Jake's POV
“Jake, samahan mo nga akosa Bora Club.”
“Ayoko.”
“Sige na... gusto ko kasing makipaglaro ng game dun. At gusto ko kasama ka.”
Ang kulit naman nitong si Ralph. Sabi ng ayoko diba? Hindi ba siya makaintindi? Anu bang meron dun kung kasama niya ko, o hindi kasama?
“Hindi mo ba maintindihan ang salitang 'ayoko'?”
“Bakit ka ba nagkakaganyan? Nung bata pa tayo, hindi ka naman ganyan umasta ha?”
Ayan nanaman... kakalikutin niya nanaman ang nakaraan ko. Eh alam naman nila na ayaw kong pinag-uusapan yun diba? Bakit ba ang kulit niya?
“Wala kang pake.”
“Bahala ka.. pag hindi ka sumama sakin, tatadtarin kita ng mga tanong tungkol sa background mo.”
Tsss....Bakit ba? Porket alam nila na yun yung kahinaan ko... na pag-usapan ang nakaraan ko, pero bakit ba pinipilit nila ko? Nakakainis na ah.
“Gusto ko lang naman mag bonding tayo, aayaw ka na agad.”
“Eh anu naman kung kasama mo ko? May mag-iiba ba?”
Kung hindi ko lang bestfriend to, tatangi at tatanggi talaga ako jan. Pero anu nga bang masama kung samahan ko siya? As if naman na may mangyayaring masama. Samahan ko na nga lang to. Ang kulit kasi eh.
“Sige na. Sasama na ko.”
At sa huli, ako parin yung talo. Napasama niya nanaman ako... dalawa kasi panlaban niya sakin. Yung pagiging bestfriend namin at yung sa nakaraan ko.
“Sige, magbibihis na muna ko.”
Tapos dinala na niya ako sa Bora Club.
Nakita ko dun sila Shaira, Nicole, Shane at Bryan... bakit sila nandun? Coincidence ba to o, sadyang nagtipon tipon sila?
Pero, pansin ko... bakit wala si Tria? Eh diba laging magkasama yung tatlong yun?
“Bakit kayo nandito?”
“Masama ba?”
Si Shane talaga... bata pa lang kami, may pagka itrimitida na.
“We're here, because we want to be here.” - Shane
Tsss... binabara pa ko. Anu ba kasing meron at nandito sila lahat?
Parang masyado namang co-incidence at lahat kami nandito except si Tria.
“Jake, pumasok ka nga sa kwartong yun.” -Shane
“AYOKO! Pinasama pa ko ni Ralph dito, tapos ngayon, pipilitin niyo naman akong pumasok sa kwartong yun?”
“Yun nga yung part ng game, gets? Maglalaro din si Bryan mamaya.. pero mauna ka na.”
“HA!? Anung game??”
Anu ba kase tong pinag-gagawa nila?
“Basta pumasok ka nalnag pwede?”
Ang gulo naman nila... ito ba yung sinasabi ni Ralph? Eh di dapat kasama siyang maglalaro?? Pero hayaan mo na nga. Kaysa naman mag-dadada pa tong si Shane sa harap ko.
“Oo na, oo na.. papasok na ko. Ang dami niyo pang sat-sat.”
“Good.”
Ang weird talaga nila.. anu bang meron sa kwartong yun? Anu nanaman tong pakulo na ginagawa nila? Dahil ba birthday ko bukas? Kaya may surprise sila sakin?”
BINABASA MO ANG
Still waiting for you (First Love)
Teen FictionWhat if there is someone who you valued the most, promised you to come back for you after all the years had been passed?? Willing ka pa bang maghintay?? Hindi ka ba magsasawa....?!