Chapter 3: Kaya Naman Pala!

88 3 0
                                    

IAN’S POV

Nung party nila Ken sa bahay nila ay nakita ko si Geca na nakaupo magisa sa gilid kaya inaya ko nalang siyang sumayaw.

Nung iakap niya na ang mga kamay sa leeg ko ay bigla akong nakuryente at para bang ang sarap ng feeling kasi crush ko rin naman siya eh kaya siguro may nararamdaman akong kakaibang spark! :)

Nung tinanong ko siya kung may lovelife na siya ang sagot niya ay wala pero narinig ko may binulong siya na ikaw nalang lalalabs?!

Sino kaya yun?! Sana ako nalang yun! Pero ok lang kahit hindi ako yun kasi hindi ko naman siya ganun kagusto eh.

GECA’S POV

I’m still in shock kasi hanggang ngayon iniisip ko pa rin kung anu yung naisip ni lalabs nung tanungin niya sakin kung may love life na daw ba ako…

Sana ang nasa isip niya nun ay sana wala pa akong love life para siya nalang ang umupo sa pwesto na iyon sa puso ko!

Wag ka nga Geca! may iba yang mahal! Hay ewan!

Lalakadlakad nalang muna ako sa park…

Habang naglalakad ako ay nakasalubong ko si Ken….

“Oi ikaw pala yan Geca! kamusta ka na?!”  pambungad niya saakin

“Eto ok naman….. nakakainis hindi ako nakapasok ngayon eh PE. pa naman eh favorite ko yun eh!”

“Ah talaga? Nako kawawa ka naman :( hehe biro lang….. eh si Leslie kamusta naman siya?”

“Hoy! ikaw Ken! Magtapat ka nga sakin! Gusto mo ba yung best fwend ko?!”  nagtataka na talaga ako dito kay Ken ha!

“Ah…eh…kasi…ah…kasi…”

“Kasi anu?!” ayaw pa kasing sabihin eh!

“Ah!…. Aaminmin ko na…. 1st year palang tayo mahal ko na si Leslie…. Nagsimula kasi yun nuon…. Tinutukso ako ng mga kaibigan ko sa kanya dahil lagi ko siyang inaaway kaya ayun hanggang sa mahulog nalang ako sa kanya… oh! Ngaung alam mo na edi Masaya ka na?!” yun yon eh noh!

“Ayieee! Yay! Ikaw ah!!! May nililihim ka pa lang pagtingin sa BFF ko ha! Teka! Sa tingin mo ba magugutuhan ka nya dahil lagi mo syang inaaway?! Gusto mo ba tulungan kita?”

“Baka naman pumalpak ka ha?!”

Is he underestimating my skills?! Who the hell he think he is?!

“Minamaliit mo ba ang kakayanan ko?! Hayaan mo at next month lang eh kayo na!”

“Anu?! Next month pa?! ocgeh pero dapat magwork kasi mahal ko talaga siya eh…”

“Osha sige! Hoi! baka naman paiyakin mo lang un ha?! Wag na wag mong gagawin yun! uuwi muna ako at dun nalang ako sa bahay magbabasa…” paalam ko sa kanya

“Bye! Salamat Geca!”

Umuwi muna ako an nanuod ng tv para naman malibang ako at magbabasa din ako para updated naman ako sa mga lessons naming kahit absent ako!

 ************************************************************************************************************

Please leave a comment and please vote.... THANKS:))

Suffering Comes with a Price (on hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon