Chapter 12~ My Lil'sis

307 9 0
                                    

Jake's POV

Habang kinukuha ko yung libro, biglang nagring yung phone ko..

Galing sa school ni Venice.

Sabi ng teacher niya, nasagasaan daw siya... WTH! Bakit ba siya nasagasaan? Tsk.

Pero buti naman na nasa ospital na daw siya ngayon, at napilayan lang yung kaliwang kamay niya...

Kala ko natuluyan na.. buti hindi naman.

Papunta na sana ako sa ospital... pero sumabit pa yung bracelet niya sa pantalon ko.

Bahala na nga. Sumama nalang din siya sakin. Kaysa naman mas matagalan pa ko at mahuli ni Ma'am Chaves.

Tumatakbo na sana kami eh. Bigla namang nakita ni Ma'am yun. Tsk

You two, will be in detention tomorrow.”

takte naman oh! Amp.

Hinila ko nalang si Tria para hindi na kami maabutan pa.

At hinawakan ko nalang yung kamay niya.

TAKE NOTE: Ginawa ko lang yun dahil KAILANGAN... hindi ko ginusto yun ah.

Noong nakarating na kami sa ospital,

Tinanggal ko na yung bracelet niya sa pantalon ko.

“O'yan na. Pwede ka ng bumalik sa school.”

“Nasisiraan ka na ba?”

“Akala ko ba ayaw mong mag skip ng subjects?”

“Isasama-sama mo ko dito, tapos ngayon iiwan mo nalang ako basta basta?”

“Sige na nga. Sumama ka nalang sakin.”

Wala na kong magagawa eh. Hayaan mo na lang siya.

Nakarating narin kami sa kwarto ni Venice. Private room siya.. Di niyo ata natatanong? Mayaman ata kami.

“Musta na pakiramdam mo?”

“Ok naman po kuya.”

“Wag ka muna daw masyadong magkikilos. Lalo na't napilayan ka daw.”

Siya ang kapatid ko na si Venice Alvarez. 13y/o na siya. Wala kase si Mama ngayon eh. Nasa ibang bansa.

Kaya, kaming dalawa lang ni Venice sa bahay. Tsaka yung katulong namin.

“Kuya, sino po siya? Girlfriend mo?”

Hala? GF ko ba naman daw si Tria? NEVER!!

“Kaklase ko lang yan. Napasama lang kase, sumabit yung bracelet niya sa damit ko.”

“Alam mo ate, bagay kayo ni Kuya.”

“HUH?”

Halatang nagulat si Tria sa sinabi ni Venice.

Tong kapatid ko naman kase eh. Kung anu- ano nalang yung lumalabas sa bibig niya. Amp.

“Wag mo ng pansinin yang kapatid ko.”

“Kuya naman eeeeeehhh!.. Bili mo nga lang ko ng juice tsaka cup noodles. Nagugutom na ko eh.”

“Sige. Maiwan ko muna kayong dalawa jan.”

Tria's POV

Sige. Maiwan ko muna kayong dalawa jan.”

Ok, anu kayang magagawa ko dito?

“Ate, crush mo ba si Kuya?”

HA???

“HALAAA! HINDI AH!”

Medyo napasigaw tuloy ako.

Panu naman ako magkakagusto sakanya? Eh super suplado na nga, masungit pa. Tsss..

“Eh bakit ka masyadong ka pong deffensive?”

Mautak na bata..

“Gusto ko lang linawin sayo na hindi ko siya crush.”

“Eh ano? Mahal na??”

Mas lalong hindi!

“Hindi rin.”

“Akala ko crush mo siya eh.. marami daw kaseng may gusto kay Kuya. Hindi lang siya nag ke kwento sakin. Boto sana ako sayo eh..”

“Ahh.. hindi ko parin kase masyadong alam ang tungkol sakanya.”

“Pwede ka bang maging ate ko?”

Medyo nagulat ako sa sinabi niya.

“Ok lang naman..”

Pero since na gusto ko rin magkaron ng lil'sis, pumayag narin ako

“Kase ate, ang gaan gaan ng loob ko sayo eh. Tsaka gusto ko rin magkaron ng ate.”

Nagkwentuhan rin kami sa iba't ibang bagay..

then,

Nakita kong may dumi yung kanang braso ni Venice, kaya kumuha muna ko ng towel at binasa ito para malinisan yung braso niya.

“Thank you ate. Hindi ko kase mapunasan ng maayus yan eh.. napilay kase yung kaliwang kamay ko:(”

At biglang dumating na si Jake..

“Ehem? Mukhang nakakaistorbo ako sainyong dalawa ah?”-Jake

“Kuyaaaaaaa! An'tagal mo naman. Nagugutom na nga ako eh.”

Mabilis kaya siya..

“Oo na, princess. Ihahanda ko na agad to.”

Pinainitan na ni Jake yung cup noodles, tapos nag voluntary akong magsubo sakanya...

Hindi ko nga rin alam kung bakit ko ginawa yun.. Siguro, gusto ko lang magkaron ng nakababatang babaeng kapatid..

Lalaki kase kapatid ko eh. Hindi ko masyadong kasundo sa mga gusto ko.

Pagkatapos nun, nagkwentuhan lang kami, tsaka lumabas na ulit si Jake para sa kakainin naman namin. Uuwi na sana ako nung sinabi ni Venice na,

“Kuya, hatid mo na si ate ah? Dapat, safe siyang makauwi...”

Jake's POV

Nakita kong pinupunasan ni Tria si Venice. Kailangan niya bang gawin yun? Hindi niya naman kaanu-anu si Venice ah?

Napapangiti tuloy ako sakanya. Wala lang... Nakakatuwa lang tingnan.

Pero syempre, hindi ko naman pinahalta yun.

Tsaka nag voluntary pa siyang subuan si Venice?!

Nakakagulat talaga. Hindi naman pala puro kasungitan ang alam nito eh.

Still waiting for you (First Love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon