Back to year 19**
“Bakit ka umiiyak?” may lumapit saking isang lalake na halos kasing edad ko lang...
“Yung pusa ko kasi, pumunta sa taas ng puno. Ayaw niya ng bumaba... “
“Ahh.. sige, sandali lang ah, aakyatin ko nalang yung puno para sayo.”
Inakyat niya yung puno para lang mabalik yung pusa ko sakin. Kahit hindi kami magkakilala tinulungan niya parin ako. Kahit medyo mataas yung puno, at halos kasing tangkad ko lang siya, hindi parin siya nag dalawang isip na akyatin yun.
Tsaka infairness ah.. ang gwapo niya. Hindi ko nga lang ma describe kasi bigla nalang siya umakyat sa puno.
“Ayan na yung pusa mo. Sa susunod, wag mo na kasi papabayaan. Yan tuloy, bigla nalang umaakyat sa puno. Kung hindi pa ko dumating baka umiyak ka pa ng umiyak jan.”
Medyo masungit rin pala... pero thankful narin ako. Tama rin naman siya eh. Kung hindi siya dumating, baka forever na yung pusa ko dun.
Kasing height ko lang siya, maputi, makinis ang balat, black hair, brown eyes at makapal ang kilay. Medyo matangos din yung ilong niya.
Ang gwapo niya talaga.....
“Thank you ah. Buti nabalik na siya sakin.”
“Don't mention it. Anu nga pala pangalan mo?”
“Tria.... Ikaw ?”
“Ako nga pala si.... [nakalimutan ko na yung name eh]”
“Anak! Kakain na. Umuwi ka na agad.”
“Opo nay. Tria, sa susunod nalang ah? Tinatawag na kasi ako. Laro nalang tayo sa bahay ko sa susunod. Magkapit bahay lang naman tayo.”
“O'cge. Punta ka na dun. Baka mapagalitan ka pa dahil sakin.”
Tapos nun, minsan naglalaro kami sa bahay niya. Medyo may kaya din yung family niya.
Kilalang kilala narin ako ng parents niya pati ng kapatid niya. Kilala narin siya ng parents ko. Actually, matuturing ko na siyang bestfriend ko. Siya yung nasasabihan ko ng secrets ko...
BINABASA MO ANG
Still waiting for you (First Love)
Teen FictionWhat if there is someone who you valued the most, promised you to come back for you after all the years had been passed?? Willing ka pa bang maghintay?? Hindi ka ba magsasawa....?!