Sa room 3-A naman...In-upload na agad ni Kisuki ang video nina Yawne at Wakato sa kanyang account, at gano'n na lang ang inggit at inis ng ilan sa mga nakakita nito agad sa internet.
Pagdating naman ni Yawne sa kanilang classroom ay gano'n na lang ang kanyang pagtataka nang makita niya ang bulaklak na ibinibigay sa kanya ni Wakato kanina. Ngunit hindi niya na lang pinahalata ang kanyang naging reaksyon at dumiretso na lang s'ya sa kanyang upuan.
Tahimik lang si Fujiero habang nagbabasa ng libro nang pumasok ang kanilang guro. Agad na tumahimik ang lahat at pumunta sa kani-kanilang mga upuan.
"Good morning class! I am glad to introduce your new classmate, Anika Walter," pakilala ng kanilang guro sa bagong dating, saka pumasok si Anika sa room at humarap sa buong klase.
"Good morning everyone!" masiglang bati nito sabay yuko. "My name is Anika Walter. Nika for short but you can call me Anika if you want."
ANIKA WALTER isang estudyanteng galing England na british accent magsalita. Hindi siya gano'n katangkad pero madali niyang naa-agaw ang atensyon ng kahit na sinuman dahil sa angkin niyang ganda. Sa sobrang puti niya ay halos namumula na ng kusa ang kanyang pisngi dahil lang sa init ng panahon. Matangos ang kanyang ilong at maganda ang kanyang mga mata na binagayn pa ng medyo makapal niyang kilay. Sa unang tingin pa lang ay makikita mo na sa kanya ang pagiging palaban at mukhang palakaibigan.Iginala niya pa ang kanyang paningin sa buong classroom at sa mga bagong kaklase. Pero isang pamilyar na mukha ang nakaagaw ng kanyang pansin at mariin niya itong tinitigan kahit hindi naman nakatingin sa kanya dahil nagbabasa pa rin ito ng libro na tila ba walang pakialam sa kapaligiran..
"Do you have a Japanese Blood?" tanong ng isang estudyante.
"Yeah! My grandmother is a pure Japanese who married a British guy," sagot niya rito.
Napatango na lang si Ayako sa sinabi ni Anika.
"Uy Fujiero mamaya ka na muna magbasa d'yan, tingan mo muna 'tong bago nating classmate. Maganda s'ya," bulong ni Yunjiro kay Fujiero na patuloy pa rin sa pagbabasa.
"Hindi ako interesado, Yunjiro. Makikita ko rin naman s'ya araw-araw," sagit nito.
"Tiningnan ka n'ya ng kakaiba kanina pero mabilis niya ring binawi," sabat naman ni Yawne.
"Talaga? Ba't hindi ko 'ata napansin 'yon?" takang tanong ni Yunjiro sa kaibigan.
Sa sinabing 'yon ni Yawne ay naging interesado na si Fujiero sa bago nilang classmate kaya sinara na n'ya ang librong binabasa at tinignan ang babaeng nagpakilala sa unahan. Gano'n na lang ang pagkagulat n'ya nang makita ito at mamukhaan. Nag flashback tuloy sa kanya ang nangyari noong isang araw...
Pagdating sa kalye kung saan naroon ang mansyon ni Fujiero ay nakita nilang may dalawang truck na nakahilera sa gawing kanan ng lane. Abala rin ang karamihan sa paghahakot ng gamit mula sa truck. Mukhang may bagong lipat 'ata sa katapat ng bahay ni Fujiero. Dirediretso lang si Fujiero sa pagdadrive sa kaliwang lane, total hindi naman nakaharang sa kanyang daan ang truck at nasa gawing kaliwa rin ang kanyang bahay. Ngunit nang matapat na si Fujiero sa truck ay bigla na lang na tumawid ang isang aso, isang cute na puting maltese. Mabilis ang pagmamaneho ni Fujiero lalo pa't kanina pa siya bad trip kaya kahit napansin niya pa ang tumawid na aso at nakapagpreno siya ay nasagasaan niya pa rin ito at nagulungan ang buong katawan ng kawawang aso.
BINABASA MO ANG
Volume 2: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
ActionThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Composed of 41 Weeks Setting: Japan, Aeoua Senior High School Genre: Action-Love Story, Teen Fiction, Fan Fiction, & Fantasy, Manga Serye, School •...