Chapter 3~ Meet my enemy ... ? -.-

432 15 7
                                    

May 15

“Boracay, Here we come!”

Hayy.. atlast May15 narin at nakapag boracay na kami.

Buti nga at wala ring naging problema sa clearance namin. Nakapag recognition kami ng maayus.

Si Nicole ang nag top 1 sa klase namin at ako ang top 3.... Si Shaira, Hmmm... nevermind. Wala kasi siya sa top eh. Ayaw ko nalang i-mention. Pero atleast, ok na kaming tatlo. Nakapasa naman kami sa pagiging 2nd year college. Lahat kami same course. Business administration. Gusto kasi namin makapag tayo ng business pag laki namin.

“Tria! Bilisan mo na nga jan. excited na kaming mag swimming.” Pinapamadali na ko ni Shaira.. Tss..

“O'cge susunod na ko”

Si Shaira, hindi naman talaga business ang hilig niyan. Napilitan lang dahil siya ang magmamana ng kumpanya nila.

“O'eto yung susi natin. Tatlo na yung hiningi ko para naman tig iisa tayo. Ipasok mo na Tria yung gamit mo. Ready na kami ni Nicole lumusob.”

“Mauna na kayo. Susunod nalang ako. Aayusin ko lang muna mga gamit ko.”

“Bilisan mo nalang Tria, para mag-picture taking na tayo.”

Ganda ng room namin ah... Infairness. Dalawang palapag siya, tapos tig dalawang kama sa taas at baba. Yung hagdan niya, pang tropical talaga. Feel mo yung ambiance na nasa Boracay ka pag nasa kwarto. May lamp shade sa pagitan ng dalawang kama at maganda din yung cr. Sobrang linis talaga.

Sa paglabas ko, nagdala ko ng inumin... Mainit kase e .. Baka ma stroke pa 'ko. Haha ! Joke :))

Nagmadali na akong lumabas kasi kanina pa sila naghihintay.

Sa pagmamadali ko, may nasangga akong lalake. Matangkad... Brownish na buhok, makapal na kilay, maputi... pero parang siga.

“Miss, tumingin ka nga sa dinadaanan mo. Kung sansan ka kasi nababangga. Dinudumihan mo pa yung damit ko”

Ang angas nitong lokong to ah... Natapunan ng juice yung damit niya.. Pssh.

"Hoy, Miss! bayaran mo nga tong damit ko? 2,500 lang naman" *Evil smile. 

HA?!?!! Eh bakit ko naman babayaran yun? Tsaka 'lang' daw yun 2,000 ?? Mayaman siguro to ?

"Miss, anu ba ha?"

“Mr, sori naman ah? Eh ikaw nga rin, ang tangkad tangkad mo, bulag ka naman.” hindi ko na napigilang sumagot. An'kulet naman kase e .

“Atleast hindi naman katulad mong bansot.”

Laitin ba naman ako? Porket matangkad lang siya, aasarin niya na ako agad? Hindi naman siya ganung matangkad eh. Kainis naman! Pogi sana.... mayabang naman! Hmp.

“Anu ba kasing masama ang ginawa ko sayo? Hindi ko namang sinasadya na mabangga ah....”

“Basta, tingnan mo nalang dinadaanan mo sa susunod. Hindi yung nakakaabala ka pa.”

“Che! Hindi marunong gumalang sa mga babae!”

Nakakainis talaga. Supeeeeer! Urghhhh! Akala mo kung sino.

“Miss, pag pasensyahan mo na yung kaibigan ko.”

Biglang may dumating na lalake na kaibigan daw ng maangas na yun. Infairness, gwapo rin siya. Black hair, moreno, makisig tingnan, medyo matangos na ilong....

“Buti ka pa nakakaintindi.”

“Ako nalang yung mag so-sorry para sakanya. Sana maintindihan mo nalang siya.”

Still waiting for you (First Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon