Mag-isang lumabas ng Training House si Zaimira. Si Ashine naman ay lumapit kay Miako at sabay naglakad palabas.
"Nakakapagod, pero excited na ako para bukas," masiglang wika ni Ashine.
"Ako rin. Mukhang napakarami ng dapat nating pag-aralan para maging member ng club," sagot naman ni Miako.
"Oo nga eh, pati nga paglalangoy nabanggit ni Master last week."
"Madali lang namang lumangoy eh. Pinag-aralan na natin 'yan no'ng primary tayo."
Kasama kasi sa curriculum sa Japan na dapat lahat ng estudyante ay kailangang matutong lumangoy bago mag-graduate ng elementary o primary level. Kaya walang sinuman sa kanila ang nakakatuntong sa High school na hindi pa marunong lumangoy, maliban na nga lang kay Ashine.
"Kasi Miako. . . hindi ako marunong lumangoy kaya kinakabahan akong baka hindi makapasa sa lahat ng training," malungkot na saad ni Ashine.
"Ha? Pa'nong nangyari 'yon? Eh kasama 'yon sa curriculum natin no'ng primary? Hindi ka ba nag primary dito sa Japan?"
"Dito ako nag-aral ng primary kaso nagkaroon ako ng ear infection no'ng bata pa ako kaya pinagbawalan ako ng doctor sumisid o lumubog ng ulo sa tubig dahil lalong lalala 'yon."
"Gano'n ba? Patay! Pa'no ka ngayon n'yan? Gumaling ka naman na siguro, 'di ba?"
"Siguro, sa ngayon okay na ako kaso natatakot akong bumalik ulit '
'yon. Kapag nakaranas kasi ng matinding pressure ang tenga ko posibleng maulit 'yon.""Ano ngayon ang plano mo?"
"Mag-aaral pa rin akong lumangoy. Ayokong matanggal sa club dahil lang dito, kaso hindi naman ako p'wedeng mag-hire ng private instructor para turuan ako ng swimming sa bahay, kasi magagalit si Mommy kapag nalaman n'yang gagawin ko 'yon."
"So? Saan ka naman magpapaturo aber kung hindi sa bahay n'yo? Alam naman nating hatid sundo kayo ng driver n'yo at sa oras na dumaan ka pa kung saan-saan d'yan bago umuwi, eh malamang na malalaman 'yon ng Mommy mo."
"Kaya nga eh. Kung meron lang sanang magtuturo sa'kin after club activity dito sa Aeoua para hindi na malaman ni Mommy ang gagawin ko," namomorblemang tugon ni Ashine.
"Hmm. . . p'wede nga, eh sino naman kaya? P'wede kaya ang coach sa swimming club?" tanong ni Miako.
"Si Teacher Nishida? Mukhang imposible 'ata 'yan! Pinuntahan ko na siya sa bahay nila kahapon pero busy daw s'ya. Sa iba na lang daw ako magpaturo."
"Gano'n? Sino naman kaya ang pwede?"
Pareho silang napaisip habang naglalakad papalabas ng campus, at mula sa malayo ay tanaw na tanaw na nila si Mitsuzaki sa may gate na naghihintay sa kanila kasama sina Wakato at Sheichiro.
"Alam ko na!" masiglang saad ni Miako na tila nagningning pa ang mga mata.
"Sino?"
"Walang iba kun'di ang boyfriend ko! Si Mitsuzaki!"
Napatingin si Ashine kay Mitsuzaki na nasa 'di kalayuan sa kanila nang sabihin 'yon ni Miako.
Sa may gate naman ay nandoon ang tatlong lalaki na magkakaibigan.
"Kamusta ang club activity? Ang tagal n'yo ah, halos one hour ang extension n'yo ngayong araw," puna ni Mitsuzaki.
"Astig, p''re! Marami kaming natutunan ngayon, mga knife fighting techniques!" sabi ni Wakato.
BINABASA MO ANG
Volume 2: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
ActionThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Composed of 41 Weeks Setting: Japan, Aeoua Senior High School Genre: Action-Love Story, Teen Fiction, Fan Fiction, & Fantasy, Manga Serye, School •...