6 | Week 3: 3.1 Basic Knife Fighting Techniques/Knife Hand Strike

14 7 0
                                    

Natahimik silang lahat sa sinabing 'yon ni Fujiero, lalung-lalo na si Oishi na sinugod pa nang suntok kanina si Zaimira. Sakto namang 'yon na ang Principal's Office kaya binuksan na ni Fujiero ang pinto at pumasok na sila, pero pinaiwan naman ni Fujiero si Miako sa labas dahil hindi naman ito kasali sa gulo.

Habang kinakausap sila isa-isa sa loob ng school principal ay dumating na rin sina Ashine, Sheichiro at Yawne, subalit tanging si Yawne lang ang pumasok sa Principal's Office at naiwan ang dalawa sa labas kasama si Miako.

"Anong nangyari?" tanong ni Ashine kay Miako.

Ikinuwento naman ni Miako ang kaniyang nasaksihan pero hindi n'ya nasabi ang pinagmulan ng away.

"Si Zaimira kamusta s'ya? Hindi ba s'ya nasaktan?" tanong ni Sheichiro at halata ang pag-aalala sa boses nito.

"Hindi 'no! Sa bilis at lakas n'yang 'yon, imposible! Nagawa n'ya pa ngang sirain ang isang upuan para mailigtas lang si Wakato," sagot ni Miako.

"Talaga? Nagawa nya 'yon?" gulat na tanong ng dalawa sa kaniya.

"Oo, nakakatawa ngang isipin, babae pa ang nagligtas sa lalaki," sagot nito at tumawa pa.

Sa puntong 'yon ay nakumpirma na ni Ashine na may gusto nga si
Zaimira sa kaniyang kapatid, pero hindi n'ya na lang tinanong pa si Miako dahil naisip niyang baka nahihiya silang sabihin ang tungkol dito sa kaniya, sapagkat
kapatid n'ya si Wakato.

"Eh ang kapatid ko, kamusta?" tanong niya kay Miako.

"Ayon may ilang pasa tulad ni Mitsuzaki, pero okay naman sila. Dumating naman sina Yawne at Fujiero matapos matigilan ang lahat sa ginawa ni Zaimira."

"First day of class na-principal din sila, pangatlong linggo pa lang ito naulit na naman," inis na sabi ni Ashine.

"Masanay ka na, ganiyan na sila mula pa no'ng Junior High. Kapag nasangkot sa gulo ang isa, to the rescue naman ang isa."

"Laki pala talaga sa basag-ulo ang kapatid ko," nakangising wika ni Sheichiro.

"Ano naman kaya ang pinagmulan n'yan?" tanong ni Ashine.

"Hindi ko alam, tanungin mo na lang s'ya mamaya."

Matapos naman ang halos 20 minutes na pag-uusap sa loob ay nagkasundo na rin sila.

"Mabuti at nagkasundo na kayo. Umaasa akong hindi na mauulit pa ang ganitong gulo, lalung-lalo na kayong dalawa, Mr. Makihara at Mr. Nagi. Ayoko nang makita ang pagmumukha ninyo dito sa loob ng aking opisina dahil sa pangatlong beses na mapunta pa kayo rito, ay asahan n'yong ipapatawag ko na ang mga magulang ninyo. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tiningnan nito ang dalawa.

"Opo, Principal Shedihara," sagot naman nina Mitsuzaki at Wakato.

"Kayo naman, Mr. Tachebana, Mr. Aragaki, Mr. Makoto, at Mr. Yamagatana. . ." Ang apat na nakaaway nina Wakato, "Sana ay hindi ko na rin kayo makita rito sa opisina ko, kahit pa unang beses n'yo pa lang ito dahil hindi maganda kung parati kayong may record sa'kin."

"Yes, Principal," sagot naman ng apat.

"At ikaw naman, Miss Azikawa, kababae mong tao nakikisali ka sa gulo ng mga kalalakihan. Kahit na marunong ka ng martial arts, iba pa rin ang away ng mga lalaki sa babae. Hinayaan mo na sana na itong Ate mo at si Mr. Ichikawa ang umawat sa gulo," pangaral niya naman kay Zaimira.

"Hindi ko na kasi sila mahihintay, Mr. Principal. Kung nahuli pa ako roon ng ilang minuto ay baka nadala pa itong si Wakato sa ospital," paliwanag niya.

Volume 2: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon