Masayang-masaya naman si Fujiero dahil kahit papano ay napasaya n'ya ang babaeng gusto niya. Ngunit gusto n'ya pa ring malaman ang totoong dahilan kung bakit ito umiyak kanina. Pagdating naman ni Fujiero sa kanilang room ay agad s'yang sinita ni Yawne.
"Saan ka galing?" sa tono n'ya ay para s'yang girlfriend na naninita sa kasintahan.
"D'yan lang," maikling paliwanag nito.
"Sayang, Fuji, 'di ka sumabay sa'min, marami pa namang niluto si Yawne, at karamihan 'yong paborito mo pa tulad ng sushi, teriyaki, Sukiyaki at Umi-budo," pang-iinggit naman ni Yunjiro sa kaibigan.
"Okay lang 'yan, p'wede ko pa namang matikman ulit ang luto ni Yawne," masaya nitong sagit na ipinagtaka naman ng dalawa 'pagkat alam nilang gustung-gusto nito ang luto ni Yawne sa mga binanggit ni Yunjiro na pagkain.
"Hoy, Yawne, balita namin may pinaiyak ka na namang isang manliligaw," sabat ni Ryota sa kanila.
Nagulat naman si Yawne sa sinabi ni Ryota maging sina Fujiero at Yunjiro ay gano'n din.
"Anong-"
"Kalat na kaya, tignan mo pa sa account ni Kisuki," putol ni Ryota sa sinasabi sana ni Yawne.
"Ang babae talagang 'yan!" gigil na wika naman nito
Galit na galit siyang nag-search sa internet gamit ang cellphone, maging si Yunjiro ay nag-search din, pero si Fujiero ay parang wala lang.
"Kawawang Wakato, pati s'ya nabiktima ni Kisuki," wika ni Yunjiro sa kaniyang kinauupuan matapos mapanood ang video.
"Kaya pala hindi s'ya pumayag na sumali sa Enforcement Team dahil sa'yo, pero mukhang mawawalan ng saysay ang pagsali n'ya nang dahil sa nangyari," nakangiting sagot naman ni Ryota.
"Hindi mawawalan ng saysay ang pagsali nya sa Karate Club dahil alam ko na sa kalaunan ay magugustuhan niya ring maging miyembro nito, kahit pa alam n'yang wala na siyang pag-asa pa sa'kin," sagot ni Yawne.
"Bakit hindi mo siya binigyan ng chance, Yawne? Dahil ba hanggang ngayon ay hindi ka pa naka-move-on sa nakaraan?" sabat naman ni Asano, isang kaibigan ni Ryota.
Nag-iba naman ang timpla ni Yawne sa sinabi ng dalawang taga-Enforcement Team at masama niya itong tinignan.
"Matagal ng tapos ang bagay na 'yan, at matagal ko na ring binaon sa limot ang nakaraan," sabi niya sa dalawa.
"Okay, sabi mo eh. Bantayan mo na lang si Wakato, baka may mangyari na hindi mo magustuhan," kibit-balikat sagot nto kay Yawne. Bagay na ipinagtaka naman ng dalaga.
"May binabalak ba kayo?"
"Wala naman, pero hindi maiiwasang mapaaway ang isang 'yon dahil sa nangyari, lalo pa kung mapagtripan ng mga dati niyang kaaway noong nasa Junior High pa siya. Gaya na lang noong mga nakaaway nila sa unang araw ng pasukan," sagot ni Asano.
"Asan ba ang Kisuki na 'yan?" aboridong tanong ni Yawne kay Yunjiro.
"Darating din 'yon."
Samantala, kahihiwalay lang din ng magkakasamang Sheichiro, Mitsuzaki, Miako at Wakato. Si Sheichiro ay nagtungo sa building ng mga 3rd year, at ang naiwang tatlo naman ay papunta sa building ng mga 1st year. Habang naglalakad ay kitang-kita sa mukha ni Wakato ang pag-aalala nang makaalis na si Sheichiro.
"Naku p're, ang gulo na ng sitwasyon!" saad ni Mitsuzaki kay Wakato.
"Naiisip mo rin pala ang naiisip ko?"
"Malamang!"
"Dumagdag pa kasi si Sheichiro," sabat naman ni Miako sa dalawa.
"Sino ba naman kasi ang mag-aakala na liligawan pala ni Sheichiro si Zaimira, na type ka at ikaw naman ay type ang Ate n'yang si Yawne," sagot ni Mitsuzaki sa kanila.
BINABASA MO ANG
Volume 2: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
AksiThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Composed of 41 Weeks Setting: Japan, Aeoua Senior High School Genre: Action-Love Story, Teen Fiction, Fan Fiction, & Fantasy, Manga Serye, School •...