9 | Week 3: 3.2 Insinuation 1
Sheichiro at multimedia.
•••Samantala, nagsibalikan na rin ang mga estudyante sa kani-kanilang room. Ang mga classmate naman ni Zaimira ay nagsi-upo na, pero may mangilan-ngilan pa ring tumabi sa kanyang upuan para magkipagkwentuhan tungkol sa nangyari. Maging ang bestfriend ni Zaimira na si Miako ay tumabi rin sa kanya para makipagkwentuhan na para bang nakalimutan na ang pinag-awayan nila kahapon.
"Kainggit ka, Zaimira! P'wede ba akin na lang ‘yang bulaklak na binigay sa’yo ni Sheichiro?" biro ni Eiya sa kaniya.
"Hindi naman ‘ata tama ‘yon?" kunot-noong sagot nito sa kaklase.
"Ano ka ba biro ko lang ‘yon."
"Gosh! Hindi ako makapaniwala na gagawin ‘yon ni Sheichiro sa’yo friend! Nakakakilig, hindi ko man nakita ang buong pangyayari ay alam kong malaking trending ‘yan ngayon dito sa Aeoua High," tuwang-tuwa na saad ni Miako at kinuha pa ang bulaklak upang amuyin.
"Mismo! Sinabi mo pa, Miako. Kanina nga pakaalis mismo ni Sheichiro may nakita akong nag-upload agad sa fan page niya para sa pangyayaring ito," sabat naman ng isa.
Napabuntong hininga na lang si Zaimira at napangalumbaba sa realisasyong s’ya ang laman ng usapan ng lahat ngayong araw.
"Anong pakiramdam mo ngayon Zaimira na lantarang ligawan ng isang gwapo, cool at genius na si Sheichiro Makihara sa harap ng buong klase? I mean parang buong section na pala ng 1st year?" kilig na kilig na sambit ni Mizaki. Tila kumikislap pa ang kaniyang mga mata habang nakatingin sa kaklase.
Tinignan lang ni Zaimira si Mizaki at walang kahit na anumang sinabi. Ramdam n’ya pa rin ang lakas ng kabog ng kanyang dibdib na hindi nawala, at hindi man lang nabawasan kahit kaunti mula pa kanina.
Nagpaulit-ulit pa rin sa kaniyang isipan ang nangyari, lalo pa nang naglalakad papalapit sa kaniya si Sheichiro at nakangiti ito na para bang isang anghel na bamaba sa lupa na may hawak pang bulaklak na para lang sa kaniya.
Kinakabahan s’ya na nahihiya at palihim na napapangiti. Bagay na ni minsan hindi n’ya pa nararamdaman kahit kaninong lalaki.
"Shock pa s’ya sa nangyari, Mizaki," nakangiti namang sabi ni Eiya sa kaklase.
"Mukha nga pero…"
Hindi namalayan ni Zaimira na napangiti na pala talaga s’ya at nakita ‘yon ng mga classmate n’yang kausap maging si Miako.
"Uy, kinikilig s’ya," panunukso naman ng isa nang mapansin siya at biglang sumimangot si Zaimira.
"Hindi ah. Maupo na nga kayo, parating na ‘yon si teacher Yamamoto," kaila niya sa mga kaklase.
"Naku, friend, huwag ka ng mag-deny, kitang-kita sa’yo," pang-aasar naman ni Miako sa kaniya.
"Tss! Tigilan mo nga ako, Miako. Hindi pa tayo bati baka nakakalimutan mo."
"Grabe naman. Akala ko nakalimutan mo na? Bati na tayo, please?" paki-usap nito.
"Ayoko nga."
Bago pa sumagot si Miako ay dumating na ang kanilang guro. "Okay class take your sit," sabi nito sa buong klase.
Sinunod naman ‘yon ng lahat na estudyante at nagsimula na ang klase sa lahat ng section sa buong Aeoua High.
Katulad ng inaasahan, agad na kumalat ang pagbibigay ng bulaklak ni Sheichiro sa freshman na si Zaimira Azikawa at maraming kababaihan ang nainggit sa kanya. Ang dami tuloy na-curious kung sino ba si Zaimira para bigyan ni Sheichiro ng bulaklak na gano’n at yayain na kumain ng sabay.
BINABASA MO ANG
Volume 2: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
AzioneThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Composed of 41 Weeks Setting: Japan, Aeoua Senior High School Genre: Action-Love Story, Teen Fiction, Fan Fiction, & Fantasy, Manga Serye, School •...