUCK!YUNG YAKULT KO"sigaw ni Zero mula sa loob.

“KUNG MAKAKALABAS KA PA DYAN!BWAHAHA!!HAYAAN MO!PAG NAKALABAS KA DYAN BIBIGYAN KITA NG SANDAMAKMAK NA YAKULT!"balik na sigaw ni Rex na kinatawa namin ng malakas.

Bwahahaha!!Masapak ka ulit sana Zero ni Rish.Magandang design sa mukha yang mga sugat.Pampa-bad boy look din yan.Hahahaha!

Sakit rin kaya masipa sa ano!Ganti lang yan.

[Zero POV]

“BUKSAN NYO YUNG PINTO!!!!!"kinalampog ko ng malakas ang pinto.Lintek talaga yung mga yun.

“BAKIT KA NANDITO?!"napatingin ako sa bandang kama at nakita ko si War-Freak na mukhang kakagising lang.

Lumapit ako sa kanya at napaatras sya hanggang sa head board ng kama.Napahigpit pa ang hawak nya sa kumot.

“H-huwag kang lumapit sakin!!!"

Ano ba iniisip nito?Re-rape-in ko sya?!!In her dreams.Hindi exotic ang taste ko sa babae.

“Iniisip mo bang ire-rape kita?Wala namang parte sayo ang mare-rape eh."

“Fvck you!!"pinagbabato nya ako ng unan kaya umilag lang ako ng umilag.Assuming rin ang isang to eh.

Nang matapos na nya akong batuhin ay naupo ako sa isang couch.

“May yakult ka ba?"

“Bakit ka ba nandito?!"hindi nya sinagot ang tanong ko.Bastos rin to.

“Tatambay lang.Do you have yakult?"tanong ko ulit.

“Huwaw!Kailan pa naging tambayan ang kwarto ko?And anyway,hindi ako supplier ng yakult kaya wala akong yakult."

“Nang simula ng sinabi ko."

“Lumayas ka nga sa kwarto ko!"

“Paano ako lalabas eh nakasarado ang pinto?!"

“Tumalon ka sa bintana."

“Ako ba ginag*go mo?!Kung gusto mo ikaw mauna para mauna ka ring mamatay."

Nanahimik na lang sya at binuksan ang TV.

“Wala ka bang balak sabihin?"napakunot ang noo ko sa sinabi nya.

“What?"

“Sabi ko wala ka bang balak sabihin?"

“Ano ba dapat sasabihin ko?"

“The word ‘sorry' pero sa mga taong katulad nyo hindi naman uso ang sorry eh."

“Wala talaga yan sa lahi namin.Tch!"

“Dinamay mo pa buong lahi nyo.Eh bakit si G.Pops?Mabait naman sya.Siya naman lagi nyong kasama,bakit hindi nyo man lang nakuha ang ugali nya?"

Si G.Pops ay ang lolo naming magpipinsan.Ayaw nyang tinatawag syang Lolo Pops dahil nagmumukha daw syang matanda eh matanda na naman sya talaga.Tch!Kaya ang tawag namin sa kanya ay G.Pops.Grandpa Pops.

“Eh bakit ikaw?Lagi mo rin namang kasama si G.Pops ah?Di naman nanakit si G.Pops.Eh bakit ikaw?"napangisi ako ng makita kong inis na inis na sya.

“Tawagan mo na nga yang mga ugok mong mga pinsan."

“Don't change the topic.May utang ka pa sakin.Nakita mo to?"tinuro ko yung sugat ko sa mukha na gawa ng pagsuntok nya sakin kanina.Parang bakal ang kamao ng babaeng to.Sakit ng suntok nya!

“Kailangan mo tong bayaran."

“Aba,kayo pa nga may kasalanan sakin eh.Pinahiya nyo ako sa buong campus."

“Ah ganun ba?Gusto mo bang ikalat ko sa school na sa iisang bahay lang tayo nakatira?Tapos sasabihin ko na magka-live in tayo!"

“Fvck you.Live-in,live in ka pang nalalaman eh hindi nga tayo close."tinaasan ko sya ng kilay.Mukhang gusto nya yatang sabihin ko sa school to

“Paano ba ako makakabayad sayo?"napangisi ako sa sinabi nya.

“Be my slave,Jerish"

Living with these Five Hot Jerks [Book 1 - UNDER REVISION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon