Wakato at multimedia
•••Panibagong Lunes sa lahat ng estudyante. Panibagong pagsubok para sa mga natitira pa sa Karate Club. Bagamat kasisimula pa lang ng training o elimination sa Karate Club ay marami na ring natanggal sa mga trainee. Kung sa ibang club ay basta't nagpalista ka ay agad ka ng kasali, iba ang sa Karate Club. Sa loob ng dalawang buwang pag-eensayo at eliminasyon ay saka pa lamang makikilala at matatawag na lehitimong myembro ng Karate Club. Kaya gano'n na lang ang panghihinayang ng karamihan na sumubok na malampasan ang bawat training pero bumagsak din sa huli. Sila ang nagsisilbing patunay kung gaano kahirap ang bawat training na pagdaraanan ng mga trainee. Kung ano man ang dahilan sa likod no'n ay tanging ang lehitimong myembro lang ng Karate Club ang may karapatang makaalam.
5am.. (Lunes)
Maagang umalis si Wakato sa kanilang bahay. Ni hindi n'ya na nagawa pa'ng magpaalam sa kanyang ina at kapatid na sabay kumakain ng almusal. Dali-dali s'yang pumunta sa isang flower shop at namili ng bulaklak na ibibigay n'ya sa babaeng gusto n'yang ligawan.
Dumating s'ya sa Aeoua High ng bandang 6:45am. Iilan pa lamang ang estudyanteng nandoon kaya walang nakakita sa kanyang pumasok siya sa locker room ng mga 3rd year para ilagay ang isang bouquet ng Equadorian Rose sa locker ni Yawne. Nag-iwan pa siya ng note para sa dalaga.
Matapos no'n ay bumalik s'ya agad sa may corridor kung saan tumambay s'ya sa likod ng isang poste para abangan si Yawne na pumasok at makita kung ano ba ang magiging reaksyon ng dalaga kapag nakita ito. Ilang sandali pa'y dumating na si Mitsuzaki sa Aeoua at mula sa malayo ay tanaw na tanaw nya na ang kaibigan na nakaupo sa may hagdan papasok sa building ng mga 3rd year. Agad n'yang nilapitan ang kaibigan at naupo sa tabi nito.
"Oh p're napaaga ka 'ata ngayon. Anong meron?" Tanong ni Mitsuzaki sa kaibigan.
"Bakit ikaw maaga ka rin naman ngayon, 'di ba?" Pabalang na sagot ni Wakato sa kanya.
"Paminsan-minsan lang naman. Teka ano pa bang hinihintay mo dito at hindi ka pa dumiretso sa room natin?" Pag-iiba niya sa usapan.
"Kasi... Ganito kasi 'yon..." Napakamot pa si Wakato ng kanyang ulo saka bumulong. "Pa'no ko ba 'to sisimulan?"
Napabuntong-hininga pa siya at napansin ni Mitsuzaki na tila ba pinagpapawisan nang malamig ang kaibigan, samantalang mahangin naman ang kapaligiran.
"Okay ka lang p're?"
"Kinakabahan kasi ako." Sabi nito habang palinga-linga sa paligid na parang may inaabangan.
"Kinakabahan? Saan?" Takang tanong ni Mitsuzaki sa kanya.
"Naglagay kasi ako ng bulaklak sa locker ni Yawne."
"Oh tapos?"
"Baka kasi hindi makita ni Yawne o baka hindi n'ya magustuhan o kaya baka makuha ng iba." Puno pa ng pag-aalala sa boses niya.
BINABASA MO ANG
Volume 2: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
AksiyonThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Composed of 41 Weeks Setting: Japan, Aeoua Senior High School Genre: Action-Love Story, Teen Fiction, Fan Fiction, & Fantasy, Manga Serye, School •...