Chapter 5~ Humiliation >.<

335 11 7
                                    

“So, yun pala yung dahilan kung bakit kayo pumunta sa Japan. Eh, panu naman yung studies niyo dun? I'm sure hindi madali ang mag-cope up sa studied dun. Ano yung nangyari?”

“So far, wala namang special na nangyari... Aun nga, nag-aral kami ng Japanese at Kanji, kahit minsan na nahihirapan ako sa pag cope up ng subjects doon, nagpursigi parin ako para sa mga magulang ko at para narin sakanya...”

“Hindi mo na talaga nakita yung first love mo?”

“Unfortunately, kahit isang beses, hindi ko na siya nakita. Pero one time, nakita ko yung Mommy niya.”

*****

Tita, ikaw po ba yan?”

Oh, Tria ikaw pala yan.”

Nakita ko yung Mom niya sa isang mall... sa Lalaport. Pero mag-isa lang siya. Hindi niya kasama si ano...

Pumunta kami ni Mommy dun para makapag mother and daughter bonding. Pero hindi ko inaasahang makikita ko yung Mom ni [first love]

Kelan pa kayo dito sa Japan?”

Mga 2 years ago lang po” Noong time na yun, 15 years old na ko.

Nasan po si ...”

Ahh... si J______? Nasa bahay lang siya. Ayaw nun masyadong maglalabas eh..”

Ganun po ba? Pero kamusta na po ba siya?”

Ok lang naman siya.... Kaso..”

Bago niya pa matuloy yung sasabihin niya, may biglang sumigaw na,

Mommy! Punta na tayo sa palaruan... please?”

Kasama yung kapatid niya. Siya lang yung hindi sumama. Sayang naman. Kung sumama lang sana siya, magkikita na sana kami ulit.

O'sha Tria, sa susunod nalang. Makulit kasi tong anak ko eh... pero sayang talaga kung sumama lang si J_______, siguradong matutuwa siya at nagkita na kayo. Sige, ike-kwento ko nalang sakanya na nagkita tayo.”

Sige po. Bye tita.”

******

“Nakita ko nga yung mom niya, pero siya, hindi.”

“Sayang naman yan.”

Sayang na sayang talaga... muntikan na sana eh...

“Change topic nalang po tayo?”

“O'sige.... kelan nga pala birthday mo?”

“Sa makalawa po.. May18”

“Magkasunod pala kayo ng birthday ni Jake. May19 kasi siya”

Ha? magkasunod lang yung birthday namin nung Jake na yun? Pati ba naman birthday, ayaw niya kong lubayan? Nakakainis na talaga ah...

“Gusto mo, ipag sabay nalang natin yung celebration niyo?”

“Naku, wag na po. Alam mo namang mainit yung dugo sakin ni Jake. Tsaka hindi rin ako magiging kumportable pag magkasabay pang ice-celebrate.”

“Ahh.. basta... ”

Wag nga eh diba? Alam niyo namang lahat na magkagalit kami nun eh. Sinasadya niyo ba? Hmp!

“O'cge po, mauna nako. Pupuntahan ko na sila Nicole. Thanks po sa time.”

Masarap rin ka-kwentuhan yung bestfriend niya... Parang nagkaron na ako ng kuya. Mas matured kasing mag isip si Ralph kaysa sakanya.

Habang papunta ako kila Shaira, naka salubong ko nanaman si Jake

“O'Anu? Masaya ka na at naging miserable tong gabi na'to para sakin?”

“........”

“Sumagot ka nga. O'baka naman hindi ka makasagot dahil guilty ka?”

Pinipigilan ko na nga lang yung sarili ko... Sinusubukan mo talaga yung pasensya ko ha? Hindi na nga kita pinapansin eh...

“Tama ako nu? Guilty ka!”

Hindi ko na talaga mapigilan!

“Hoy Mr! Kaya ako tumatahimik kasi ayaw ko na ng gulo. Inaanu ba kita?”

“Sumasagot ka pa ah. Malaki kasalanan mo sakin. Pati pag punta ko dito sa Boracay, nasisira mula ng nakita kita.”

So, ako pa pala ang may kasalanan kung bakit na-aalburoto tong taong to? Bwiset ka talaga!

“Panu ko naman naging kasalanan yun? Ikaw nga yung nagsimula diba? Wala naman akong ginagawang masama sayo... kung makapang lait ka, wagas!”

“Ikaw pa tong nagagalit ngayon? Ni, hindi ka nga marunong magpasalamat at pinabayaan kitang makihalubilo dito sa resort ko!”

Alam ko naman yun eh. Pero ayoko lang talagang respetuhin ang mga taong gaya mo!

“FYI, hindi naman ikaw yung nag invite sakin.... Kahit na sabihin mong resort mo to, hindi naman ikaw ang pinunta ko dito.”

Nag-iinit na talag yung dugo ko. Hindi naman ako ganito eh... nagkakaganito lang ako ng dahil sakanya. Eh, sino ba namang tao ang hindi maiinis sa taong kagaya nito?

Alam kong lumugar kung saan ako nararapat, pero sa mga oras na to, hindi ko na yun naisip at pinairal ko ang galit ko.

“Hindi ko naman kailangang makipag ayos sayo para lang makapunta dito... Pumunta lang ako para sa mga kaibigan ko.”

Sabay walk-out! * EVIL SMILE

Pero sa pangalawa kong hakbang, nahulog ako sa pool. O.O

Ang tanga tanga ko naman. Maganda na sana yung eksena, na napamukha ko sakanya yung kasamaan niya.... Tapos, ito lang pala yung mangyayari sakin? Ayoko na! Hiyang hiya na ko at may nagawa pa kong eksena na hindi maganda.

Nagulat lahat ng tao dun at nagtinginan sakin.

Please.... wag na kayong tumingin, nahihiya na nga ako, mas lalo pa akong nahihiya pag ganyan kayo makatitig.

Nag-dive si Bryan at iniahon ako sa tubig.

“Ayus ka lang ba?”

“........”

“Dali at magbihis ka na dun. Papahiramin ka muna ni Shane ng damit niya.”

“Nahihiya na po ako.”

“Anu ka ba.. mamaya na yan at magbihis ka muna. Para naman tumigil na yang panginginig mo.”

Hindi ko na namalayan at nanginginig na pala ako. Sa sobrang takot at hiya... bigla nalang akong nanginig.

Pagkatapos kong magbihis.

“Tria, what happened? Tell me..”

inapproach agad ako ni Shane at hinaplos ang likod ko.

“Wala lang po to. Papaalis na sana ako tapos bigla akong nahulog sa pool. Hindi ko na namalayan na may pool dun sa sobrang inis ko.”

“Ang sabihin mo, tatanga-tanga ka kasi.”

Biglang dumating si Jake at nakisingit sa pinag uusapan namin.

“Jake, tumigil ka na nga. Nakita mo na ngang nahulog siya sa pool, ginaganyan mo pa siya. Mag-sorry ka na nga sakanya.”-Shane

“NO.”

Ayoko na... kahit naiinis parin ako sakanya, hahayaan ko nalang siyang ganyanin ako. Super nahihiya na ako. Gusto ko nalang maglaho na parang bula. Gusto ko nalang makaalis sa kinaroroonan ko ngayon.... please.

“Aalis na lang po ako. Thank you nalang sa pagpapahiram mo sakin ng damit. Bukas ko nalang isusuoli sa inyo. Paki sabi narin kay Bryan na thank you sa pag sagip niya sakin.”

Kung pwede lang sanang bumalik sa dati... Na sana, hindi ko nalang siya pinatulan. O'kaya, sana hindi ko nalang siya nakilala.... Eh di sana, hindi na ko umabot sa ganitong kahihiyan.

Still waiting for you (First Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon