8| Week 3: 3.2 Compensate 1
•••Kinabukasan, MARTES...
Nagising si Wakato sa tunog ng kanyang alarm clock at napahawak pa s'ya sa kanyang ulo dahil naramdam n'yang sumakit ito. Tinignan n'ya ang wall clock sa kaniyang k'warto at nakita n'yang 6:30 am na.
"Asar! Gusto ko pang matulog," nagmamaktol niyang sabi.
Niyakap n'ya ulit ang kaniyang unan, ngunit napabalikwas s'ya bigla nang maalala n'ya ang motor na ibinigay sa kaniya ni Sheichiro.
"Totoo ba 'yon o panaginip lang? Agrh! Makabangon na nga!"
Dumiretso s'ya sa kaniyang banyo at naligo. Matapos magbihis ay dali-dali s'yang bumaba at pumunta ng garahe para tignan kung totoo bang binigyan s'ya ng motor ni Sheichiro. Nang makita n'ya nga ito ay agad siyang napangiti.
"Hindi nga panaginip ang lahat."
Binuksan ng hardinero nila ang gate ng kanilang bahay para padaanin si Wakato sakay ng bago n'yang motor, ngunit nang makita s'ya ni Ashine ay pinigilan s'ya nitong umalis.
"Teka sandal!" sabi ng kaniyang kapatid at lumapit ito sa kaniya.
"Bakit may sasabihin ka, Ate?" tanong niya.
"Saan galing 'yan?" Iyong motor ang tinutukoy. "At bakit hindi ka man lang kumain ng breakfast? Saan ka pupunta?" sunud-sunod na nitong tanong.
"Sa restaurant na lang ako kakain. Sige, Ate, aalis na ako," paalam nito.
"Pero hindi mo pa sinasagot ang tanong ko kung saan galing 'yang motor mo?" pag-uulit niya.
"D'yan lang."
"Anong d'yan lang? Saan galing ang perang pinambili mo n'yan? O baka kung saan-saan ka nangutang para makabili ng ganiyang motor?" pangungulit ni Ashine. Sa ugali niya talaga, paniguradong hindi niya titigilan ang isang tao malaman lang ang totoo.
"Hay naku, Ate, ang dami mo talagang tanong. Bigay sa'kin 'to ni Sheichiro, kaya mula sa araw na 'to, hindi na tayo magsasabay papasok at pauwi dahil may sarili na akong motor," tila nauubusan na siya ng pasensya sa pagsagot sa kapatid.
"Pero wala ka pa sa hustong gulang para magmaneho ng motor."
"Heto ang license ko." Ipinakita nito ang lisensya n'yang pinagawa ni Sheichiro kay Ashine. Laking gulat naman ni Ashine nang makita ito.
"Paano-"
"Huwag ka ng marami pang tanong, Ate, dahil hinding-hindi ako mahuhuli ng mga pulis. Legal ang mga documents ko, so p'wede na ba akong umalis?" kampante niyang sagot na tila nanalo sa sagutan nilang magkapatid. Ngumisi pa siya rito na talagang kinainis ng husto ni Ashine.
"Sige umalis ka na. Siguraduhin mo lang na hindi ka d'yan mapapahamak, dahil sa oras na malaman kong nadala ka sa presinto. . . bahala ka na sa buhay mo!" mataray nitong sabi.
"Yeah I know!" mayabang naman nitong sagot sa kapatid saka pinaarangkada ang kaniyang motor at umalis.
Inis na inis naman si Ashine sa mga kalokohan ng kanyang kapatid kaya napagdesisyunan n'yang isumbong na ito sa kanilang ina.
• • •
Katulad nga ng sinabi ni Wakato kanina, dumaan muna s'ya sa isang restaurant para kumain bago dumiretso sa Aeoua High. Sakto namang pagdating n'ya sa parking lot ay kararating lang din ni Mitsuzaki pero hindi nito kasama si Sheichiro.
"Ano, p're, kamusta 'yang bago mong motor? Okay ba?" tanong ni Mitsuzaki sa kaniya.
"Oo naman, p're, ang lakas ng makina n'ya. Salamat talaga, lalong-lalo na sa kapatid mo."
BINABASA MO ANG
Volume 2: Perfectly Entangled (Kanzen Ni Motsure): The Curse Of Katana Series
ActionThanks for the awesome book cover @ButiNalangTanga And the former book cover made by @DanJeriel ••• Composed of 41 Weeks Setting: Japan, Aeoua Senior High School Genre: Action-Love Story, Teen Fiction, Fan Fiction, & Fantasy, Manga Serye, School •...