10 | Week 3: 3.2 Insinuation 2

11 1 0
                                    

Walang pakundangang sagot ni Fujiero at agad silang nagtungo sa mesa ng dalawa. Pumayag s’ya sa alok ni Yawne dahil gusto n’yang malaman kung bakit magkasama sina Sheichiro at Zaimira at kung bakit may dala pang bulaklak ang dalaga.


Sa kabilang mesa naman ay nandoon sina Miako, Mitsuzaki at Wakato nag-uusap habang nag-iisip ng bibilhin na pagkain.


“Ngayon magkakaalaman na kung talagang may gusto nga si Fujiero kay Zaimira o wala,” wika ni Mitsuzaki.

“Tama ka sa sinabi mo,” pagsang-ayon naman ni Wakato. “Ano kayang mangyayari?” dugtong a nito.

“Malamang matinding asaran ‘yan sa pagitan nina Sheichiro at Fujiero.”

“KaPag nagkataon, malaking kompetisyon ang mangyayari,” ani ni Wkato..

“Talagang kaabang-aban,” sagot niya naman.

“Nakaka-excite ‘tong pakinggan,” nakangiting saad ni Miako bago niya inutusan ang boyfriend na bumili ng pagkain nila.

“Samahan mo ako Wakato,” yaya ni Mitsuzaki sa kaibigan.

“Isali mo na rin si Ashine, parating na ‘yon,” pahabol pa ni Miako at um-okay naman si Mitsuzaki.




Gano’n din ang laman ng isipan ng mga estudyanteng naroon, dahil kahit wala pa silang ideya sa nararamdaman ni Fujiero para kay Zaimira, alam nilang basta magsama ang dalawa ay panay pataasan ng pride ang nangyayari at walang sinuman ang gustong magparaya o magpakumbaba.



Hindi nagatagal ay dumating na rin si Ashine sa pinakamalaking canteen at nagtaka s’ya nang makita n’yang magkakasama sa iisang mesa sina Fujiero, Yawne, Sheichiro at Zaimira, bagay na ngayon lang mangyayari. Nilapitan n’ya agad si Miako sa katabing mesa at sabay nilang hinitay ang pagdating nina Mitsuzaki at Wakato na may dalang mga pagkain. Pagka-upo na pagka-upo pa lang ng dalawa ay agad nagsalita si Ashine.




“Himala ‘ata, anong nangyari at hindi mo kasama ang hambog mong kaibigan?” tanong ni Ashine sa kapatid na si Wakato.

“Kumain ka na nga lang ate,” sagot nito at napansin naman ni Ashine ang bulaklak na hawak ni Zaimira.

“Kanino galing ‘yang bulaklak ni Zaimira?” agaran niyang tanong sa mga kasama.

“Kay Sheichiro,” sagot ni Miako.




Sa kabilang mesa naman, magkatabing nakaupo sina Zaimira at Sheichiro. Sa tapat ni Zaimira ang kanyang ate na si Yawne na katabi naman si Fujiero kaya magkaharap ang dalawang lalaki sa upuan. Kahit walang salitang sinasabi sa pagitan nina Fujiero at Sheichiro ay kitang-kita mo sa kanilang mata na naghahamunan.




“Ako na lang ang bibili ng pakain,” pagpresinta ni Fujiero.

“Sige, alam mo naman na ang gusto ko,” sagot ni Yawne.

“Sa’yo Zaimira?” tanong niya sa dalaga.

“Katulad na lang kay ate.”

“Kunin mo na rin ako, kahit ano pwede. Ako na rin ang magbabayad,” mayabang na utos naman ni Sheichiro.

“Sige.” ‘Lason gusto mo?’ Napangiti na lang s’ya sa kaniyang naisip.




Pumunta si Fujiero sa may ino-order-an ng mga pagkain at maraming naka-display doon, mahigit dalawang dosenang main dish at maging dessert. Napangiti si Fujiero habang tinitignan isa-isa ang bawat pagkain, animo’y may iniisip s’yang hindi kanais-nais. Kumuha s’ya ng tray at inisa-isa ang mga pagkaing inoorder n’ya. Makalipas ang halos 10 minutes ay nandoon pa rin si Fujiero at inip na inip na ang tatlo.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 26, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Volume 2: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon