Chapter 2c

1K 17 0
                                    

Nakalabas na ko ng shop kung saan kami nagusap ni Julia. Nasa tapat na ako ng pinto pinikit ko muna sandali yung mga mata ko to clear my mind at nagbuntong hininga.

Pero pagbukas ko ng mga mata ko...

nakita ko yung sasakyan ni Sir Dylan sa tapat ng school... kasama nya si Kara at sumakay ito.

Napatakbo ako bigla para habulin at siguraduhing hindi ako nagkakamali sa nakita ko pero mabilis na umandar yung sasakyan nya.

Bakit...? bakit magkasama sila..?

Bakit nakasakay sya sa sasakyan ni Sir Dylan..?

It can’t be... Nagbago na ba ang isip nya at pinipili na nya si Kara at hindi na ako...?

Bakit ganito yung nararamdaman ko...?

Same feeling ng malaman kong may girlfriend na si Bryan...

ang sama nya...!

kung napaka simple lang pala ng nararamdaman nya sa akin...

...Why did he say he like me...?

Nasasaktan ako, sabihan nyo na akong OA. Pero hindi ko maipagkakailang nahuhulog na ang loob ko sa kanya. Oo! narealized ko na gusto ko na sya.

Ang sakit lang makitang magkasama sila. Ganon naman talaga di ba? nasasaktan ka kapag yung taong gusto mo ay may kasamang iba. Hindi ko man alam ang dahilan kung bakit sila magkasama.

Iniisip ko pa lang na hindi totoo yung nararamdaman nya para sa akin, nasasaktan ako. Hindi ko na alam, napaupo nalang ako sa gilid at pinupunasan ang mga pumapatak kong luha.

DYLAN’S POV

Magkasama kami ngayon ni Kara dahil gusto ko nga syang makausap para sabihing tigilan na nya si Kylie. Nalaman ko kasi sa mga estudyante na pumunta sya sa room nila Kylie at alam ko na ang dahilan kung bakit sya pumunta doon.

*silence*

Habang nagmamaneho ako wala pang umiimik sa aming dalawa nang marinig ko nalang syang magsalita.

“Anong yung gusto mong pagusapan Dylan?” tanong nya

“....can you stop it?”

“Huh...?”

“Quit telling her all those things about the past. She’s certainly not as beautiful or as intelligent as your sister because she’s the only girl I like to date.”

“Bakit sya at hindi ako...?! Ano bang nagustuhan mo sa kanya?! Huh?!”

*silence*

Nanatili lang akong tahimik hindi ko na  sinagot yung mga tanong nya. Ang gusto ko lang sabihin sa kanya na tigilan nya na si Kylie dahil sya lang ang babaeng gusto ko.

Nandito na kami ngayon sa tapat ng bahay nila at bumaba nya sya. Alam kong galit sya dahil hindi ko sinasagot yung mga tanong nya. Wala na akong magagawa dahil si Kylie ang gusto ko at hindi sya.

Nandito ko sa tapat ng bahay nila Kylie pumunta ako dahil gusto ko syang makita.

Tinatawagan ko yung phone niya pero hindi nya sinasagot kapag tumatawag naman ako sa kanya agad agad nyang sinasagot kahit na may ginagawa sya, pero bakit ngayon hindi nya sinasagot?

Tinatawagan ko sya para sabihin nandito ako tapat ng bahay nila para lumabas sya. Late na din mgs 9 pm na, tulog nma kaya sya o hindi pa sya nakakauwi? Pero sabi nya noon sa akin pinapagalitan sya kapaglate na sya nakakauwi ng hindi nkakapagpaalam.

Ilang sandali lang nakita ko syang naglalakad nakauniform pa sya,

Ngayon palang sya umuwi? Saan sya nagpunta?

I Hate My Math Teacher! (Secret Kiss) [Short Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon