Tria's POV
Ang weird naman ng mga tanong nila... at masyadong personal... Pero sinagot ko nalang ang mga tanong na yun para matapos na... At naging emosyonal narin ako lalo na nung tinanong yung taong nangako sakin..
Mas lalo ko siyang naaalala.. Haist.>.<
Narinig ko yung sagot ni Room B sa huling tanong.
“Gusto kong sabihin sakanya na hanggang ngayon, hindi ko parin nakakalimutan lahat ng pangako ko sakanya... Babalikan ko parin siya kahit anong mangyari. At mahal ko parin siya”
Kahit nasusunitan ako at naiinis sa mga sagot niya kanina sa pagiging insensitive niya, parang biglang nawala yung feeling na yun.
Parang na-feel ko yung nararamdaman niya sa loob loob... Mabigat siguro pinagdaanan niya.
Tapos pinalabas na nga kami ni Shane sa kwarto. Sino kaya yung nasa Room B?
Gusto ko siyang makilala at makausap... Feeling ko, gusto ko siyang makilala ng husto, kase parang pareho lang yung pinagdadaanana namin.
Pero nung nakita ko yung lumabas galing sa Room B... Nagulat ako sa nakita ko.
Kase nandun si Jake Alvarez na yun!
Hindi ko maimagine na siya yung nasa loob ng room kanina.... Naalala ko ulet yung sinabi niya sa huling tanong ni Shane.
Siya pala yung taong nasa loob? Siya yung taong ginusto kong makausap? Wag nalang kaya... Baka awayin pa ko nito ulet eh... tutal wala naman daw siyang pakialam sa ibang babae kung'di sa babaeng mahal niya.
Pero hindi ko inaakala na ganun yung personalities niya... Sa kabila ng masasamang ugali ang pinakita niya sakin, may isang tao rin palang makakapagbago ng ganun sa kanya...
Sino kaya yung babaeng yun? Malaki kase yung naging impluwensya niya kay Jake eh..
“Tria, sorry at hindi ko sinabi sayo ang totoo ah? Pero sa tingin kase namin, ito ang magiging paraang para malaman niyo sa isa't isa ang tunay niyong ugali...”
BINABASA MO ANG
Still waiting for you (First Love)
Teen FictionWhat if there is someone who you valued the most, promised you to come back for you after all the years had been passed?? Willing ka pa bang maghintay?? Hindi ka ba magsasawa....?!