1 | Prologue

41 11 0
                                    

ZAIMIRA AZIKAWA POV

Namulat ako sa mundo ng karate. Simula pagkabata, mga espada at iba't ibang sandata na ang mga nilalaro ko. Subalit kung gaano karami ang nalalaman ko sa martial arts, ganoon din pala kakaunti ang alam ko tungkol sa pinagmulan ng aking angkan. Ang lihim ay pingpasa-pasahan nila sa loob ng isang libong taon. At sa paghahanap namin ng kasagutan sa lahat, nakilala ko ang taong mamahalin ko at ang lalaking magmamahal sa'kin ng lubusan.

Puso ang pinairal ko nang mamili ako sa kanila, subalit sadyang mapaglaro talaga ang kapalaran, dahil may mga tao na kahit gaano mo pa kamahal ay kailangan mong kalimutan. May mga desisyon na kailangan mong gawin kahit ikaw ang mahihirapan, at may mga pagkakataon na kapag ginawa mo ang tama, ikaw ang masasaktan. Ngunit sadyang mapalad pa rin ako, dahil sa ikalawang pagkakataon ay papipiliin ulit ako ng tadhana kung sino sa kanila ang gusto kong makatuluyan!

Hanggang sa huli siya pa rin ba o sa paglipas ng taon magbabago pa ang aking pasya?

YAWNE AZIKAWA POV

Maraming araw na ang lumipas mula nang tayo'y magkahiwalay. Pero hanggang ngayon, buhay na buhay pa rin sa'kin ang mga ala-ala ng ating nakaraan. Pati na ang pait ng ating paghihiwalay. Hanggang ngayon hindi pa rin maiwaglit sa isipan ko, kung posible pa bang magkabalikan tayo ulit. Kapag ba p'wede na ang mali at tama na ang hindi? Kapag hindi na ba komplikado ang sitwasyon? Kapag wala na bang masasaktan pang iba at hahadlang sa ating dalawa?

Masakit mang amining hindi na ako parte pa ng buhay mo ngayon, pero patuloy pa rin akong umaasa at naghihintay na balang araw, mababago ko ang lahat ng nakatakda at ibibigay ka sa'kin ng tadhana.

MICHIKO YAMAGUCHI POV

Lumaki ako sa angkan ng mga sanggano. Kilala at pinangingilagan ang pamilya ko sa buong Japan. Mula pagkabata walang gustong makipagkaibigan sa'kin. Lahat sila natatakot. Lahat umiiwas. Hanggang sa paglaki ko, ganoon lagi ang nangyayari. Hanggang sa mapasali ako sa isang gang at doon ko nakilala ang mga taong p'wede kong pagkatiwalaan pati na ang mga taong kayang pumatay sa akin.

Hindi nagtagal nakilala ko ran ang siyang pinakaespesyal sa lahat, ang lalaking mamahalin ako at tanggap ang buo kong pagkatao. Minabuti kong itulak siya palayo dahil sa panganib na kakambal na ng buhay na meron ako, pero mas pinili niyang manatili kahit humadlang pa ang mga magulang niya sa aming relasyon. Subalit hindi ko pala siya kayang protektahan hanggang sa huli. Namatay siya at halos madurog ang puso ko sa galit. Trinaydor ko maging ang mga tunay kong kaibigan sa ngalan ng paghihiganti, pero nabigo pa rin ako kaya pinili kong lumayo.

At sa pagbabalik ko, muli akong nakadama ng pagmamahal, at ang masaklap pa, sa taong mismong pumatay sa dati kong kasintahan. Kaya bang ihilom ng pagmamahal lahat ng sugat na siya mismo sa'kin ang nagbigay? O isang pagpapanggap lang ang lahat para mapatay ako ng mundong ginagalawan niya. Dapat pa rin bang manatili ang paghihiganti at galit sa aking puso o patawarin siya sa ngalan ng pag-ibig?

KHEEYAN OKAZAMI POV

Sinasabi nila na perpekto na raw ang mundong ginglwan ko. Maganda ako, matalino at maraming humhanga sa'kin saan man ako magpunta. Pero higit sa lahat, mayaman ang pamilyang kinalakihan ko. Nabibili ko ang mga bagay na naisin ko at nakakapunta ako saang bansa ko man gusto. Malaya akong magdesisyon para sa sarili ko, pero kasabay din nito, malaya akong magmahal, masaktan at magkamali.

At sa bawat pagkakamaling nagagawa ko, lalo lang nadaragdagan ng mas marami pang pagkakamali kapag inaayos ko ang lahat. Maraming tao akong nasaktan pero hindi nila alam na minsan din akong namlimos ng atensyon at pagmamahal, maging sa sarili kong pamilya. At ang malaperpektong mundong ginagalawan ko ngayon ay isa lamang pagbabalat-kayo. May pag-asa pa ba kayang mahanap ko ang tunay na kaligayahan?

Volume 2: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana SeriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon